Chapter 22: Invitation

714 32 16
                                    

Nicole's POV~

Maaga kong nagising ngayon dahil pupunta daw kami ni Ezekiel sa wedding organizer na hinire nila mamsy para sa Wedding of the Year. Charrot! XD

"Tagal mo!" iritadong sabi ko ng huminto siya sa harapan ko sakay ng motor niya.

Inalis niya muna yung helmet niya bago sumagot.

"Sorry na baby! 4 na kaya ko nakatulog!" sabi nito at naghikab pa.

Ts. Mukhang antok na antok nga si loko ah. Malamang! Driver niyo kaya siya kagabi tapos hinatid ka pa niya sa kwarto mo.

"Helmet ko?" sabi ko sakanya habang nakalahad ang aking palad.

Dali-dali niya namang inabot sakin ang helmet, kaya naman sinuot ko na ito at sumakay na rin ako.

Sinuot niya narin ang helmet niya kaya naman laking gulat ko ng hindi pa niya ini-start yung makina ng motor niya.

Magsasalita na sana ko ng kuhanin niya yung braso ko at ipinulupot niya sa kanyang bewang at pinaharurot na niya ang motor niya papunta sa bahay ng wedding organizer namin.

Lihim nalang akong napangiti dahil sa ginawa nito. oh

Pinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat at pinagmamasdan ko ang seryoso nitong mukha habang nagmamaneho.

Fastforward...

Nakaupo kami sa sofa at hinihintay naming bumaba ang aming so called wedding organizer, nang may maalala ako bigla.

"Ezekiel, anong oras na?" out of nowhere na tanong ko na ipinagtaka nito.

"Ha? 8:30 bak..." napasigaw ako dahil sa sinabi niya kaya naman hindi niya natapos ang sasabihin niya.

"ANOOO? 8:30 NA? EDI HINDI NA TAYO MAKAKAPASOK SA FIRST SUBJECT NATIN? ITEXT MO SILA MIKEE DALIII!" natatarantang sabi ko sakanya kaya naman dali-dali niyang dinukot yung cellphone niya at nagdial.

"Hoy Andre! Pasabi sa prof natin di makakapasok sila Mr. & Mrs. Madrid---ARAAAAAAY!" daing nito ng batukan ko siya.

Tiningnan niya ko ng masama habang hinihimas niya ang ulo niyang nabatukan ko, kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Sige mang-asar ka pa! Ts. Sabihin mo di kami makakapasok ni Nicole kase may emergency." asar na sabi nito bago pinutol ang tawag.

"Ts. Bastos talaga." naibulong ko nalang.

Maya-maya pa ay dumating narin sa wakas ang aming wedding organizer. Idiniscuss niya lang samin ang syempre all about the wedding. Mga magaganap at ang flow ng ceremony, from mga abay to mga sponsors hanggang sa reception. Pero di niya sinabi samin yung theme! Secret daw muna. Ang daming alam! -_-

Idiniscuss niya rin samin ang engrandeng Engagement Party namin na gaganapin na this coming saturday sa mismong hotel nila Ezekiel. Yaman talaga ng kumag na to! XD

"Thank you soon to be Mr. and Mrs. Madrid. That's all for today. Meeting adjourned! I call you both nalang kung sakaling may magbabago sa plano." nakangiting sabi ni Mrs. Tan, our wedding organizer, at nakipaghandshake samin.

Tumayo na kami at akmang aalis na ng pigilan kami ni Mrs. Tan.

"Wait! May ibibigay pala ko sainyo. Muntikan ko ng makalimutan! HAHA. Kukunin ko lang saglit ah?" natatawang sabi nito at dali-daling pumasok sa kwarto malapit samin.

Nabaling naman yung paningin ko sa katabi kong seryosong nakatingin lang sa cellphone niya na si Ezekiel. -_- Hayst! Ano kayang nakain ng kumag na to? Sobrang seryoso tapos di manlang ako pinapansin o kahit tapunan man lang ng tingin! -_____-

Napakagaling! Literal na "So near yet so far" ang drama namin dito ah. XD

Kaya naman bago pa ko tuluyang mabaliw kakaisip at kakatanong sa sarili ko ay napagdesisyunan ko ng kausapin siya.

"Matunaw yan! Grabe ka makatingin dyan ah!" pagbibiro ko dito pero tiningnan niya lang ako ng blanko at binalik ulit ang tingin sa cellphone niya.

"Anong problema nito? Meron ba to ngayon? Dinaig pa ko mag-pms ah!" asar na nasabi ko sa sarili ko.

Di ko nalang inintindi ang naging reaksyon nito at nilibot ko nalang ang tingin ko sa sala nila Mrs. Tan.

"Sorry, natagalan ako. Tumawag kase yung husband ko e. By the way, here's the invitations of your engagement party. Yan nalang yung natira, since nadistribute na ng parents niyo yung iba. Bahala na kayo kung sinong iimbitahan niyo." inabot niya sakin ang isang black na paper bag na halata mong pinacustomized dahil may color gold na letter K&R sa gitna. Taray! Kinabog ang symbol ng H&M ah! XD

"Ahsge po. Kami na pong bahala magdistribute nito! So pano po? Alis na po kami ah? May pasok pa po kase kami e. Haha. See you on saturday nalang po!" nakangiting paalam ko dito at bumeso pa ko bago ko hinila si Ezekiel palabas ng bahay nila Mrs. Tan. Oo hinila ko bes! Ang arte e. :D

"Let go off me! Di mo ko kailangang hilahin, kaya kung lumakad mag-isa." cold na sabi nito.

"Ang arte mo naman! Ano bang problema mo? Bat bigla ka nalang tinoyo? -.- Yung totoo? Sinong babae satin? Daig mo pa ko kung makaemote ka dyan e. Ts." iritang sagot ko sakanya.

"Wala!" diretsong sagot nito na di man lang lumingon sakin.

"Wala? Pero kung makaemote ka dyan daig mo pa babaeng nireregla? -_- Ts. Bahala ka na nga diyan!" singhal ko dito at sabay walk-out.

"Nakakainis! Nakakainis! Ang sarap manapak ngayon nako! Wag lang talaga kong makakasalubong ng loko-loko ngayon, siguradong magiging punching bag pagmumukha nun pag nagkataon!" tumatakbo sa isip ko habang pinapalagutok ko ang mga daliri ko sa kamay.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may nakita akong taxi kaya pinara ko agad. Binuksan ko na ang pinto nito at pasakay na sana ko ng biglang may humila sa braso ko.

Di ko inaasahan ang paghila niyang yon, kaya naman muntikan na kong mabuwal. Mabuti nalang at nasalo niya ko.

to be continue ...

--

Hi. Hello! Hahaha. Long time no update! -_- Sorry na talaga mga mahal! Naging super duper busy ang ate niyo e. Sunod-sunod na report plus project! Tas nextweek midterm na. :'( Huhubels. #HellWeekIsReal! :3 Btw. Enjoy reading guys! :)

P.S Republish ko lang to. Putol kase yung una e. -_-

My DestinyWhere stories live. Discover now