Ezekiel's POV~
Masayang-masaya sila Tita Liezl na pinagmamasdan ang kanilang anak habang sinusukatan ni Trixie.
Napangiti nalang ako ng makita kong masayang-masaya rin si Nicole sa ginagawa nya.
Hinihintay ko nalang kaseng matapos siya since tapos na kong sukatan ng assistant ni Trixie kanina.
Napukaw lang ang atensyon ko ng mapansin kong umilaw ang cellphone ko sa bulsa kaya dali-dali ko tong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Calling...
Mom
#09*********At nang makita kong si mom pala ang tumatawag ay lumayo ko kila Tita tsaka ko sinagot ang tawag.
"Babyyyy! Where are you? Si Kylie kasama mo ba? Umuwi na ba sya? Anooo baby? Bat di ka nagsasalita? Nakidnap ba kayo ano? Kidnapper ba tong kaus---" pinutol ko ang mga sasabihin pa sana ni mommy dahil baka kung ano pang masabi nito sa sobrang taranta.
"Moooom! Calm down okay? I'm fine. Di ako nakidnap for pete sake! Nandito ako sa bahay nila Kylie. And yes! Kasama ko siya. Pauwi na rin ako mamaya. Hinihintay ko lang matapos sukatan si Kylie okay?"
"Okay baby. E bakit kase di mo agad sinabi? Nag-aalala lang naman ako e." mahinahong sabi ni mommy sa kabilang linya.
"Mom? Are you serious? E pano ba naman kase ko makakapagsalita, e tuloy-tuloy yung pagsasalita mo." frustrated na sabi ko habang nanlalaki ang mata dahil sa sinabi niya. Wala na kong narinig na salita mula sa kabilang linya siguro narealize ni mommy yung sinabi nya kaya nagpaalam na ko.
"Bye mom. See you in our house. Patapos narin to si Nicole, kaya wag ka ng mag-alala okay? Pauwi na rin ako. Bye. Iloveyou!" at inend ko na ang tawag. Sakto namang pagpatay ko ay nakita kong nagpa pack-up na si Trixie, marahil ay tapos na sila.
Napansin ni Nicole na nakatitig ako sa kanila kaya naman lumapit sya sa kinatatayuan ko.
"Hi? Hindi ka pa ba uuwi?" halatang naiilang na sabi nito.
"Actually pauwi na nga ko e. Hinintay ko lang na matapos ka. Tumawag nga si mom e. Tinanong kung kasama daw ba kita. Nag-aalala daw kase siya sayo e." natatawang sagot ko para mawala ang awkwardness na namamagitan saming dalawa.
"Si asdfghjklmnop..." sabi nito na di ko naintindihan.
"Ha? Ano yun Nicole?" nagtatakang tanong ko dito dahil di ko naintindihan yung sinabi niya. Kaya naman natutop niya ang bibig niya at umiling.
"Ha? Wala. Sabi ko si tita talaga. Mahal na mahal ako! Hahaha. Pakisabi pala kay tita sorry sa nangyari kanina. Nakita niya pa tuloy yung kadramahan ko." sabi nito na natatawa pa ng maalala yung nangyari kanina.
"Ok lang yon. Sabi ko nga sayo diba---" pinutol nya yung sasabihin ko at siya na ang nagpatuloy.
"Walang masama sa pag-iyak. Wala ring masama sa pagiging mahina. I'm here for you." panggagaya nito sa sinabi ko kanina pero di ko inasahan yung huli niyang sinabi kaya naman nagulat ako and my heart skip a beat.
*Dug.Dug.Dug.Dug*
"Hahahahaha. Pwede na ba kong mag-artista Ezekiel? :D Ang galing kong immitator no? Hahaha. With feelings pa yun partida! XD Tara na nga! Magpaalam kana kila mamsi. 10 pm na oh. Baka macurfew ka charrot!" tuwang-tuwang sabi nito at hinila na ko papunta kila tita.
"Mamsi, Papsi, uuwi na daw po si Ezekiel. Hatid ko lang po siya sa gate ah? :)" masayang sabi nito sa mga magulang niya.
"Akala ko ba ako magpapaalam? -_- Tsk. Abnormal talaga mga babae." nasabi ko nalang sa sarili ko.
YOU ARE READING
My Destiny
FanfictionStory of Nicole and Ezekiel. Who was met in their dreams. Nicole is a maldita typical kind of girl while Ezekiel is a jerk cassanova type of guy. What will happen if they meet in real life? XD -- Authors Note: This story is a product of my broad ima...