Prologue

601 5 1
                                    


"Nak, paabot ng wallet ko diyan sa may ibabaw ng lamesa para mabayaran ko na tong si Andoy"

nagdadalawang isip na sundin ang utos ng ina dahil panigurado pag kinuha niya ang wallet nito ay makikita niya din si Andoy

"Trina!" sigaw pa ulit ng mama niya

wala na siyang nagawa at kinuha na ang wallet at iniabot sa ina sa labas

agad dumapo ang tingin ni Trina sa lalaking nasa harap ng kanilang bahay at may dala-dalang pizza

"Ma? nagpabili kayo ng pizza sa bayan?"

"Oo nga pala, dadating ang mga tito at tita mo mamaya hindi ko pala nasabi sayo" aniya, bumaling muli ang nanay ni Trina kay Andoy at nagpasalamat.

"Sige diyan muna kayo at naiwan ang niluluto ko sa loob"

pinagmasdan ng dalaga si Andoy. Kada makikita niya ito ay laging may pagbabago, ngayon naman ay may kulay na ang buhok nito. Medyo tumangkad din at mas nagiging firm ang built ng katawan

sabagay, hindi naman na sila mga batang nanghuhuli ng salagubang. Parehas na silang binata at dalaga

"Bakit nandito ka pa?" mataray na tanong ni Trina. Minsan talaga eh mataray siya

Kumunot ang noo ni Andoy

"Tss. Dun ka na ang panget mo" asar ni Trina

"You better run" Ngisi ni Andoy at hinabol ang tumakbong si Trina

Hanggang sa mapagod na siya ay tumigil siya sa pagtakbo at tinignan na lang ang dalaga habang naghahabol ng hininga

"Bakit ka tumigil sa pagtakbo?" sabi ng nagtatakang si Trina

"Nakakapagod pala maghabol sa taong ayaw magpahabol" ani nito at nilagay sa bulsa ang kanyang kamay tsaka tumalikod


"ARTE MO!" sigaw pabalik ni Trina 

Lumingon muli si Andoy at sumilay ang mapaglaro ngunit makahulugan nitong ngiti

Humalakhak ito

"Joke lang eh masyado ka naman nag iisip dyan" 


"Uwi na ko panget mo talaga" dugtong pa nito at kumaway habang naglalakad palayo 

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon