Chapter 7 'Love'

124 3 0
                                    

Chapter 7

'Love'

"Andoy umuwi ka na dito"

"umiiyak ka ba?" Umiling ako kahit hindi niya ito makikita at pinunasan ang luha ko

"U-uhh.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pinakalma ko ang sarili ko at doon ko lang na-realize na mali ang sinabi ko sakanya. why the hell i would say na umuwi siya rito? hayy

"Andoy?" tawag ko dahil nakarinig ako ng mga kung anong tunog. mukhang may ginagawa siya at nakakaabala ako

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong nito.

bumuntong hininga ako

"Francis" Iyon na lang ang nasabi ko alam ko namang kuha na niya

ilang sandaling tumahimik ang linya

"Sinaktan ka nanaman"

"Makikipagbreak na ba ako?"

"Hindi mo na dapat siya sinagot in the first place." Umirap ako

"Oo na nga diba. Tama ka na. pero kasi... ang sakit." Sabi ko at naramdaman ko nanaman ang luha ko, naalala ko si Francis nung sobrang sweet pa niya at mahal na mahal niya ko na talagang ramdam ko

"well, you okay? "

"Hindi."

"You will be."
nakarinig ulit ako ng mga tunog

"May ginagawa ka ba?" Tanong ko

bumuntong hininga siya

"Nung sinabi mong umuwi na ako, nilabas ko ang maleta ko. I was really going home."

"Seryoso?!" Hindi makapaniwala kong tanong. Talagang uuwi siya dahil lang dun?

"yeah."

"Baliw ka." sabi ko habang naiiling at natatawa

"Siguro nga."

tumahimik ulit ang linya pero hindi naman pinapatay

"I wish i was there. Gusto kong punasan ang luha mo Trina, Gusto kitang yakapin at Gusto kitang makita."

"I wish you were here too."

"I miss you." Sabi ni Andoy sa mahinahon na boses hindi ko alam kung bakit tumindig ang balahibo ko. Bago pa ako makasagot patay na ang tawag.

**

Nandito ako ngayon sa park, walang pasok at hinihintay ko si Francis. Badtrip. Tignan mo naman! ako pa rin ang naghihintay! Hindi ba pwedeng siya naman?!

Nagtago ako sa isang poste at sumandal doon kapag nakita kong dumating si Francis tsaka ako lalabas, kunwari nauna siyang dumating. Makikipagbreak ako at ang tanging baon ko ay pride. Iyon na lang ang natitira saakin

ilang sandali pa nakita ko na si Francis, nagpalipas ako ng mga dalawang minuto bago lumabas. Kailangan kong tatagan ang loob ko at hinding hindi ako luluha sa harapan ng isang tulad niya. Jerk!

"Trina!" Masayang ngiti niya at akmang hahalik sa pisngi ko agad naman akong nakaiwas at sinampal ko siya.

"That's for being a jerk."

sinampal ko ulit sa kabila

"For kissing my classmate"

sinampal ko ulit sa kabila

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon