Chapter 23: Girlfriend?

653 30 0
                                    

"A-Aljur?" gulat na reaksyon ko ng makita kung sinong humila sa braso ko.

"The one and only! Buti naman naaalala mo pa ko?" nakangiting sagot nito. Sasagot pa sana ko ng biglang umeksena yung driver.

"Ma'am, mukhang di niyo na po kailangang sumakay! Andyan na po yung boyfriend niyo e." nang-aasar na sabi ni manong driver habang natawa.

Sasagot na sana ko ng biglang magsalita si Aljur.

"Oo nga manong e! Nagtampo kase tong girlfriend ko e. Tumakbo palayo! Buti nalang naabutan ko pa. Hahaha. Eto pala manong oh! *abot ng 1k* Sorry sa abala." nakaakbay pa talaga siya sakin habang sinasabi niya yan. Kinuha naman ni manong ang pera na inabot ni Aljur at nagpasalamat bago tuluyang umalis.

"Loko ka! Bat sinabi mo kay manong na girlfriend mo ko?" siniko ko siya, kaya naman natanggal ang pagkakaakbay niya sakin.

"Aray! Masakit yun ah! Hahaha. Girlfriend naman talaga kita ah? Ano bang tagalog ng girlfriend? Babaeng kaibigan diba?" natatawang sagot nito habang hinihimas ang abs niyang nasiko ko, ay este tyan pala! XD

"Oo nga no! Hahahaha. Bat di ko naisip yun! XD" natatawang sabi ko nalang din.

"Tara na. Hatid na kita! San ka ba dapat pupunta?" pagyayaya nito.

"Sa school. Oo nga pala! May pasok pala ko! Kaya pala dapat sasakay ako sa taxi." tarantang sagot ko ng maalala kong malelate na ko sa 2nd subject.

"Ako din pala! Hahaha. May dinaanan lang ako malapit dito tas papasok na sana ko ng makita kita e." kakamot-kamot sa ulong sagot nito at tumakbo na papunta sa kotse niya.

Habang hinihintay ko si Aljur, may napansin akong nakatalikod na lalaki sa malayo.

Sa hubog ng katawan nito ay inakala kong si Ezekiel. Pero iwinaksi ko ang iniisip ko dahil malabong maging si Ezekiel yun. Dahil baka nasa school na yun sa mga oras na to.

Marahil ay namimiss ko lang ito. Kaya naman may mga tanong na biglang pumasok sa isip ko.

"Nasan na kaya siya? Nakapasok na kaya yun? Tinotoyo parin kaya siya? Ang abnormal naman kase nun e. Lakas magmoodswing! Kanina okay naman kami. -_- Sarap sapakin kung minsan e. Hayst! Lord naman e, bakit mo naman kase ko binigyan ng fiancee na mas malakas pa yung toyo kesa sakin!" napasimangot nalang ako ng maalala ko na di nga pala kami okay ni Ezekiel.

"Let's go young lady? Lalim ng iniisip mo ah?" nakangiting approach sakin ni Aljur. Tsaka ko lang napansin na nakababa na pala siya at nabuksan narin niya yung pinto sa may passenger seat kaya naman pumasok na ko at umupo.

"Ha? Ah-E wala yon! May naalala lang ako. Sige tara na! Malelate na talaga ko e. Wait! Alam mo ba kung..." di ko natuloy ang sasabihin ko dahil inunahan niya na ko.

"Saan yung school mo? Base sa uniform mo, mukhang magkaschoolmate tayo." nakangiting sagot nito at nagdrive na.

"Magkaschoolmate? E bat di kita nakikita sa YSU (Ybramihan Shippers University)? Tsaka bakit di ka nakauniform?" takang tanong ko dito.

"First day ko kase ngayon. Kakatransfer ko lang e! Galing ako sa AIST (Alebarro Institute of Science and Technology). Madalas kase kung mapaaway dun. Puro jerk kase tao dun e. Kaya nilipat ako nila mommy sa YSU." pagpapaliwanag nito.

"Ah. I see!" yun lang ang nasagot ko dahil di ko naman alam kung anong dapat kong isagot. XD

Tumingin nalang ako sa bintana habang nakikinig ng music mula sa radio ng kotse niya.

--

Third Person's POV~

Habang nag-uusap si Kylie at Aljur, may mga matang nagmamasid sakanila sa malayo na hindi nagugustuhan ang kanyang nasasaksihan.

Halos mayupi na nito ang softdrinks in can na kanyang iniinom sa sobrang pagseselos nito sa dalawa.

Nang umalis si Aljur, ay lalapitan niya na sana si Kylie upang kausapin at makipagbati dito ng biglang magring ang cellphone niya.

Pero ng sasagutin niya na sana ito ay biglang namatay ang tawag.

"Bakit kaya tumawag si mommy?" tanong ng lalaki sa kanyang sarili. Subalit naalala niya si Kylie kaya naman hinanap niya agad ito sa paligid.

Pero naikuyom niya nalang ang kanyang kamao ng makitang papasakay na si Kylie sa kotse ng hindi niya kilalang lalaki.

to be contonue ...

My DestinyWhere stories live. Discover now