Sanya's POV~
Nandito kami sa restaurant. Naisipan muna naming kumain bago maglibot.
I still can't believed it.
Kami na talaga? As in!
Alam kong naguguluhan kayo kaya ikukwento ko sainyo yung mabilis na pangyayari.
flashback...
Nakasakay na kami sa ride na napili naming sakyan, which is space shuttle.
I'm so very excited pero yung katabi ko mukhang hindi yata.
Nakita kong pinagpapawisan siya at parang natetense pag sakay palang namin dito.
Baka naman may fear of height to kaya ganito? O kaya naman fear of extreme rides. XD
Nadivert yung mga conclusions na naisip ko ng umandar na yung ride na sinasakyan namin.
Mabagal pa lang yung andar nito pero yung katabi ko parang natatakot na.
Mabagal pa lang yung takbo natatakot na, pano pa kaya pag bumilis to?
"Hey! Are you okay?" nag-aalalang tanong ko kay Rocco.
"Y-Yeah. I'm okay!" pilit na ngiti nito.
Maya-maya pa ay bumilis na ang takbo ng ride.
Tumatagilid, bumabaligtad, bumababa at tumataas.
Binging-bingi narin ako sa mga sigawan ng tao pero yung katabi ko di na maipaliwanag yung itsura.
Parang matatae na ewan e.
"Kung natatakot ka, sumigaw ka! Isigaw mo yan promise! Mawawala yung takot mo at mas maeenjoy mo pa yung ride." pasigaw na sabi ko sakanya para marinig niya.
Nakisigaw na rin ako dahil mas lalong bumibilis yung ride na ikinatuwa ko pa.
"Whoooo! Pakibilisan paaa!" sigaw ko sa sobrang tuwa.
Pero nashock ako ng biglang sumigaw yung katabi ko.
"I LOVE YOU SANYA! Whooo!"
"I LOVE YOU SHAIRA LENN OSUNA ROBERTOOOO!"
"SAGUTIN MO NA KO PLEASE!"
Ilan lang yan sa mga sinisigaw niya habang patuloy na bumibilis yung ride.
Napa-nganga ko sa sobrang pagkabigla.
Naramdaman ko nalang na hinawakan niya yung kamay ko at ikinulong niya ito sa mga palad niya.
"Sanya, mahal na mahal kita! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbago! Takot ko lang ulit mabato ng wedge no? XD Pero de! Seryoso talaga Sanya. Una palang na nakita kita sa botique, I felt something in my stomach. Tapos parang tumakbo ako ng ilang kilometro sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya Ms. Shaira Lenn Osuna Roberto, can you be my girlfriend?" pagatatapat nito sa nararamdaman niya para sakin.
Halos mapaiyak naman ako sa sobrang kasiyahan dahil who have thought na iisa pala kami ng nararamdaman?
Na mahal pala ko ng taong mahal ko!
Isa sa pinakamasarap na feeling sa mundo ay yung mahalin ka ng taong mahal mo rin.
Kaya magpapabebe pa ba ko? E mahal ko rin naman tong siraulo na to.
"Y-Yes Rocco. Mahal na mahal rin kita!" Teary-eyed na sagot ko kaya dali-dali niyang pinahiran ang mga luha sa mata ko na nagbabadya ng pumatak.
"Thanks honey! Di mo alam kung gano ko kasaya ngayon. Na finally! Mapagsisigawan ko na rin sa mundo na sakin ka." tuwang-tuwa na sabi nito at niyakap ako.
YOU ARE READING
My Destiny
FanfictionStory of Nicole and Ezekiel. Who was met in their dreams. Nicole is a maldita typical kind of girl while Ezekiel is a jerk cassanova type of guy. What will happen if they meet in real life? XD -- Authors Note: This story is a product of my broad ima...