Chapter 6
'Come back'
+Trina+
ilang linggo na ng umalis si Andoy at naging mapayapa ang buhay ko na hindi ko masyadong nagugustuhan. Nakakamiss siya. sobra.
Nung bago bago palang siya umalis palagi kaming magkatext at minsan pa ay magkatawagan. Sakanya ko unang sinabi na kami na ni Francis ang sabi niya ay masaya siya para saakin. Tinanong ko naman siya kung may natitipuhan na siya doon ang sabi niya ay madaming maganda sa Maynila at mahirap mamili. Sinasabi niya pa saakin na siya pa ang nililigawan ng mga babae, hays ang kapal talaga ng mukha.
unang linggo ko sa pagiging Grade 11. Iba na ang school na pinapasukan ko kaya naman hindi na nito kaya ang bike na ginagawa namin ni Andoy noon
Kulay kahel ang langit at pumikit ako nang madama ko ang hangin. pamilyar ang ganitong pakiramdam.
"Trina!" nilingon ko si Francis na nakangiti saakin habang hawak ang isang boquet ng bulaklak
tinignan ko lamang siya at hindi ngumiti. baka nakakalimutan ng isang to na may kasalanan pa siya saakin
"Sorry na po. " aniya at humakbang palapit saakin at hinalikan ako sa pisngi
namula naman ako agad at kinilig. Ganito pala talaga pag mahal mo ang isang tao kahit anong gawin nila, malayo o malapit malaki ang epekto sayo.
Malapit ang mukha saakin ni Francis at hindi ko matandaan kung kailan pa siya lalong gumwapo.
"I deserve an explanation" nakataas kilay kong sinabi. Noong huli kaming nagkita ni Francis ay nagsigawan lang kami kaya hindi na niya na-explain ang side niya saakin
huminga siya ng malalim at ngumiti.
"Kaibigan ko lang si Althea." kaibigan? gusto kong matawa sa sinasabi niya. Nakataas pa rin ang kilay ko at nakatingin sakanya
"Yun lang?" Tanong ko
"Uhmm.. yea? Kaibigan ko lang naman kasi talaga siya eh atsaka ikaw naman yung mahal ko kaya nga ako nandito diba?"
inabot niya saakin ang flowers na kinuha ko naman hinalikan niya ang likod ng kamay ko atsaka niyakap. Naamoy ko ang pabango niya
Niyakap ko siya pabalik at ni hindi ako makangiti. Wala na kong maramdaman. Namanhid na yata
"Francis!!" tawag ng mga kaibigan niya sakanya sa di kalayuan
kumaway naman si Francis sa kanila
"Tara basketball tayo!"
aya ng mga to. Ngumiti si Francis at tumango
nilingon niya ako at nginitian
"Tara na iuuwi muna kita bago ako makipaglaro sakanila."
"No. Okay lang ako, Sama ka na sakanila" nginitian ko siya
tumitig siya saakin at tumango
"Sige. ingat ha"
"Bye Fran--!" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nakatakbo na siya palayo papunta sa mga barkada niya
this is a failed relationship! I'm so disappointed! Umuwi ako sa bahay namin at nagpunta agad sa kwarto ko at umiyak.
Bakit siya nagsisinungaling?! Lagi! PALAGI KO SIYANG NAHUHULI NA MAY KASAMANG BABAE! AT ANONG EXPLANATION? KAIBIGAN NIYA LANG?! LAST TIME I CHECKED FRIENDS DON'T KISS AND EAT EACH OTHER!
ginulo ko ang kama ko at humagulgol and now he's saying the same lies again and again. At anong bulaklak to?! Anong tingin niya saakin hardin?! hindi ko kailangan ng bulaklak! Siya ang kailangan ko!
Priority niya pa ang mga kaibigan niya. He's saying na ihahatid niya ako pero ano? habang hinahatid niya naman ako nakikipagtext siya sa barkada niya. Asshole!!
and guess what? MONTHSARY NAMIN NGAYON! and obviously hindi niya naalala at kung naalala man ay baka walang pake. I wonder, mahal niya ba ko? mahal niya pa ba ako? o kung minahal niya ba talaga ako? Sweet at mas maeffort pa siya nung nanliligaw pa lang pero nung kami na, wala na. Ni minsan pagtetext saakin ng 'Goodnight, I love you' ay nakakalimutan pa niya.
ghad! Now i know kung bakit ayaw siya ni Andoy para saakin. Siguro una palang alam na ni Andoy na walang kwenta ang isang yon at hindi niya lang masabi saakin
Lalo akong napaiyak nang maisip ko si Andoy. I miss him so much. Sana lang ay nandito siya para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko at may magcomfort manlang saakin dahil sobrang sakit. Ang tagal ko ng nagtitiis kay Francis dahil mahal ko siya. Kahit makita ko siyang may kahalikan, Aawayin ko siya at pagkatapos isang sorry lang tanga nanaman ako. Paulit ulit na lang. nakakapagod maging tanga. Nakakapagod umintindi.
Nagring ang cellphone ko at walang gana ko itong sinagot
nang hindi tinitignan ang tumawag"Hello?" Halatang umiiyak ako sa boses at sa pagsinghot ko.
"Trina" Nang marinig ko ang boses na yun, napahagulgol na lang ulit ako. I wish he was here! I need him here! I need my bestfriend!
"Andoy umuwi ka na dito"
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017