Chapter 13: Unexpected Proposal

996 45 8
                                    

Nicole's POV~

"Amasona, gising na! Andito na tayo." panggigising sakin ni Ezekiel. Kaya naman napadilat ako at napatingin sa bintana. Ngunit napakunot-noo ako ng makita kong wala kami sa school.

"Ezekiel anong ginagawa natin dito? -.-" inis na tanong ko. Like duh! Nagtri-trip ba to? -_-

"Edi magde-date! Kaya bumaba kana diyan." cashual na sagot nito.

"Magde-date? Bakit? Anong meron? Birthday mo? Tsaka diba may pasok tayo? -_-" takang tanong ko pa.

"Hindi ko birthday at wala tayong pasok amasona! Tumawag kanina si Andre, may emergency meeting daw lahat ng prof. Kaya wala kang dapat alalahanin." pagpapaliwanag nito.

"E bat sabi mo kanina malelate na tayo? -_- Edi sana kumain muna ko ng breakfast! *gruuuu* I'm so f*cking starving you know? ><" iritadong sabi ko at bumaba na sa kotse niya.

Ngunit yung kaninang inis ko ay napalitan ng tuwa ng marealize ko kung saan ako dinala ng monggoloid na to. XD

"Edi kung sinabi ko sayo. Hindi na to surprise. Welcome to Encantadia Kingdom!" sabi ni Ezekiel na nasa likod ko. Kaya naman humarap ako sakanya at natawa pa ko ng makita kong ngiting-ngiti si loko. :D

"Dito talaga tayo magde-date? Sigurado ka?" naninigurong tanong ko. Nawala yung kaninang ngiting tagumpay niya at napatungo siya dahil sa tanong ko.

"Hala! Anyare dito? May nasabi ba kong masama? -_-" tanong ko sa sarii ko.

"Ayaw mo ba dito? Sorry. Akala ko kase mag e-enjoy ka dito e. Kaya dito kita dinala. Kung gusto mo hanap nalang tayo ng ibang lugar." malungkot na sabi nito habang nakatungo parin. Nagtataka man ako sa inaasta nito ay hinawakan ko ang baba niya at hinarap ko yung mukha niya sakin.

"No! Gusto ko dito. Gustong-gusto! I love amusement park kaya! *w* Ikaw yung iniisip ko. Mag e-enjoy ka ba dito?" pagpapaliwanag ko. Kinuha niya yung kamay kong nakahawak sa baba niya pati yung isa ko at tsaka mahigpit niya itong hinawakan.

"Talaga? *u* O-Oo. Mag e-enjoy ako dito. Lalo na ngayon... K-kasama kita e. :)" sabi nito na mabulol-bulol pa at nagliwanag ang mata nito sa sobrang saya.

Ngiti lang ang sinagot ko at magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob.

Naghanap muna kami ng restaurant na pwede naming kainan dahil hindi kami nakapagbreakfast sa bahay kanina.

"Welcome to EAT-TERIAN SEAFOODS RESATAURANT! This way ma'am/sir." nakangiting bati samin ng isa sa mga crew ng restaurant at hinatid kami sa vacant seat.

Umorder na kami at kasalukuyang hinihintay na namin ng mapansin kong nakatingin siya sakin at ngiting-ngiti na parang tanga.

"Para kang tanga diyan! -_-" iritadong sabi ko. Dahil ayoko sa lahat yung tinitignan ako ng ganon.

"Hahaha. Ang cute mo pala pag gutom. Kahit na mukha ka ng kakain ng tao, ang ganda mo parin." natatawang sabi pa nito.

*Dug.Dug.Dug.Dug*

"Che! Kasalanan mo to e." sabi ko na nag-iwas ng tingin kaya lalo siyang humagalpak ng tawa. -.-

Maya-maya pa ay dumating na yung inorder namin. Kaya naman lumamon na ko. Oo! Lamon! Hindi kain. Gutom na gutom ang ate niyo e. -_-

Si Ezekiel? Ayun! Tawa parin ng tawa habang kumakain. >/<

"Mabilaukan ka sana." bulong ko.

"Bilisan mo na diyan amasona! Para makapaggala na tayo." sabi nito sabay inom ng iced tea niya.

"I'm done. Tara na CASSANOVA!" sabi ko na inemphasize pa yung word na "CASSANOVA".

My DestinyWhere stories live. Discover now