Chapter 15 'Complicated'

102 3 0
                                    

Chapter 15
'Complicated'

"Okay na. Salamat" Sabi ko kay Andoy. Hinatid ako hanggang sa loob ng bahay, Mukhang hindi pa gising si Mama.

Tumango siya at naglakad papunta sa pinto. Ganun na lang yun Trina? Pagkatapos niyang tulungan ka sa bigat ng pinamili mo?

"U-uhh. Kung gusto mo dito ka na magtanghalian?"

lumingon siya saakin at nanliit ang kanyang mata

"Is this your way to say thank you?" Natatawa niyang sinabi. Nakakainsulto to tumawa ah!

"Kung gusto mo nga diba? Kung ayaw mo edi wag!" Inirapan ko siya at nilabas ang mga pinamili ko. Bwisit na to.

"Sungit mo naman" at tumawa siya. God, Bakit kailangan niyang tumawa lagi? Naiinis ako eh! Masaya ba siya? Bakit? Kasi naka-move on na siya?

"Kumain na ako eh."

"K."

sinimulan ko ng hugasan yung manok na binili ko

"Pero kung yayayain mo ako ng mas maayos papayag ako" Kunot noo ko siyang tinignan. Nakasandal siya sa lamesa habang hawak ang kanyang labi at nakangisi. Lumunok ako.

I let out a deep sigh. He's really enjoying this huh?

"Dito ka na kumain Andoy." sabi ko habang hindi makatingin sakanya. Bwisit, ako naman tong si tanga sunod naman lagi sa sinasabi niya

"Okay! Tulungan na din kita diyan" masigla niyang sinabi at lumapit saakin

Natapos kaming magluto ng mas mabilis sa inaakala ko. Naghain na ako tapos nagising na din si Mama

"Andoy! Long time no see! Binatang binata ka na" Mama.

Lumapit si Andoy para makipagbeso at mano kay Mama

"Parang hindi nga po kayo umeedad eh hahaha"

"Bolero kang bata ka! hahaha"

hinila ni Andoy ang upuan para makaupo si Mama. Napangiti ako doon. Hindi pa rin siya nagbabago, napaka-gentleman talaga.

"Naku hindi ka lang gwapo. Mabait at gentleman pa! swerte sayo ni Cheska. Bagay kayo" Ngumiti si Mama

Bigla ko na lang hindi manguya ang pagkain ko

"Diba Trina?"

Tumingin silang dalawa saakin.

"O-opo"

"Swerte din po ako sakanya" Napatingin ako kay Andoy nang sinabi niya yun. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit..

"Hayy eto kayang si Trina kelan magkakaboyfriend para naman minsan mabawasbawasan ang pagka-mataray"

"Mama.."

"Talaga naman ah? Sabi sakin ni Michaela madaming nanliligaw sayo sa school niyo wala ka lang talagang magustuhan. Panget ba silang lahat anak?"

Grabe naman tong si Mama

Uminom ng tubig si Andoy habang nakatingin saakin

"Hindi naman po siguro matatagalan at magkakaboyfriend din siya. Maganda si Trina, mabait, masipag kahit medyo mataray siya maalalahanin siya sa mga taong nakapaligid sakanya" Tinignan ko si Andoy at nagtama ang aming paningin.

Hindi ko kailangan ng papuri niya

"Masaya din po siya kasama at kausap. Kung magkakaboyfriend siya sigurado magtatagal sila. She's a keeper. At isa pa po, Hindi po mahirap mahalin si Trina.."

That's it! Yumuko ako at naramdaman ko na agad ang luha ko.

I want to hug him so much. I miss him. He knows me too well. Naiiyak ako kasi bakit pakiramdam ko mahal pa niya ako? At mas lalo akong naiiyak sa tuwing naiisip kong paano kong mali yung pakiramdam ko na yun? paano kung naka-move on na nga siya talaga?

Fuck. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin.

Palihim kong pinunasan ang luha ko. Malungkot akong tinignan ni Andoy, nangungusap ang mga mata niya

"H-haha kain na lang tayo" Sabi ko na lang habang namamaos ang boses ko.

Buti naman at natapos kaming agad sa pagkain. Agad nagpaalam si Mama para maligo dahil papasok nanaman siya sa trabaho. Niligpit ko ang mga hugasin at nang matapos ako ay tinignan ko si Andoy. He's watching me the whole time!

Nagulat ako nang bigla niya akong higitin palabas ng bahay

"Hoy! Ano ba!"

He looked at me.

"I'm sorry..."
yumuko siya

"P-para saan?" Naramdaman kong may bumabara sa lalamunan ko. Iiyak nanaman ba ako?

"Umiyak ka kanina diba? Sorry. Nasaktan ba kita? Anong nagawa ko?" Puta naman bakit ba ganyan siya? Tinulak ko siya palayo saakin

"Stop acting like you care!"

Nilagay ko ang palad ko sa aking mukha. baka sakaling hindi na ako maiyak. Baka sakaling umalis na lang siya.

"I do care for you! Ano bang nangyayari sayo?!" Mabilis ko siyang nilingon. wala na akong pakialam kung makita niya akong lumuluha. Wala akong pakialam.

"Anong nangyayari saakin? Hindi ko alam! Hindi ko alam! Nagsimula lang to nung bumalik ka!"

Bumagsak ang balikat niya at malungkot na tumingin saakin. I can see his pain and it hurts me too.

"Dapat sinabi mo na lang ng diretso na ayaw mo na pala akong makita kahit kailan"

tumalikod siya saakin at walang imik na lumakad palayo

"that's not what i mean.." naibulong ko na lang

"Andoy.." at sinubukan kong humakbang para habulin siya pero para ano pa? Sirang-sira na kaming dalawa. Gusto ko lang naman maibalik yung dati pero gumulo ang lahat.

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon