Chapter 39: Revealed

513 13 8
                                    

------------------------------------------------------------------------

I would like to dedicate this chapter to: ErihnAthenaRego she's the first person who wildly guess the real identity of Black Butterfly. Hope you like this chapter hehez.
------------------------------------------------------------------------

Nicole's POV~

"I'm sure magugulat kayo sa natuklasan ko." kabadong panimula ni Jak. Nandito kami sa hide-out namin ni Sanya. Bukod samin ni Sanya, si Jak lang ang nakakaalam ng lugar nato.

"Ano kuya? Na si Rocco, Ruru, at Andre yung tatlong kulugo na pinapahanap namin sayo?" dire-diretsong salita ni Sanya. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Jak.

"T-Tekaaaa! Pano niyo nalaman?" di makapaniwalang tanong parin ni Jak. Kaya naman ikinwento ng bida-bida kong bespren ang lahat. Kung paano namin nalaman ang pagkatao ng Wild Cards.

"Hindi lang yun ang nalaman ko. Nalaman kong mga dating mafia din pala ang magulang ng tatlo. Here's the info. Basahin nyo nalang." sabay abot ng tatlong brown envelope.

Binuksan ko naman ang isang envelope at nakita ko ang profile ni Adre. So mga profile pala ng tatlo to?

"Ang hirap kalkalin nyan. Kaya ingatan nyo yan! Masyadong secured and identity ng tatlo." bilin ni Jak samin na kasalukuyang tinitigan ang profile ng tatlo.

"Sya nga pala. Si Black Butterfly ba kilala nyo na rin ba?" napatingin ako kay Jak at umiling.

"Si Black Butterfly ay maagang naulila. Anak siya ng mag-asawang Eduardo at Jocelyn Quintos. Mga dating mafia din. Ngunit kinupkop siya ng kapatid ng papa niya kaya ngayon ay nag-aaral sya sa YSU. Siya si..." di na namin pinatapos si Jak sa sasabihin niya. Kami na ni Sanya ang nagpatuloy.

"Si Mikee Quintos?!!" gulat na gulat na tanong namin ni Sanya. Tango lang ang sinagot samin ni Jak.

--

"Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala Ky!" napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Sanya.

Naglalakad kami ngayon sa Campus papunta sa kanya-kanya naming rooms.

"Basta Sanya! We need to be extra careful now. Di nalang buhay natin ang delikado. Pati ng mga kaibigan natin." I smiled at her. Bumeso nadin ako sakanya dahil magkaiba ng direksyon ang building namin.

Isa nalang ang hindi pa nasosolve. Sino kaya yung anino sa party? Kakampi ba sya o kalaban?

Nasa ganung pag-iisip ako ng biglang may magtakip ng mata ko.

Kakabahan na sana ako ng maamoy ko ang strawberry scented na pabango ni...

"Mikee! Alam kong ikaw yan!" confident na sabi ko. Inalis naman nya ang kamay nya na ipinantakip niya sa mata ko at nakasimangot na pumunta sa harap ko.

"What's with that look?" natatawang tanong ko.

"Ehhhhh. Bakit kase alam mo na ako yun?" nakasimangot parin siya.

"Seriously Mikee? Try to change your strawberry scented na perfume kaya! Para di ko mahulaan na ikaw yan!" natatawa parin ako sa reaksyon nya. Lalo na nung inamoy-amoy nya pa yung blouse nya.

"Tara na nga! Malelate na tayo!" hinila ko na sya at sabay kaming nagpunta sa room ng next subject namin.

--

Pagdating namin sa room, wala pa masyadong tao. Medyo maaga pa kase at lunch break nga pala ang sinundan ng subject na to.

"Uy himala pala! Di mo kasama si Ruru!" biglang nagsalita yung katabi ko.

"May pinuntahan kase kami ni Sanya. Ikaw? Bat di mo kasama si Andre? Ayhieee!" balik na tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar.

Nag-iba naman ang awra ng mukha niya. Naging tigre na ready ng mangain ng leon.

"Wag mong mabanggit-banggit yung pangalan ng bwisit na yun!" gigil na sabi niya. Ooops! Nangangamoy LQ ah! Mukhang may mag e-ensayo sa UB mamaya. Napangiti ako sa naisip ko.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Mr. Sungit. Oh? Kelan pa to nandito? Tsaka wala na pala si Mikee sa tabi ko. Iniwanan ako ni babaita. Kainis naman!

Tinignan ko siya ng Wala-Kang-Pake-Look pero mukhang di nya nagets dahil kumunot ang noo nya.

"Wala. May naisip lang ako! Nga pala! Aalis kami mamay..." di ko natapos ang sinasabi ko dahil nag-iba ang awra ng kausap ko.

"WHAAAAT? AALIS NA NAMAN KAYO NI SANYA? SO DI NA NAMAN TAYO MAKAKAPAGDATE?!!" frustrated na sabi nito. Sheez! May utang na date pa nga pala ko dito. Gusto ko pa naman sana magpunta ng UB hayssst!

"Joke lang! Di ka naman mabiro. Hehehe." I laughed awkwardly. But he gave me a sharp look. Na parang sinasabing May-Nakakatawa-Kylie?

*yawn*

Oo teh. Naghikab ako! Para lang makaligtas sa titig ng kamatayan lol.

Akmang yuyukyok na ko at ready ng magtulug-tulugan ng biglang dumating si Ms. Barb B. Cue.

to be continue ...

--
A/N: Okay! Another sabaw na update. Hahaha. Mamaya ulit!!!!

My DestinyWhere stories live. Discover now