Chapter 28: Surprise

679 24 4
                                    

Nicole's POV~

Nagmamadali kaming naglalakad papunta sa room namin sa College Algebra dahil may quiz kami.

Sa labas pa kase kami kumain ni Ezekiel dahil di ako komportableng kumain sa canteen matapos ang announcement kuno na sinabi niya.

"Wifey, anong room nga natin sa Math101?" tanong niya out of nowhere. Ayan na naman siya sa wifey na tawag sakin! -_- Enebeh! Kinikilig kaya ko. XD

"Huy wifey! Sabi ko anong room natin  sa Math101!" pangungulit nito sakin.

"Ha? Room143 bak---" di ko natapos yung sasabihin ko dahil nagulat ako sa sigaw niya.

"Anooo? Room 143? Lagpas na tayo! Room 150 na to." sigaw nito kaya bumalik sa kasalukuyan ang naglalakbay kong diwa at automatic na napatingin ako sa room # ng nasa harap naming room.

*JAWDROP*

Shems! Oo nga lagpas na kami! -_-

Di pa ko nakakarecover sa pagkabigla ng akbayan niya ko at hatakin pabalik sa kabilang direksyon.

--

@Room143~

Kasalukuyang nagsesenyasan kami ni Ezekiel kung sino ang kakatok at magbubukas ng pinto ng bigla itong bumukas.

*poooooooop*

*poooooooop*

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng mga classmates namin at nagpaputok pa ng dalawang party poppers.

Gulat na napatingin naman ako kay Ezekiel na parang nagtatanong kung siya ba ang mastermind nito pero iling lang ang sinagot nito at halatang nagulat din siya.

Nang makabawi na ko sa pagkabigla ay nagawa ko ng makapagsalita.

"A-Anong meron?" clueless na tanong ko sa mga kaklase ko.

"Oo nga. Anong meron?" si Ezekiel matapos ding makabawi sa pagkabigla.

"As a president of the class. We want to congratulate the both of you kaya nagplano kami ng surprise! Di kayo nagsasabi, engaged na pala kayo!" paliwanag ng class president namin na kinikilig pa.

"Ay thank you! Btw. Invited kayo sa engagement party namin ni Ezekiel. Since isa nalang yung invitation, sayo ko nalang to ibibigay pres. Ikaw nalang bahalang magsabi sakanila ng details." inabot ko sakanya yung natitirang invitation sa bag ko.

"Naku thankyou kylie! Makakaasa kayong kami ay dadalo lol." natatawang sabi pa ng aming class president dahil sa pormal niyang pagsasalita.

"Wait. Pano niyo pala nalaman na engaged na kami?" singit ni Ezekiel sa usapan namin.

"Sa video." nakangiting sagot naman ni...

"SIIIIIIIIR? KASABWAT KARIN NILA?" sabay naming sigaw ni Ezekiel ng mapagtanto naming Prof. pala namin sa Math101 yung nagsalita.

"Actually ako yung mastermind." natatawang sagot ng Prof. namin at nag peace-sign pa.

Ang cute ni sir potek! 30 years old na ba talaga to? Seryoso? :D

"Pero wait. Ano pong video yung tinutukoy niyo sir?" takang tanong ko ng maalala ko yung about sa video.

"Ah. Oo nga pala! Eto oh!" plinay ni sir yung video sa laptop niya at namula ang pisngi ko ng mapagtanto kong yung announcement pala ni Ezekiel sa canteen kanina yung napanuod nila sa video.

So ibig sabihin? Kalat na sa school na engaged na kami? Waaah! I'm effin dead! -_-

"So invited din ba ko sa engagement party niyo ha? Mr. and Mrs. Madrid?" nadivert ang mga iniisip kong gagawin sakin ng mga die hard fan ni Ezekiel ng magsalita si sir.

My DestinyWhere stories live. Discover now