Chapter 15: Past

1K 41 9
                                    

Nicole's POV~

"Napunta ko dito pag gusto ko lang mag unwind, mag refresh, and to escape from reality... Pag andito kase ko parang ang peaceful ng buhay ko. Parang walang problema. Kagaya ng dagat na to. Napaka-calm." naglalakad kami ngayon na magkahawak-kamay and out of nowhere nagsalita siya.

Magtatanong sana ko pero nagtaka ko ng huminto siya sa paglalakad at umupo sa buhangin malapit sa dalampasigan atsaka nagsalita ulit. Kaya umupo narin ako sa tabi niya at nakinig.

"A while ago, You asked me, kung anong place to right? Well. This is my secret place. I found this paradise when my ex breaking up with me." naramdaman ko yung lungkot nung binanggit niya yung mga salitang yun kaya naman hinayaan ko lang siya magsalita.

Kumuha siya ng bato at ibinato niya sa dagat. At tsaka nagsalita ulit.

*plop*

--

Ezekiel's POV~

"5 years ago... Nagkagirlfriend ako. Transferee siya sa school na pinapasukan ko. I was 2nd year highschool nung time na yun pero hearthrob na ko sa school namin. Ako kase ang pinakapogi saming magbabarkada. And they call us THREE KINGS. Inis na inis ako sa mga girls, dahil ang haharot nila. At dahil inis nga ko sa girls, wala kong friend na girl. Sinusungitan ko kase sila. Lalapit palang sila, titingnan ko na agad sila ng masama. Untill gabby came! *smile* My ex. Siya lang yung naglakas-loob na makipagkaibigan sakin. Kahit na tinataboy ko siya, sinusungitan, sinasabihan ng masasakit na salita at kung anu-ano pa. Nakangiti parin siya! Wala kong pakialam kung nasasaktan na siya, dahil nga inis ako sa girls. And then one day... Habang nakain kami sa cafeteria ng mga barkada ko, may narinig akong bulungan ng girls...

flashback...

5 years ago...

Kumakain kami sa cafeteria dahil lunch time namin ngayon...

Natigil ako sa pagkain ng marinig ko yung usapan ng girls na nakaupo sa likod namin.

"Talaga? Pinahiya ng Queens yung babaeng yun? Hahaha. Buti nga sakanya. Ang harot niya kase e." sabi ni girl #1.

"Oo sis. Pinagbabato daw ng itlog e. Tapos binuhusan pa ng harina sa ulo! Perfect diba?" sabi ni girl #2 na napapapalakpak pa.

Kakain na sana ko dahil wala namang sense yung pinag-uusapan nila pero nagulat ako sa sinabi ni girl #3.

"Hahaha. Tama lang yun sakanya! Para magsilbing aral sa mga malalanding umaaligid kay King'Ruru." may diin ang pagkakasabi niya sa pangalan ko kaya kahit hindi nila sabihin ay alam kong si gabby ang tinutukoy nila.

Kaya tumayo ako at pumunta sa pwesto nila...

"Oh my god! King Rur---" di niya natuloy yung sasabihin niya dahil hinila ko yung braso niya at hinawakan ito ng mahigpit na siyang kinagulat nito.

"Sabihin mo sakin! Si Gabby ba yung pinag-uusapan niyo? Nasaan siya?" madiin na tanong ko rito. Subalit hindi siya nagsasalita kaya mas diniinan ko pa yung pagpilipit sa braso niya.

"Ouch! Y-Yes. Si Gabby nga. N-Nandun siya sa rooftop." binitawan ko na yung braso niya at mabilis akong pumunta sa rooftop.

Ewan ko ba! Parang may kung anong nagpu-push sakin na pumunta sa rooftop.

--

Pagdating ko sa rooftop...

Nakita ko si Gabby na umiiyak sa sulok. At tama nga yung mga babaeng nag-uusap kanina.

My DestinyWhere stories live. Discover now