Chapter 1'Moon'
Ibinigay ko na kay Trina ang binili kong spanish bread sa may kanto
"Yan na mam, masaya ka na?" Tanong ko
nag-angat siya ng tingin sakin habang nakasimangot pa din. Mukhang galit pa din siya saakin dahil napagalitan siya ng teacher kanina at napahiya sa buong klase.
"Kunin mo na." inilapit ko pa sa mukha niya ang nakalagay sa plastic na spanish bread, mainit init pa ito at alam kong paborito niya to kaya hindi niya matatanggihan
kalaunan ay kinuha niya rin yon, napangiti ako.
"Tara na?" Tanong ko. Umirap siya at sumakay na sa bisikleta ko. Iirap pa sasakay din naman pala tsk
pinasadahan ko ng tingin ang paligid na puro mga batang naglalaro at namamasyal na ang nakikita ko kasabay ng langit na kulay kahel dahil sa papalubog ng araw
"Ang ingay mo naman kumain" Saway ko kay Trina na rinig ko ang pagnguya sa aking likuran
umihip ang malakas na hangin at nakangiti kong sinalubong iyon ng mabilis ding patakbo sa aking bisikleta
"ANO BA ANDOY?! TUMATAAS ANG PALDA KO!!!"
"Naka-short ka naman diba?"
"W-wala. N-nakalimutan ko" mahina niyang sinabi at binagalan ko ang takbo tsk! Eto talagang babaeng to!
Nang nakarating na kami sa likod ng aming bahay ay itinigil ko na ang aking bisikleta.
Hinarap ko si Trina na nakasimangot pa din. pinisil ko ang kanyang ilong at umupo na. dito ang madalas na tinatambayan naming dalawa. Mataas na bahagi na ito ng aming lugar at mula dito ay tanaw na tanaw ang buong kalangitan. Madilim na ang langit di gaya kanina
Malakas pa din ang hampas ng hangin at malamig na din ang simoy nito. Disyembre na at hinihintay na lang na mag-announce ng walang pasok ang aming paaralan para sa nalalapit na pasko at bagong taon
Naramdaman kong umupo na din si Trina sa tabi ko, tumingin ako sakanya kahit sa langit siya nakatingin.
"Galit ka pa ba?" Tanong ko
"Oo. wag mo muna akong kausapin" Ani nito at humiga sa damuhan
Hindi naman ganun kabigat ang kasalanan ko sakanya ah? Natural lang naman na mapagalitan ng teacher paminsan-minsan. ang arte talaga.
Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ang aking cellphone at sinalpak sa tenga ko ang earphones. Nagulat na lang ako nang pagkatapos ng dalawang kanta ay kinalabit ako ni Trina. Kunot-noo ko siyang tinignan
"Ano?"
"Hindi ka manlang magsosorry sa ginawa mo kanina?" Mataray pa din ang tono niya pero mukha na siyang naglalambing pfft.
"diba ang sabi mo huwag kitang kausapin?" Bumuntong hininga siya at nag-iwas ng tingin.
Ngumiti ako at humiga na din sa damuhan sa tabi niya
"Sorry Trina."
hinawakan ko ang buhok niya"Tss. Sa susunod kasi magdadala ka na para hindi ka na mangihihiram saakin" Aniya
"Kahit na. Dapat pinahiram mo pa din ako kanina"
"Buti sana kung isang beses ka lang nawalan ng ballpen eh araw-araw ka ng walang dala! May bago ka ngang telepono wala ka namang pambili ng ballpen!" tumawa ako at itinaas ang aking kamay sakanyang mukha
"Kalma. Kaya ka napagalitan eh ang lakas lakas ng boses mo."
Umirap siya at tumingin na ulit sa langit na ngayon ay may bituin na.
"Grade 10 na tayo parang kailan lang naglalaro pa tayo ng pogs sa kanto. " sabi ko
"Oo nga at parang kailan lang maliliit pa tayo at walang pakialam sa paligid natin pero heto at magigrade 11 na tayo. Ilang buwan na lang"
hindi ako umimik. Natatakot ako na baka magtanong siya tungkol sa isang bagay na may kinalaman doon
"Anong kukunin mong course?"
"Engineering. Civil Engineering" prente kong sinabi
"Bakit nga pala wala kang short?" kunot noo kong sinabi
kahit na madilim kita ko ang pamumula niya dahil sa ilaw ng nag-iisang poste dito.
"N-nakalimutan ko nga. ang aga mo naman kasi dumaan sa bahay kaninang umaga kaya nagmadali na ako sa pagbibihis."
"Tss. Dapat sinabi mo sakin bumalik sana tayo sa bahay niyo. Sabi ko sayo Trina, magshoshorts ka palagi. Alam mo namang madaming manyakol sa school natin pano kung mabastos at mabosohan ka?"
"Nandiyan ka naman palagi para ipagtanggol ako."
nagulat ako sakanyang sinabi hay isip bata pa din ng konti ang isang to.
"Kahit na Trina. Dalaga ka na tsaka hindi naman ako palaging nasa tabi mo dadating ang araw na maghihiwalay tayo."
"Okay!! Nakalimutan ko lang talaga. Alam ko naman yon pero..."
Hinanap niya ang mga mata ko dahil hindi ako makatitig sakanya
"Paano mo naman nasabi na maghihiwalay tayo? Akala ko ba best of friends tayo forever?"
bumuntong hininga ako
"oo nga pero... " Nakatingin ang dalawang pares ng mata niya saakin. Mapupungay ito at bilugan sunod kong tinignan ang kanyang labi nakaawang ito ng konti. nag-iwas ako ng tingin at tinuro na lamang ang buwan
"Ano ngang tawag pag ganyan? Full moon?" Tanong ko
tumango si Trina
napatingin ako sa aking relo. Mag-aalsiyete na ng gabi
"Tara na Trina baka hinahanap ka na sainyo"
bumangon na siya at ganun din ako. Nagtungo na ako sa aking bisikleta at itinayo iyon, nakatitig pa din si Trina sa buwan habang naglalakad palapit sakin
Ginulo ko ang kanyang buhok dahilan para mabaling ang atensyon niya saakin
"Kapag hindi tayo magkasama isipin mo lang na ako ang buwan. Lagi akong manghihiram ng liwanag sa araw para makita ka kahit sa malayo lang. para mabantayan ka sa pagtulog mo buong magdamag. Ako ang buwan tuwing gabi Trina."
nakatitig lang siya ng maigi sakin, batid kong hindi niya masyadong naintindihan.
Hinatid ko na si Trina sakanilang bahay at nagpaalam. Umuwi na din ako saamin
Humalik ako sa nanay kong may kausap sa telepono bumaling siya saakin ng malawak ang ngiti. Ibinaba niya ang telepono at masaya akong niyakap
"pumasa ka sa Unibersidad na gusto mo Andoy! Congrats anak!!"
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017