Chapter 20: Triple Date Part-III

883 38 8
                                    

Mikee's POV~

"What's with that face?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sanya.

Nandito na pala sila, di ko man lang namalayan. -.-

Pano mo ba naman kase mamamalayan? E malalim pa sa bangin yung iniisip mo!

Sermon ng isip ko sakin.

Binigyan ko lang siya ng Huh-Look.

"Mukhang sinalo mo kase lahat ng problema ng mundo e. You look upset." dagdag pa nito na napapailing.

"Siguro pagod lang ako." I immediately replied.

"Guys, restroom muna ko ah?" Paalam ko bago ko tumayo at pumunta sa restroom.

--

Andre's POV~

"Anong problema nun?" takang tanong sakin ni Sanya na ang tinutukoy ay si Mikee.

Napabuntong-hininga lang ako at nagkibit-balikat dahilan para kumunot ang noo nito.

"Mood swings? Meron yata e. -.-" di siguradong sagot ko.

"Ano bang nangyari?" tanong naman ni Kylie.

Ano nga bang nangyari? -___-

Ah okay!

"Nung umorder kase kami kanina, yung cashier sa counter panay pacute sakin. Ayun! Nag-iba yung mood. Tinarayan niya yung cashier pati na ko." nakangusong kwento ko sa mga nangyari kanina.

"Sure ka? Wala ba kayong pinag-awayang iba?" paninigurado ni Sanya.

"Yes. Wala naman kaming pinag-awayan e. Okay na okay nga kami bago kami umorder e." I immediately answered.

Nagkatinginan naman yung apat at umiling bago ngumiti ng nakakaloko.

Ano to? Prinactice nila? -_-

"NAGSESELOS LANG YUN!" sabay-sabay nilang sabi dahilan para magdikit yung kilay ko.

"Selos? Ayun magseselos? Ts. You gotta be kidding me!" di makapaniwalang sagot ko.

Pero what if kung nagseselos nga yun? Osge! Andre! Umasa ka sa imposible!

"Basta pre! Nagseselos yun! Ikaw naman kase e. Masyado kang chickboy! Hindi masamang maging friendly pero may nililigawan kana pre! Makuntento kana. Kaya kung ako sayo pre. Susundan ko yun! Suyuin mo, habulin mo! Kahit wala kang kasalanan, magsorry ka! Pag sinampal ka tanggapin mo. Pag pinalayo ka, lapitan mo lalo. Pano kayo magiging TOGETHER? Kung wala ka namang gagawin just TO GET HER. Sige ka! Ikaw rin! Pag may ibang nagcomfort dun baka maunahan ka pa." mahabang litanya ni Ruru na nagpanganga saming apat.

*silence*

"Wow naman bro! May nalalaman ka ng paganyan-ganyan ngayon ah? Hahahah. Iba talaga pag pumapag-ibig e---Aray naman honey!" pambabasag ni Rocco sa katahimikan pero di pa niya natatapos ang sasabihin niya ay binatukan siya ni Sanya.

Hahaha. Buti nga! XD

Tama si Ruru! Dapat sundan ko yung topaking babae na yun.

Di ko naman siya masisisi if nagselos nga talaga siya. Dating playboy ako e, untill the day I met her.

Napapangiti pa ko na parang naka-ecstacy ng batukan ako ni...

"Rocco? Wtf! Bakit mo ko binatukan?" asar na sabi ko sakanya.

"Makangiti ka kase diyan, para kang nakashabu! Tsaka ano bang hinihintay mo? Pasko? Matagal pa yun Andre! Sundan mo na si Mikee bago pa---" di ko na inantay na matapos siyang magsalita, dali-dali akong tumakbo papuntang rest room.

My DestinyWhere stories live. Discover now