Chapter 26 'Jollibee and Madonna'

85 3 0
                                    


Chapter 26
'Jollibee and Madonna'

Humugot ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pintuan

"Hi Trina! Hi Anthony!" Bati ni Michaela samin. Nandito din sina Kel,
Chris at Leo. Nakita ko na agad ang mapanuring si Jasmin. She knew it all this time.

Binati din ng mga boys si Andoy, Iniwan ko na sila sa salas at tinulungan ko sina Michaela maghanda ng hapunan

Walang sinuman sakanila ang nagtatanong kung bakit ko kasama si Andoy, Basta lang sila nagkukwentuhan like the usual

Sinulyapan ko si Andoy sa salas, nginitian niya ako. medyo nabawasan ang kaba ko dahil dun

"Cheska and Anthony broke up last week" sabi ni Ferlyn na siyang nagpabalik sa kaba ko

"Really?"Kunwaring gulat na tanong ni Jasmin bago tumingin sakin. She's smart. Alam niyang mangyayari to.

"Kahit naman di kami  close ni Cheska, she's still my cousin. I saw her cry and cry for hours nung nagpunta ako sakanila. Tinanong ko kung anong dahilan kung bakit sila nagbreak and she said that Anthony cheats behind her back."

Yumuko ako. God, makakaya ko bang sabihin? Naramdaman ko na lang ang titig nila sakin kaya lalo akong kabahan. Bahala na, It's now or never.

"Guys may sasabihin sana ako." Nilakasan ko ang boses ko para marinig nung mga nasa salas ang boses ko and as expected tumingin silang lahat sakin at ilang saglit pa nandito na kami lahat pati ang boys

Lumapit sakin si Andoy. He's worried.

"Cheska and Andoy broke up last week because of me." Naibagsak ng wala sa sarili ni Ferlyn ang kutsara at tinidor sa pinggan dahil maghahain na sana siya

Gulat silang tumingin saming dalawa maliban kay Leo at Jasmin
na una palang ay alam ng hahantong sa ganito

"you mean.. ikaw Trina yung.. third..third party?" tanong ni Ferlyn

Hindi ako makasagot. ako ba talaga? Ako naman talaga yung mahal niya una palang eh pero sila pa kasi talaga nun so third party nga ako.

Hinawakan ni Andoy ang kamay ko, tinignan ko siya at nakatingin siya sa mga kaibigan ko

"Hindi third party si Trina. " Aniya

"Ako yung lumalapit sakanya. Ako yung nagbibigay ng motibo. It's wrong i know, pero si Trina.." Lumingon siya sakin at hinigpitan lalo ang hawak sa kamay ko

"Si Trina yung babaeng mahal na mahal ko.  It was always her. Sorry Ferlyn, I liked Cheska. I--"

"So ginawa mong rebound yung pinsan ko?"

Dahan-dahang tumango si Andoy

tumitig sakin si Ferlyn. I shouldn't be surprised na galit siya diba?

"How dare you bring him here Trina. " Hindi ako sumagot. Nakakalungkot makita na galit sa akin ang isa kong kaibigan but i know where she's coming kung ako ang nasa lagay niya magagalit din ako

"I just want to say na liligawan ko si Trina." Sarcastic na natawa si Ferlyn at umiling pagkatapos ay umalis sa kusina

"It's okay Andoy," bulong ko sakanya. Hindi na niya kailangan pang magsalita, nandito pa si Leo na mukhang hindi rin maganda ang lagay

Natahimik ang lahat. Seryoso ang mukha nila. Ni wala akong nakitang mukha na masaya para samin, It's disappointing pero naiintindihan ko. Naiintindihan ko kung hindi kami matatanggap ng mga kaibigan ko

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon