Chapter 18: Triple Date

955 37 5
                                    

Ezekiel's POV~

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nicole ng makita niya ko matapos niyang ibaba yung librong binabasa niya at tinaasan pa ko ng kilay.

Nakaindian seat ito kaya may naisip akong kalokohan.

"Sinusundan ka." simpleng sagot ko.

Humiga ako sa lap niya at pinikit ko ang aking mata.

"Ano ba Ezekiel! Umalis ka nga diyan. -.- Diba nagpapasama sayo yung balahura mong EX?" iritang sabi nito at idiniin pa ang salitang "EX" habang pilit na inaalis yung ulo kong nakahiga sa lap niya pero nanatili lang akong nakapikit.

Ano bang problema nito? Kanina pa ko nakakahalata ah!

Tumayo ako sa pagkakahiga at umupo ko sa harap niya. Tinignan ko siya ng seryoso sa mata na ipinagtaka nito. Sakto namang sumipsip siya sa choco shake niya ng magsalita ko.

"Nagseselos ka ba kay Gabby?" ngiting-ngiting tanong ko dito.

Muntik na niyang maibuga yung ininom niya dahil sa tanong ko.

"H-Hindi no? Bat naman ako magseselos dun!" nabubulol na sagot nito at nag-iwas ng tingin.

Ts. Indenial! Halatang-halata na ayaw pang umamin. Tignan lang natin kung hanggang saan ka. XD

"Okay. Di ka naman pala nagseselos e! So okay lang na samahan ko si Gabby since may pinagsamahan naman kami and isa pa---" pinutol niya yung mga sasabihin ko pa sana.

"Isa pang banggit mo diyan sa Gabby na yan makakatikim ka na talaga sakin ng upper cut! Fine! Err---I'm... Jealous! Bakit ba kase kailangan pang bumalik ng ex mong feeling maldita e." sabi nitong nakadeath-glare pa. Kaya naman niyakap ko to para pakalmahin.

"Baby naman e. Wala kang dapat ipagselos dun." kumalas siya sa pagkakayakap at magsasalita sana but I shut her mouth using my index finger.

"Di pa ko tapos my queen! Ayun na nga! Past na yun! Diba ikaw na yung present ko? Kahit anong gawin niya di niya na ko maaagaw sayo. Kase ikaw na yung nagmamay-ari nito." kinuha ko yung kamay niya at itinapat ko sa puso ko na dahilan para magblush siya.

She's speechless...

Nasa ganoong scene kami ng biglang magring yung cellphone niya.

*Baby, may tumatawag sayo! Sagutin mooo!*

*Baby, may tumatawag sayo! Sagutin mooo!*

Voice record ko yan nung minsang nagdate kami at nag-cr siya.

Pero laking pagtataka ko ng hindi parin siya natitinag. Don't tell me... Di pa niya alam na ringtone niya yun.

*Baby, may tumatawag sayo! Sagutin mooo!*

*Baby, may tumatawag sayo! Sagutin mooo!*

Tumayo ako at nagmamadaling kinuha yung bag niya para hanapin yung cellphone niya.

Napakunot naman ang noo ni Nicole dahil sa ginagawa ko.

Ayun! Gotcha!

Mikeeliling :D
#09*********

"Hello?" sabi ko matapos kong iswipe at sagutin yung tawag.

"Hello? Sino to? Where's Kylie?" tanong naman nito sa kabilang linya na halatang nagulat. It's Mikee! I know.

Napatingin naman ako sa kasama kong takang-taka parin sa nagyayari. Nginitian ko lang siya upang di siya mag-alala.

"Ruru. Kasama ko siya baket?" sagot ko dito. Matagal bago nagsalita ulit yubg nasa kabilang linya.

My DestinyWhere stories live. Discover now