Chapter 25: The Hunk Transferee

710 30 18
                                    

After 123456789123456789101357924681024689135710 years!

(A/N: Pupusta kong di mo binasa yung numbers. XD)

Nakarating din ako sa room namin sa wakas! -_-

Hapong-hapo akong pumasok sa room namin at ang tanging gusto ko lang ay uminom ng tubig at maupo!

Napatigil ako ng may makita kong masakit sa mata.

Si Ezekiel at si Gabbi ay magkatabi at naghaharutan lang naman! ><

Yung totoo? Anong meron ngayon? Bitch day ba talaga ngayon? -_-

Di ko nalang sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

At dahil sa center lang ang space ng room namin, wala kong choice kundi mag-excuse sa mga taong naglalandian.

"Excuse me, mamaya na kayo maglandian! Padaanin niyo muna ko." I said in cold and harsh voice.

Harsh na kung harsh. I don't care!

Natigil naman sila at umurong naman si Ezekiel para makadaan ako. Nang nakadaan na ko ay pinagpatuloy na nila ang kanilang naudlot na paghaharutan.

Wow ah! Fiancee here! Mahiya naman sana kayo kahit very-very light lang!

Nakakairita lang kase nung nakita ko ni Ezekiel ay sobrang seryoso parin niya and totally blank stare lang ang ibingay niya sakin pero kung makahalakhak ngayon kala mo wala ng bukas. -_-

"E naaalala mo yung kalokohan natin nung highschool? Blah. Blah. Blah." Gabbi said. Ganyan lang sila. Magrereminisce tapos tatawa na parang mga timang! -_-

Kaya kesa makinig sa walang kwentang usapan nila ay nagsoundtrip nalang ako. *Earphone's in, volume's up! Ignore the world.*

Tumingin nalang ako sa bintana para makakita naman ako ng magandang view.

Nakita ko ang isang grupo ng kababaihan na masayang nagtatawanan. Kaya napangiti nalang ako ng maalala ko ang aking mga High School Buddies.

"Kamusta na kaya yung mga yun? -.- Buhay pa kaya sila? Hahaha. Charrot! Ang busy naman kase ng sched namin e. Kainis! >< Di man lang kami makapag reunite! :3 Ay alam ko na! Iimbitahin ko nalang sila na pumunta sa saturday! Pero di ko sasabihing engagement party yun! Para surprise! :D Tama! Haha. Maichat nga sila later." natatawang naisip ko na animo nakaisip ako ng bright idea. XD

Inalis ko na ang earphone ko at inilagay ko na ang cellphone ko sa bag ng matanaw ko ang prof. namin na malapit na dito.

Inayos ko narin ang sarili ko para makinig at para i-ignore ang mga katabi kong naglalandian. -_- Psh. Edi maglandian kayo! Kiber ko sainyo! ><

"Good morning guys." greet ng prof. namin sa computer.

Nagtaka ba kayo kung bakit guys? Bata pa kase yan si ma'am. Fresh graduate! 23 years old palang daw siya, pero mukhang magka-age lang kami. :D Dalaga pa yan si ma'am pero may jowa kaya ngalngal mga classmate kong lalaki. XD

"Goodmorning ma'am." greet namin pabalik.

"We have a transferee from..." hindi natapos ni ma'am ang sasabihin niya dahil umepal na agad ang isa sa mga kaklase kong bisugo.

"Ma'am, transferee na naman? Araw-araw nalang yatang may transferee ah!" sabi ng classmate kong bisugo na nagcross-arms pa. Ts. Kala naman niya kinaganda niya yan! -_-

"Yes Ms. Marasigan! Bakit? May problema ba? Kung may problema ka, then lumipat ka ng school!" pambabara ni Ma'am Lee dito. Dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko.

Di ko rin napigilan ang sarili ko na makitawa ng makita ko ang di maipintang itsura nito. Hahaha. Buuuurn! XD

"Ok class. Enough na yan!" nagsitahimik naman kami.

"As what I said a while ago, we have a transferee from AIST. Mr. Abrenica, please come in and introduce your self to everyone." ngiti ni ma'am sa tao sa labas.

"Omg! Bagong oppa! Sana pogi."

"Apelyido pa lang ang pogi na. Yhieee!"

"Whoaaa! Bagong abs. Este bagong fafa!"

Ilan lang yan sa narinig kong usapan ng mga girls pati narin mga bakla. At take note! May kasama pang tili yan! Seriously? -_-

But his surname seems familliar to me e. Para talagang narinig ko na. Pero di ko maalala kung san ko narinig!

Haynako! Baka naman famous to kaya familliar yung surname niya. Oo tama! Ganun nga lang siguro yun!

Lahat ay nag-aantay sa pagpasok ng lalaki. Even me. Kase ewan ko, di ko alam. Feeling ko talaga kilala ko siya e.

And then finally! Pumasok na siya at lahat ng babae't bakla na classmate ko naging heart na yung mata jusmeh! -_-

Pero ako? Eto gulat na gulat!

"Hello everyone! I'm Aljur Abrenica. 20 years old. Call me AJ for short." nakangiting pag-iintroduce nito.

*silence*

*kroo.kroo*

Walang nag-react, walang nagsalita, as in kinain talaga ng katahimikan ang classroom namin.

At delikado to. Kaya naman hinanda ko na ang sarili ko at tinakpan ko na ang tenga ko at nag countdown sa isip ko.

1...

2...

3...

"Whoooooooa! Omg! Ang gwapo niyaaa!"

"May girlfriend na kaya siya? Sana wala pa. Please Loooord!"

"Lord! Siya na ba ang hinihintay ko?"

"I wanna die!"

"Ohmo! ABSSSS!"

Tilian na naman ng mga kaklase ko. -_- Sabi ko na e. Nagrecharge lang tong mga to e. Halos matanggal tutuli ko sa tilian nila juameh.

Di na rin sila masaway ni ma'am. So hillarious! Naabduct na yata ng alien mga utak nila. XD

Samantalang ang mga classmate kong lalaki, pinanlilisikan ng mata si Aljur. Creepy! XD

"May girlfriend kana ba?" tanong ng president namin na naging heart narin ang mata.

Seriously? Si Ms. President na walang pake sa mga pogi? Dahil study first ang drama? XD Jusko Aljur! Ang lakas naman ng sex appeal mo. Pati si Ms. President naattract mo! :D

Binalot na naman ng katahimikan ang room namin dahil sa tanong ni Ms. President!

Ngumiti muna si Aljur bago nagsalita.

"Wala pa. Naghahanap pa lang kase ko." sagot nito at kumindat pa.

"Omg! Kinindatan niya kooo!"

"Anong ikaw? Ako kaya kinindatan niya!"

"Mga assumera! Ako kinindatan niya."

Ang ending FO sila. XD

"Class... Quiet! Enough na yang pagpapantasya niyo!" pambabasag ni Ma'am Lee sa mga claasmate kong nasa cloud 9 na yata ngayon.

"Aish. Basag trip naman to si ma'am" bulungan ng mga classmate ko na dismayado.

"Mr. Abrenica, since wala ng ibang vancant seat na available kundi sa tabi ni Ms. Padilla. You can sit beside her." nakangiting sabi ni ma'am kay Aljur na sinagot naman nito ng ngiti bago pumunta sa upuan sa tabi ko.

to be continue ...

--

Annyeong! Dahil tapus na ang madugong midterm exam namin, nag-update na ko ulit. XD Hihi. Hope you like it, kahit minadali ko lang to. Love you! :*

My DestinyWhere stories live. Discover now