Chapter 12 'I know him'

115 4 0
                                    

Chapter 12

'I know him'

wasted na wasted ang itsura ko nang makapunta ako sa bahay nila Ferlyn. tadtad nga ng tanong sakin ang mga kaibigan ko kung anong nangyari sabi ko naman napuwing lang. Na-sense naman na siguro nila na ayokong pag-usapan dahil tungkol ito sakanya. Oo, naikwento ko na sakanila ang tungkol doon kasi open naman kaming lahat sa isa't isa. Yun nga lang, hindi ko sinabi ang pangalan ni Andoy.

"Inuman na!!" Sabi ni Chris at binuksan ang wine na may bula bula at umagos ito sakanyang kamay pati sa bote. Pumasok naman si Kel na may dalang emperador. Mula sa kusina, dumating si Ferlyn, Michaela, at Jasmin dala ang mga pulutan.

"Ang dami naman nito! Tsaka wala bang tanduay ice dyan?" sabi ko. Hindi kasi ako sanay uminom. Tho, nakakalunok naman ako ng hard liquors kaya lang mga dalawa hanggang tatlong shots lang ang kaya ko.

"Tonight kailangan mong lumabas sa comfort zone mo " Sumulpot naman si Leo na may dalang Jack Daniel's. Sinimangutan ko siya

"Maawa naman kayo sa atay niyo" Sabi ko at tinikman yung sisig. Mamulutan na lang kaya ako dito?

"Ano ka ba girl! Minsan lang to! Tsaka lagi ka ng naka-tanduay ice noh magtry ka naman ng iba" sabi ni Michaela saakin

"Anong minsan lang? eh pang-ilang inuman na natin to sa loob ng dalawang buwan?" Tumawa si Ferlyn at umiling sabay inom sa baso niyang may wine. Sus, malakas ang loob kasi nasa ibang bansa ang magulang

Inabutan ako ni Leo ng isang shot ng Jack Daniel's

"I'm not gonna drink that" taas kilay kong sinabi at kinuha ang cellphone ko. Maglalaro na lang ako.

Mabilis na nakuha ni Leo sa kamay ko ang aking cellphone

"Just try. pag hindi mo nagustuhan di na kita pipilitin" Tinaas ko ang kilay ko at kinuha yon tsaka ininom

syempre, hindi ko nagustuhan. Nakangiwi kong ibinalik ang shot glass sakanya.

"Isa pa." sabi ko, ngumiti naman siya. Malamang hindi ko talaga magugustuhan kasi hindi ako sanay pero kung sasanayin ko ang sarili ko baka magustuhan ko din.

Nang iabot ulit sakin ni Leo ang pangalawang shot. Nag flash sa utak ko ang magkahawak kamay na si Andoy at yung babae kanina pikit mata kong ininom ang shot ko.

Ilang sandali pa kaming nag-inuman at himala namang nakaubos ako ng isang bote ng Jack Daniel's nang nasa katinuan. Hindi na umalis sa tabi ko si Leo at inaalalayan ako

"Mataas naman pala ang Alcohol Tolerance mo eh.Hindi ka mabilis malasing" ngiti saakin ni Jasmin

"Wait lang guys. sagutin ko lang to" sabi ni Ferlyn at tinuro ang kanyang cellphone. Tumayo siya at tumalikod, lumayo din siya ng konti

"Tingin mo papasa ka sa finals?" tanong sakin ni Michaela

tumawa ako at umiling

"Hindi ko lang alam. Hula lang yung iba kong sagot e hahaha"

"Same! Apir!!" sabi ni Michaela at tawa ng tawa na nakipag-apir sakin.Siguro may tama na to

"Syempre! papasa tong si Trina gaya mo naman sayo na babagsakin" Asar ni Leo kay Michaela. Binato ni Michaela si Leo nang takip ng bote ng alak

"Why don't we take exams sa Manila? dun na tayo magcollege?" Ani ni Jasmin

"Bakit? Ganun ba kabulok school natin at ayaw mo dun magcollege?" tawa ni Chris

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon