Chapter 5 'Temporary Goodbye'

122 3 1
                                    


Chapter 5

'Temporary Goodbye'

"Mag-iingat ka don Andoy ha. Iba ang Maynila kesa sa lugar natin dito sa Batangas" Payo ng nanay ni Trina

tinignan ko si Trina at nakatungo ito. Ngayon na ang alis ko.hindi pa naman pasukan, tatlong linggo pa bago ang pasok namin pero luluwas na ako para makapaglibot libot sa Maynila at makapag-adjust ng mas maaga.

Nasa sakayan kami ng jeep. Dito muna ako sasakay bago makarating ng terminal ng bus.

Niyakap ako ni mama at kita ko ang mga luha niya.

"Ma, wag na kayong umiyak. uuwi ako kapag hindi busy"

"S-sige. Pero kapag wala kang pera at kakapusin ka sa pag-uwi, ipangkain mo na lang ayos lang ako dito. ako na lang ang bibisita sayo" Niyakap ko pa ulit siya ng mas mahigpit bago bumaling kay Trina

"Dapat pagbalik ko maganda ka na ha" Asar ko.

inirapan niya ako

"Maganda na ako. " tumawa ako ng konti

"Mag-aral kang mabuti ah para sabay tayong gagraduate ng college baka mamaya mauna pa ako sayo hahaha" asar ko ulit

sinabunutan niya ako at ngumiti

"Oo naman! basta pangako, babalik ka ha?"

"Oo syempre." babalik ako malamang kaya ko ba naman na hindi na kita makita ulit

nagyakap kaming dalawa

"Babalik ako Trina, Babalikan kita." Bulong ko pero dahil magkalapit kami sigurado akong narinig niya yun, nakayakap pa din siya saakin. Naramdaman kong nabasa ang may balikat sa tshirt kong suot. Umiiyak nanaman siya. Iyakin.

"Ako ang buwan Trina" paalala ko sakanya

naglayo kami at ngumiti siya at tumango

nang umandar ang jeep na sinasakyan ko ay kumaway silang lahat saakin. Kumaway ako pabalik pero nagulat ako nang tumakbo si Trina at sinubukang habulin itong jeep

napailing ako. Sana pagbalik ko, nakamove on na ako. Sana wala na akong nararamdaman dahil nahihirapan ako na ganito. Na baka mamaya masabi ko na lang na mahal ko siya at gawin ko ang lahat mahalin niya lang din ako. Nakakatakot kung mangyayari yun dahil paniguradong pati sarili ko ay hindi ko na mapipigilan.

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon