Chapter 27
'Heat on rainy night'Bored akong nakikinig ng nile-lesson ng teacher sa unahan. Tinignan ko si Leo na mukhang tulog na at si Jasmin na matiyagang nakikinig sa guro.
Damn, Sa tagal kong pag-aaral nagtataka pa din ako kung para saan ang lahat ng ito kung malilimutan lang din naman. Natapos ang klase na yun at may vacant akong 2 hours bago ang sunod na klase. Unlike Michaela, Chris at Kel,
Leo and Jasmin seems distant to me at syempre si Ferlyn na tatlong araw na akong hindi kinakausap. Kung nakakamatay ang titig apat na beses na akong patay sa titig ni Cheska sa tuwing magkakasalubong kami. But still thankful ako kasi hindi niya ako sinasabunutan.
Nang makalabas ako ng room, hindi ko na nakita si Leo.
"Saan next class mo?" Nagulat ako nang kausapin ako ni Jasmin. Hindi niya ako madalas kausapin simula ng gabing yon
"2 hours akong vacant. Ikaw?"
"1 hour. Gusto mo bang kumain?" I seriously felt happy sa narinig ko.
"Sure!" Kumawit sakin si Jasmin habang naglalakad kami. I miss this girl. Simula nung nagiging weird siya feeling ko lumalayo ang loob niya sakin at buti naman hindi
nagpunta kami sa malapit na cafe. Nung nasa probinsiya kami ng batangas ang layo ng kapehan. Kung gusto mo ng kape, magtimpla ka.
Pagkatapos namin um-order, umupo na kami. We chit chat about anything. Katulad lang ng dati, Tawanan, asaran. Namiss ko bigla si Ferlyn.
"Ferlyn will soon understand." Ngumiti siya sakin na parang nabasa ang nasa isip ko
Nagulat ako sa sunod na pumasok ng cafe Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko. ang hirap magsuklay ah!
tinanguan lang nito si Jasmin
"Should i leave?" Bulong ni Jasmin sakin
"No. It's fine. I'll leave. Mag-oorder lang ako" Sabi ni Andoy. Tumingin ako sakanya, ngumiti siya sakin at bumulong ng take your time. pagkatapos nun pumunta na siya ng counter
"Damn that Anthony guy is really handsome lalo na sa malapitan" Iiling iling na sabi ni Jasmin at ininom ang milkshake niya. Napangiti na lang ako,
"He's really a gentleman too." tumango si Jasmin sa sinabi ko
"Kaya siguro halos mabaliw na si Cheska kakaiyak " Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Awkward. I don't even know what to answer
Lumapit samin si Andoy at naglapag ng dalawang ice cream
"Bye, girls" Aniya at kumindat sakin bago tumakbo palabas ng dala ang tinake out niyang sarili niyang pagkain.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa nagdecide na kaming bumalik sa campus.Hinatid ko si Jasmin sa next class niya tutal may free pa naman akong 1 hour. unluckily, pagdaan ko sa school ground nakita ko si Cheska kasama ang mga kaibigan niya. wala akong balak na pansinin siya pero binangga niya ang balikat ko
"Pakasaya ka Trina kasi dadating yung araw na babawiin ko siya." Ani nito at ngumisi. Pugto ang mata niya at halatang kagagaling lang sa iyak. Hindi naman ako na-threatened sa sinabi niya. May tiwala ako kay Andoy.
Days had passed. Nililigawan na ako ni Andoy, ghad ganito pala magmahal. I mean, yung totoo, yung sigurado ka sa nararamdaman mo. Dinala ko ang binake kong cake sa kwarto ni Ferlyn. yes, peace offering ito.
Kinatok ko ng dalawang beses bago niya binuksan ang pinto. She stared at me blankly
"Uh.. Nag-aaral ako magbake. Gusto mo bang tikman?"
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017