Chapter 37
'Cousin's Talk'Hindi ko alam kung bakit maaga akong nagising. Napatawa na lang ako sa itsura ng mga kaibigan ko. Inabot ko ang cellphone ko at pinicturan sila. We are all mess. Dito na kami lahat nakatulog sa sala. Napailing na lang ako
pagtayo ko saktong may kumatok sa pintuan. Huh? 5:00 AM? sino namang bisita namin ng ganun kaaga? Mabilis kong tinungo ang pintuan dahil baka si mama yun or magulang nila pero hindi pala.
"What? expecting someone?" Mataray niyang sinabi. Umiling ako at ngumiti.
"Pasok ka" pumasok siya at natawa din sa pwesto ng mga kaibigan ko na hindi mo malaman kung mga tulog ba talaga o naggymnastic sa pwesto nila
"I think I'll sit na lang sa dining area" tumango ako at nagpunta na kami doon.
"Gusto mo ba ng kape? Juice--?"
"I'm perfectly fine. I just want to talk to you" seryoso siyang tumingin sakin. Her eyes are sad same as mine and also for the same goddamn reason.
"What is it?"
"Take a bath na lang muna" aniya at tinignan ako. Oh right. I look like a mess. Ito pa yung suot ko sa party kagabi.
"Yabang mo ah porke naligo ka na" Sabi ko sakanya. Tumawa na lang siya. Ni-ready ko na ang tuwalya ko at naligo ng mabilis. Nagbihis na din ako kagad at umalis ako ng mapayapa sa apartment habang tulog na tulog pa ang mga kaibigan ko
Pumunta kami sa isang coffee shop. Naamoy ko agad ang bango ng coffee pagpasok
"Libre mo ko. Dinaladala mo ko dito eh" sabi ko
"Okay. " simple niyang sinabi. Nag-order na din siya.
Habang nag-aantay nakatingin lang siya ng maigi sakin. Hindi siya nagsasalita pero grabe siya makatingin
"Ano nanaman bang problema mo?" hindi ko na naiwasang itanong
"I'm going to handle my father's company"
tumango ako
"Cool, bagay sayo. Matapang na maarteng CEO" Asar ko. Hinampas niya ako ng bag
"Damn you!" Natawa na lang ako dahil ang pikon niya talaga
"Kamusta nga pala si Paul?" si Paul ang nakababatang kapatid ni Cheska. Yeah i'm talking to Cheska. Wala namang bago eh dalawang taon na nang malaman ko na pinsan ko pala siya. Nakakatawa hindi ba? kaya pala hindi kami parehas ng apelyido ay dahil hindi kinasal ang mama at papa niya. Sa mama niya ang gamit na apelyido but nasa puder siya ng tatay niya kasama ang kapatid niya. Grabe nga eh of all people si Cheska pa. I've met my other relatives from my father side pero yung mismo kong tatay hindi ko na nameet. Matagal na pala siyang umakyat. Nung nalaman namin yun parehas kaming nilamon ni Mama ng kalungkutan. All this time, akala ko iniwan niya lang ako at nagpapakasarap sa buhay pero hindi pala. Naaksidente siya nung mga panahong highschool palang yata ako. Na- comatose hanggang sa ayun. Wala din. Kinuha na siya. Hanggang ngayon naiiyak pa din ako kapag naiisip ko na kawawa naman ang tatay ko ni hindi manlang siya nayakap ng kaisa-isa niyang anak nung mga panahong kailangan na kailangan niya ng rason para mabuhay. All this time, Hindi ko pa din maiwasan na makaramdam ng pagsisisi. Sana hinanap ko siya. Sana may mga alaala akong hawak ngayon pero wala eh. Alam ko binabantayan niya ako at para saan pa't magkikita din kami pero hindi pa ngayon! ayoko pa noh! and for Cheska, Masasabi kong naging close kami pero syempre nature na namin ang tarayan at asaran yun na yung definition ng closeness namin
dumating ang inorder namin. Some chitchats bago napunta sa ibang topic ang usapan
"What are your plans ngayong graduate ka na?"
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017