Chapter 31 'Back to Batangas'

86 2 0
                                    

Chapter 31
'Back to Batangas'

"Andoy, binigay ko nga pala yung number ko dun sa nagtatanong kanina about sa sasakyan. Interested daw siya pero itatanong niya daw muna sa asawa niya then she will contact me na lang" Ngumiti sakin si Andoy. He mouthed the word 'Thank you' at nagpatuloy sa kausap niya sa phone.

Nilingon ko ang mga gamit niyang naka-impake sa gilid nitong kama niya. I want to go with him.

I felt his hands on my shoulder

"May tatlo ng potential buyers. Sana mabili na to sa lalong madaling panahon" Aniya atsaka nilibot ang tingin sa condo niya.

Niyakap ko siya. Sana kahit papano nakakatulong ako sa pagpapagaan ng loob niya.

"Everything will be alright."

"Sana nga Trina." I gave him my assurance smile kahit na ako mismo hindi ko alam kung anong dapat gawin.

Nag-aalala ako kay Tita at sakanya. Napagdesisyunan ni Andoy na ibenta ang sasakyan at itong condo niya para magkaroon sila ng perang ipanggagamot kay Tita. Kahit na mukhang hindi kakasya ang perang makukuha niya dito sa buong gamutan ni Tita. Sabi niya pa, baka tumigil na siya sa pag-aaral. They need money right now at kung may maibibigay lang sana ako..
Sobra akong nalulungkot paano pa kaya si Andoy? Everything must be hard for him right now.

"Andoy?"

"Hmm?"

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya

"Nandito lang ako ha. Kapag nahihirapan ka na, Kapag hindi mo na kaya, Kapag napapagod ka na, Iiyak mo sakin lahat. You have me."

Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti atsaka niyakap

"Yeah, I have you."

humiwalay ako sa yakap at tumingin sakanya

"Sasama ako sayo pabalik ng Batangas." Kumunot ang noo niya at binitawan ako

"No, Paano ang pag-aaral mo? Baka matagalan ako dun."

"Ayos lang yun. Hahabol na lang ako sa mga lessons pagdating ko dito at kung mas matatagalan ka pa, Promise! Mauuna na ako pabalik."

Matagal niya akong tinignan atsaka umiling

"Kung iniisip mo na mangangaliwa ako Trina, I'm not. Hindi mo ako kailangang bantayan" Tumawa siya at lumabas ng kwarto

"I KNOW YOU WON'T! JERK! SASAMA PA DIN AKO!" sigaw ko.

kasalukuyan akong nagiistay sa condo niya. Walang nangyayari ha. Atsaka hindi rin naman kami nagtatabi matulog. Well, minsan.

sabay kaming pumasok ng school, Halos lahat ay napapatingin samin dalawa. He's good looking and he's holding my hand

Napako ang tingin ko sa lalaking nakatitig din saamin. Walang ekspresyon niya akong tinignan

Napabitaw ako sa kamay ni Andoy kaya lumingon siya sakin

"Ahm.. May kakausapin lang ako sandali"

Nagtataka niya akong tinignan at parang naghihintay ng kasunod ko pang sasabihin

"Si Leo." turo ko kay Leo na nasa gilid

"make it fast." Aniya atsaka humalukipkip. Tumaas ang kilay ko

"You know privacy? Umuna ka na dun susunod na ako."

"Yeah, whatever. Dalian mo hihintayin kita dito" Matalim ko siyang tinignan na baka sakali ay mahiya siya at umalis pero nakipagtitigan lang siya sakin. Hayy.

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon