Ezekiel's POV~
Nagpark lang ako sa may tabi at gigisingin ko na sana si Nicole ng biglang magring ang phone ko.
Calling...
Andre
#09*********~"Ts. Ano na naman kayang kailangan nitong monggoloid na to?" tanong ko sa aking isipan.
"Hello loverboy! *laugh*" nang-aasar na bungad nito.
"Sh*t up! Anong kailangan mo? -_-" asar na sabi ko naman.
"Wala naman. I want to congrats you lang naman. For your successful proposal. XD" nang-aasar parin na sabi nito sa kabilang linya.
"But, I just want to remind you... Our deal! Mukhang nakalimutan mo na yata e." he chuckled. Kaya naman nagflashback sakin yung gabing nakipagdeal ako sakanila.
--
"Welcome back Jose Ezekiel!" panunukso nila sakin na syang dahilan upang mabalik ang naglakbay kong kaluluwa.
"No way! Walang makakapagpatiklop sa isang Ruru Madrid! Even my fiancee! Minsan na kong nasaktan at alam nyo kung gaano ko nagdusa nung mga panahon na yun! Kaya pinangako ko sa sarili kong di na ko magmamahal pang muli!" iritadong sabi ko sakanila na may assurance. Ngunit imbis na matinag ay lalong lumaki ang mga ngiti ng mga loko.
"Ez bro! Wala naman kaming sinabing nafafall ka na e. Baka naman nafafall ka na nga?" natatawang asar pa ni Rocco na sinabayan pa ng nakakalokong ngiti.
"Hindi rin. Ipupusta ko si spade *kotse ko* pati condo ko! Hindi ako mafafall dun sa amasona na yon!" panghahamon ko sa dalawa na ikinagulat nila.
"Si spade kaya mong ipusta? Unbelievable! Yung condo mo alam kong kaya mo talagang mawala sayo. Pero not even spade. Pero dahil sinabi mo na, wala ng bawian. Say bye bye to spade bro!" si Andre na hindi makapaniwala.
"Argh! Bat parang sigurado sila na matatalo ko sa pustahan? -_-"
"Alam nyong never pa kong natalo sa pustahan bro! At isa pa. Pinusta ko si spade dahil alam kong di ako mafafall sa amasona kong fiancee. Spade is mine! Only mine assholes." sabi ko sakanila na siguradong-sigurado.
(Reffering to Chapter 7.)
--
Nagbalik lang ang isip ko sa kasalukuyan ng magsalita ulit si Andre.
"Ano? Naalala mo na ba yung mga pinagsasabi mo? Haha. Say bye to your condo and to spade Ruru!" nang-aasar na sabi nito. Magsasalita na sana ko ng biglang...
*toot.toot.toot*
Nabagsak ko yung cellphone ko sa sobrang inis at napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko.
"Ano bang meron sayo at kinain ko lahat ng sinabi ko? -_- Di ko akalain na kaya ko palang ipagpalit yung condo ko pati tong kotse ko... *sigh* Just because of you. :)" hinahaplos ko yung mukha niya habang sinasabi ko yun sakanya.
Napakaamo talaga ng mukha nito pag tulog. XD
Ang sarap pagmasdan..
Parang anghel na bumaba sa lupa.Kinilatis ko ang kanyang mala porselanang balat sa sobrang kinis. Ang matangos niyang ilong at ang labi niyang natural na mapula.
Napaka perfect talaga...
Di na nito kailangan pa ng kolorote sa mukha para lumabas ang kanyang ganda.
YOU ARE READING
My Destiny
FanfictionStory of Nicole and Ezekiel. Who was met in their dreams. Nicole is a maldita typical kind of girl while Ezekiel is a jerk cassanova type of guy. What will happen if they meet in real life? XD -- Authors Note: This story is a product of my broad ima...