Chapter 32
'Scared'Kahit ako ay naloka sa narinig. St. Lukes? Sisimulan ko na ba mamalimos sa labas?
Lumabas muna ako ng kwarto ni Tita at hinayaan sila doon. Umiisip ako ng paraan. Damn!
Bumukas ang pinto at lumabas si Andoy. Kumunot ang noo niya
"Anong ginagawa mo dito?" Aniya
"W-wala naman" Iniwas ko ang tingin ko. Can someone offer me a job right now? yung marangal pero malaki ang kita.
Umupo siya sa upuan kaya tumabi ako sakanya
"sa St. Lukes mo ba ipagagamot si Tita?" Tumango siya
"yun ang sabi ng doktor."
Matagal kaming natahimik na dalawa hanggang sa may maisip ako
"Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa Papa m--" hindi pa ako natatapos ay padabog siyang tumayo sa upuan at galit na humarap sakin
"I will never do that Trina" Mariin niyang sinabi at walang lingon lingon na pumasok ulit sa kwarto.
Napabuntong hininga ako
Men and their pride.
Alam ko naman na walang ipapambayad si Andoy sa hospital. I'm sure, titigil siya sa pag-aaral. Scholar siya pero hindi 100% kaya may binabayaran pa din siya atsaka san siya kukuha ng allowance ngayon?
Umalis ako ng hospital at nagpara ng trycicle.
Inabot na ako ng alas-sais ng hapon sa paglalakad sa kalye ng aming bayan. Kabisado ko naman to kaya hindi ako mawawala. Wala akong trabahong nakita. Meron nga pero maliliit ang kita. Wala na kaming oras. Hanggang sa isang babae ang nakabangga ko. Mga kasing edad ko lang siya. Naka-full make up tapos may malaking hikaw na bilog sa magkabilang tenga. Maganda siya kahit makapal ang make up niya.
"S-sorry Miss." Sabi ko na lang. Nagtaka ako nang hindi pa din siya umaalis. Nakatingin lang siya sakin at hinead-to-foot pa ako
"Bakit?" tanong ko
"Miss? Single ka?" Ano? Boy Abunda ikaw ba yan? Hindi ako sumagot at lalagpasan sana siya nang hawakan niya ang kamay ko
"Kung gusto mo ng trabaho--" Nang marinig ko ang katagang iyon ay
hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sakin
"Yes! Kailangan na kailangan ko!"
Ngumiti siya sakin at inabot ang calling card niya.Ysabelle Reymundo ang pangalan niya
"Tawagan mo ako kapag gusto mo ng magsimula"
"Ngayon na."
"Ha?"
"Ngayon din magsisimula na po ako" Ngumiti siya at masayang pumalakpak
"That was great! Mukhang malaki talaga ang pangangailangan mo wag kang mag-alala malaki ang kita dito! Ano nga bang pangalan mo?"
"Trina." tumango tango siya
"Ahh Trina, Halika na sumama ka sakin aayusan na kita" kinaladkad na niya ako kung saan
"Magkano ba kita dito?"
"30,000 isang buwan kapag baguhan pero pag matagal na pwede ng 50,00 or 70,00" nanlaki ang mata ko. Malaking pera na yun
"Pero anong trabaho ba ito?"
tinahak namin ang madilim na eskenita
"Prosti!"
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017