Nicole's POV~
"Thanks sa paghatid ah?" pagpapasalamat ko dito.
"Wala yun. Basta ba ililibre mo ko ng ice cream eh." nakangiting sagot naman nita.
"Ice cream? Seriously? Hahaha. Ang mura naman pala ng talent fee mo e. Hahaha. Sige! Ililibre kita ng ice cream pag nagkita ulit tayo. Pero sa ngayon, bye-bye muna kase malelate na ko." matawa-tawang sabi ko naman dito bago ko kumaripas ng takbo dahil malayo-layo pa ang room namin sa parking lot.
"*pants* *pants* Sana talaga may makaisip na magpalagay ng *pants* elevator sa campus nato! *pants* Ang laki-laki bwiset!" angal ko habang tumatakbo.
*Room 102*
*Room 103*
*Room 104*
*Room 105*
Takbo lang ako ng takbo dahil malayo pa ang room ko pero 30 minutes nalang ang at magtatime na.
"Bakit ba kase sa dinami-dami ng room dito, room 302 pa yung room ko e. At lalong bakit ba kase alternate pa yung hagdan sa building na to e. -_- Dapat kase nasa isang side nalang yung hagdan e. Para isang akyatan nalang! ><" tumatakbo sa isip ko habang patuloy akong nagmamarathon. Pasalamat nalang din ako kay Lord dahil wala kong hika.
*Room 203*
*Room 204*
*Room 205*
*Room 206*
*Room 207*
*Room 208*
"Whoaaah! Go Kylie! Konting tiis nalang! Makakarating ka rin sa room niyo." pagchee-cheer ko sa sarili ko.
"Look who's running girls!" sabi ng babaeng may blonde hair sa mga kasama niya.
"Daef! Wala kong panahon para makipag-away. Kaya please! Wag ngayon! -_-" nasa isip ko habang natakbo parin.
"Oh! Si Kylie pala! Ang malanding transferee!" walang ganang sagot naman ng isa pang babae na kahairstyle ni dora at may kulay red na buhok. Nagtawanan naman ang mga kasama niya.
Nagpanting naman ang tenga ko dahil sa aking narinig.
"Anong sabi mo? Ako malandi? Wow ah! Coming from you pa talaga ah? Nahiya naman ako sa suot mong palda na sa sobrang iksi e pag-upo mo kita na kuyukot mo. At diyan sa blouse mo na di ko alam kung may shortage ba ng butones ngayon o sadyang pinapakita mo lang yang kalahati ng dibdib mo!" sagot ko dito ng nakangiwi na parang nandidiri sakanya. Ako pa talaga kinakalaban nila ah.
Namula naman ang mukha nito. Kasing pula ng buhok niya at tila sasabog na bulkan sa sobrang inis.
Sila ang CAMPUS BITCH! Kilala silang bully, mang-aagaw ng boyfriend, slut, atbp.
Anim sila sa grupo.
Si Ara ang leader ng grupo nila. Yung naka blonde hair. Base sa research, patay na patay daw to kay Ezekiel.
Si Stacy naman ang ass. leader. Patay na patay naman to kay Rocco. Siya naman yung may kulay red na buhok.
Yung apat na alipores naman nila ay sina Reine, Summer, Winter at Autumn. Wala kong alam sakanila dahil yung dalawa lang talaga yung sikat sakanila. Pero may mga kulay din yung buhok nila, required yata e. -_-
"How dare..." sasampalin sana ko ni Ara pero dahil alert ang ate niyo, nasalag ko ito na ikinabigla niya pati narin ng alalay niyang si Stacy.
"How dare... Me? Sa susunod na sasampal ka, bilisan mo! Kase baka sa susunod, pasampal ka palang nasapak na kita!" nakasmirk na sabi ko dito habang binabaon ko yung kuko ko sa mga braso niya. Dahilan para mapangiwi siya.
Binitawan ko na ang braso niya at tumalikod na ko para maglakad ng may maisip akong kalokohan kaya hinarap ko ulit sila na ikinagulat nila. Haha. Losers!
"Kayo? Anong ganap niyo dito audience? Moral support? *turo ko sa mga kasama nilang alipores* Haha. Infairness! Ngayon ko lang napansin ah! Lahat pala kayo may mga kulay ang buhok ah! Akala niyo naman kinaganda niyo yan? Daheck! Para kayong mga sisiw sa palabunutan." sarkastikong sabi ko sakanila at sinamahan ko pa ng tawa para mas mainis pa sila.
"Wait! Ano nga palang pangalan ng grupo niyo? Ay oo nga pala! Kayo pala ang sikat na Campus Bitch! Pero in my own opinion, I think mas bagay sainyo na tawaging CAMPUS CHICKS! Mga sisiw ng campus! Hahaha. O diba! Pak na pak yun mga bes! Bagay na bagay sainyo!" dagdag ko pa sa mga to na mas lalong ikinainis nila.
"Ay bago ko pala makalimutan! Here's the invitation oh! Invited pala kayo sa engagement party nami ni Ezekiel!" abot ko ng isang invitation sa leader ng grupo nila na mas lalong kinagalit nito. Halos lukutin nito ang invitation habang tinitignan ako gamit ang kanyang nalilisik na mata sa sobrang galit. Ano ka ngayon bitch? XD
"Omg! Malelate na pala ko. Masyado ng malaki ang nasasayang kong oras dahil sainyo! See you on saturday nalang ah? Asahan ko kayo! Buhbyeeee!" nakangiting tagumpay kong pamamaalam sa mga to at pinagpatuloy ko na ang naudlot kong marathon! -_-
Err! 10 minutes ng buhay ko ang nasayang sa mga sisiw na yon! May sampung minuto nalang tuloy ako para matapos ang race na to, ay este para makarating sa room ko. Which is Room 302.
to be continue ...
YOU ARE READING
My Destiny
FanfictionStory of Nicole and Ezekiel. Who was met in their dreams. Nicole is a maldita typical kind of girl while Ezekiel is a jerk cassanova type of guy. What will happen if they meet in real life? XD -- Authors Note: This story is a product of my broad ima...