Nicole's POV~
"Nakita mo rin pala!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sanya sa tabi ko. Sobrang seryoso ng Sanya na kaharap ko. Nakakatakot sya kapag ganito.
"Don't worry! Wala syang ginawang masama. Kanina ko pa sya tinitignan kung may masama ba syang balak e. Buti nalang talaga at mukhang wala naman. Dahil sisiguraduhin kong hindi talaga sya dito makakalabas ng buhay kung nagkataong nanggulo siya! Syempre hahayaan ko bang masira yung gabi mo dahil sakanya? " dire-diretsong salita pa nya. Medyo humupa ang nararamdaman kong kaba kanina dahil sa sinabi ni Sanya.
"Thank you!" medyo teary-eyed na sabi ko. Napakaswerte ko talaga sa bestfriend ko. Thank you Lord sa pagbigay sakin sa babaeng to. :)
-
Tapus na ang party at nakauwi narin ako sa bahay pero hanggang ngayon iniisip ko parin yung nakita kong anino kanina sa party.
Sino kaya yun? Bakit ako kinabahan sakanya? Is he/she a friend or an enemy? I hope a friend! Haaaay! Gusto ko ng matulog, utang na loob Mr. Antok! Dalawin mo na ko.
Ibinaon ko ang mukha ko sa unan dahil nagbabakasakali akong baka antukin ako pero wala parin. Gising na gising parin ang diwa ko kaya naisipan kong tawagan si Sanya.
Dialling...
BessySinceBirth<3
#09*********Tatlong ring palang ay sinagot nya na ito agad.
"Yo! Bat gising ka pa besh?" bungad ni Sanya. Halata sa boses nya na nagising lang ito dahil sa tawag ko.
"Di ako makatulog e. Kinakabahan ako. Parang may hindi magandang mangyayari soon." kabadong sagot ko.
"Yung anino parin ba yung iniisip mo? Wag ka ngang nega dyan besh! Wala lang yun. Tsaka kung meron man yung binabalak. Goodluck nalang sakanya! Top 1 Mafia yata ang binabangga nya." kahit di ko nakikita feeling ko nakasmirk to si Sanya.
"Sira! Alam mo namang hiatus na tayo sa pagiging mafia e. Osge na. Matulog kana ulit. Naistorbo pa tuloy kita. Goodnight besh! See you tom. I love you!" pinatay ko na ang tawag at bumangon. You read it right. Mafia kami ni Sanya. Pero hindi alam ng mga parents namin.
Dati din kaseng member ng mafia ang mga parents namin kaya alam nila kung gaano kadelikado mapabilang sa mundo ng mga mafia. Kaya pinagbawalan kaming sumali ng mga parents namin.
Kaya para hindi nila malaman, hindi kami sumali sa mga group of mafias. Kumbaga, independent mafia kami. At syempre nagdidisguise din kami.
Yan lang muna ang pwede kong sabihin sa ngayon dahil wala sa mood magkwento si author. :D Tsaka na daw yung full detailed na kwento.
--
Maaga kong pumasok kinabukasan. May long quiz kase kami sa Biology kaya dumiretso ko sa library para mag-review.
Kinuha ko sa bookshelf ang mga libro na related sa subject kong biology at pumwesto ako sa may lamesa sa corner.
"Hi. Good morning! Ang aga mo ah?" nakangiting bati sakin ni Aljur.
"Uyyy hello! Ikaw pala Aj! Oo nga e. Magrereview kadin ba sa bio kaya ka nandito?" balik na bati ko dito. Sunod-sunod na iling ang sinagot nya sakin.
"I'm here kase hihiram ako ng books sa iba kong subject." di ko inexpect yung sagot nya. Edi sya na matalino!
"Ay naks! Di pala uso sayo review? O sige. Kitakits nalang later ah?" I beam sabay saksak ng earphone's ko sa tenga ko. You know! Mas nakakapag focus ako kapag may music. :)
YOU ARE READING
My Destiny
FanfictionStory of Nicole and Ezekiel. Who was met in their dreams. Nicole is a maldita typical kind of girl while Ezekiel is a jerk cassanova type of guy. What will happen if they meet in real life? XD -- Authors Note: This story is a product of my broad ima...