Chapter 10: Golden Rules No More

1.1K 43 12
                                    

Nicole's POV~

"Anong feeling mo sa sarili mo? Water proof ka?" singhal saken ni...

"Ezekiel? Anong ginagawa mo dito? -_-" nagtatakang tanong ko sakanya ng mapagtanto ko kung sino yung nagpayong sakin.

"Obvious bang sinundan kita?" he sarcastically said.

"Sinundan? Edi nakita niya yung pagdradrama ko? Shocks! Of all the people na makakakita ng kahinaan ko. Bakit siya pa!!?" I said to my self.

Di ko nalang siya kinibo kaya katahimikan ang namutawi saming dalawa.

Nakatingin lang ako sa malayo...

Iniisip na panaginip lang ang lahat ng to.

Na paggising ko back to normal ang buhay ko...

Walang problema, walang engagement, at walang Ezekiel!

But I know, it's not!

Reality hits me...

I'm engaged with the famous cassanova and few months from now, we're going to be married. And there's no turning back!

I've been thinking for so long...

Hindi ko namalayan na pumapatak na naman pala yung luha ko dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.

Pupunasan ko na sana yung luha ko pero nagulat nalang ako ng bigla niya kong kabigin papalapit sakanya at yakapin.

"Sssh... Sige, iiyak mo lang yan. Don't pretend to be strong if you're not Nicole. You're not good in pretending! Walang masama sa pag-iyak. Wala ring masama sa pagiging mahina. I'm here for you. I will be your shoulder to cry on." pag-aalo niya pa sakin. Kaya naman nilabas ko na ang kanina pang ayaw magpaawat na mga luha ko.

And I heard a familiar sound...

*Dub.Dub.Dub.Dub*

Fine!

My decision is final!

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko e.

At isa pa! Wala naman na rin akong magagawa.

I will face the f*cking reality...

"Tutal kahit naman bali-baligtaran ko pa ang mundo, wala ng mababago e. Ikakasal at ikakasal parin ako. So bat di ko nalang tanggapin ang malupit kong kapalaran?" sabi ko sa sarili ko.

"Ezekiel?" tawag ko dito. Nakasubsob parin ang mga mukha ko sa braso niya pero tumigil na ko sa pag-iyak.

"Hm? Are you al..." pinutol ko ang sasabihin niya.

"Can we just..." huminga muna ko ng malalim bago ulit magsalita. "Can we just start a new set-up. No rules, no contract. In other words, can we stop pretending and start act like a real fiancee. Tutal! Mukhang wala naman ng balak umurong yung mga magulang natin e. Kaya naisip ko lang na panindigan na natin tong pagiging mag fiancee natin. Siguro naman matututunan din nating mahalin yung isa't isa. At isa pa! Wala naman sigurong masama kung susubukan natin." pagpapaliwanag ko dito. Ngunit wala kong narinig na sagot kung kaya't humarap ako sakanya at nagsalita ulit. He looks confused.

"Well, I'm just suggesting! I'm not forcing you kung ayaw mo." pagbawi ko sa sinabi ko.

"No. Naisip ko lang pano if hindi naging successful? Pano kung isa lang satin yung nainlove? Or walang nainlove sating dalawa? Remember! I'm a cassanova and I don't know how to love." nangangambang tanong nito.

"Don't worry! Di ko nakakalimutan yan. Edi tsaka na natin isipin yan pag nangyari na. Think positive lang. Anong malay natin kung tayo pala talaga ang trip ni Kupido panain. Di lang masyadong bumaon yung pana niya satin and it takes time para bumaon sa puso natin. Charrot!" natatawang sagot ko nalann dito. Masyadong seryoso e.

My DestinyWhere stories live. Discover now