Chapter 9 'Making a move on you'

126 2 0
                                    

Chapter 9

'Making a move on you'

Pagkatapos ng mahabang araw sa school umuwi na din ako kaagad.

Binubuksan ko ang pintuan ng bahay namin nang may nagtakip ng mata ko
mula sa likod

"Mama?" Nakangiti kong tanong. Hindi sumagot si Mama. Nakuu eto talagang nanay ko gusto laging nilalambing siya eh

Hinawakan ko ang kamay niya pero nang mahawakan ko ito.. Hindi ito si Mama

but i know held this hand before.

pilit kong tinanggal ang mga kamay niya, hinarap ko siya

Siya yung lalaking naka-shades, jacket at cap. Ganun pa rin ang attire niya ngayon. Bakit siya nandito?! omg rapist yata to. Help! pano niya nalaman bahay ko, myghad. stalker!

"S-sino ka?"

Isang ngisi lang ang ibinigay nito saakin

ready na akong tumakbo nang harangan niya ang daan ko.

"Ano bang kailangan mo?"

"Hindi ano, sino."

kumunot ang noo ko. Hanep to ah

"Oh tapos?" sabi ko

"ikaw ang kailangan ko. Don't you need me too?" nakangisi siya habang tinatanggal ang shades at cap niya

nalaglag ang panga ko nang makita ko siya

"ANDOYYYY!!" tumalon ako para yakapin siya

"God, I miss you so much" Aniya

humiwalay ako sakanya

"Anong ginagawa mo rito? wala ka bang pasok? Waaaahhh payakap nga ulit!"
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko

humiwalay ako sakaniya at nakita ko ang ngiti niya. Matagal ko na itong hindi nakita nakakahawa ang mga ngiti niya kaya napangiti na rin ako lalo

"Wala kaming pasok for 4 days wala akong magawa sa boarding house kaya pumunta ako dito" Nagkibit-balikat siya

"T-Teka? Kahapon nakita na kita! Ikaw yung nakabangga ko diba?" Tumango siya at umakbay saakin

"Uh-Huh"

"I-ibig sabihin nung nagpunta ako sa likod ng bahay niyo at tumawag ka sakin na tinitignan mo ako, totoo yon?"
tumango ulit siya

"Bakit hindi mo ako agad sinabihan na nakauwi ka na pala?" Kumunot ang noo ko,

"I like observing you. Gusto ko lang na nakikita kita, kahit di mo ako nakikita basta nakikita kita."

isang malaking question mark ang tumubo sa ulo ko. Ano daw?

pumasok kami sa loob ng bahay namin, as usual wala pa si Mama. Dumiretso sa sofa si Andoy at humiga nagpunta naman ako sa kusina

"Gusto mo ba ng juice or what?" tanong ko habang tumitingin sa loob ng ref. Saktong may natirang cake na binigay ng kapit-bahay namin kahapon dahil birthday ng anak niya

Hindi sumagot si Andoy kaya nagpunta na ako sa sala dala ang juice at cake. Nakita ko siyang nakatayo at nakatingin sa mga picture frames. Nakatalikod siya at napalunok ako ng mapagmasdan ko ang hubog ng kanyang katawan. Pumayat siya ng konti pero malaki ang itinangkad niya, Katulad ng katawan niya yung mga lalaking bida sa anime, Bigla siyang humarap kamuntikan na tuloy matapon ang juice na hawak ko. Lumapit naman siya agad at kinuha ang mga yun saakin

"Pina-renovate niyo pala tong bahay niyo." Tumango ako. Pinalakihan na nga ito at nagkaroon ng isa pang kwarto para sa mga bisita.

"Mahigit isang buwan palang akong nawawala pero pakiramdam ko ang dami ng nagbago" Tumabi ako sakanya sa pagkakaupo

"Kamusta ka sa Maynila?" Tinignan niya akong maigi at ngumisi

"Malayong malayo dito sa Batangas. Sobrang daming tao wala pang patawad ang traffic!" Tawa niya at simula nun nagkwento na siya ng nagkwento tungkol sa buhay niya sa Maynila

"May mga kaibigan na din ako. Actually pinaka-close ko yung kasama ko sa boarding house, Hmm.. Madaming chix lahat maiikli magdamit" Tumawa siya

"Iba't ibang klase pa ng tao ang nandon , If you will go there maninibago ka talaga Trina pero I'm sure mag-eenjoy ka kahit minsan nakakalungkot," ngumiti siya at pinitik ang noo ko

"M-may girlfriend ka na dun?" taas kilay kong tanong

"Wala. Bakit gusto mo na ba akong magkaroon?" Umiling ako

"Ayaw mo?" tanong niya pa. Hindi ko maintindihan, I can see na masaya siya sa Manila at parang ayoko yun. Hindi ba siya masaya dito kaya siya lumuwas? Ayoko din muna siyang magka-girlfriend. pano ang pag-aaral niya? kaya nga siya lumuwas kasi mag-aaral hindi mangchichix . bumuntong hininga ako,

"Trina.." Mahinahon ang boses niya

"A-ano?"

"Kung yayayain ba kita dun sasama ka sakin?" kumabog ng malakas ang puso ko

"Niyayaya mo ba akong makipag... omygod! Live in?" Humagalpak siya sa tawa

"Hahaha why not?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya na lalong nagpatawa sakanya, Nang huminto siya sa pagtawa ay tumayo ako para pumunta ng kusina

Hinawakan ni Andoy ang kamay ko dahilan para mapaupo ako ulit. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at ang labi niya naman sa may leeg ko

"Babalik na ako ng Maynila bukas." Ramdam ko ang bawat hininga niya sa gilid ng leeg ko. Bakit? Bakit niya to ginagawa? Magkaibigan kami diba? Dapat tinutulak ko na siya palayo saakin dahil hindi maganda ang pwesto namin ngayon. Bestfriend ko si Andoy at mali ang ganito. Kaya lang, nangangatog ang tuhod ko at... at.. hindi ko siya magawang itulak o lumayo kahit isang dipa man lang. What sorcery is this?!

"R-really?"

"Yeah. I'm gonna miss you so much." Nagwawala ang puso ko at wala akong mabigkas na isang salita o kahit na ano

"I miss you every damn time and i think it's bad. "  Lumapit siya lalo hanggang sa naramdaman ko na ang daplis ng labi niya sa likod ng tenga ko. What the fuck is he doing?

"Say something Trina. Sabihin mong namimiss mo din ako," hindi ko na kaya.. nahihirapan akong huminga, para niya akong inuubusan ng hangin. Hindi ko alam kung gusto o hindi ko gusto ang nararamdaman ko

nang magkaroon ako ng lakas agad ko siyang tinulak at tumayo na ako

"What are you doing Anthony?" Small smile crept into his lips at tumayo din siya

"I'm making a move on you"

"Making a move on me?! Ano?! May gusto ka saakin?" sarkastikong tanong ko

"Yes Trina. May gusto ako sayo." Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. Did my bestfriend just confessed to me?

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon