Chapter 19
'First Day'
"Katrina Salvador. 18. " Simpleng pakilala ko sa unahan at umupo na ako. Hays! sa tagal ko ng nag-aaral hindi ko talaga nagustuhan ang introduce yourself na yan!
lumingon ako kay Leo na nakatingin din saakin. Ngumiti naman ako sakanyaNagring ang bell at natapos ang huling introduce yourself na iyan.
"Tara kumain?" yaya sakin ni Leo, tumango ako sakanya at sabay kaming lumabas ng school
"Tinawagan ko si Jasmin, susunod daw siya." I said tapos umupo na ako. Umalis naman si Leo para um-order.
Nang dumating ang pagkain namin tahimik kaming kumain dalawa
"the silence is killing me" Leo
"HI GUYS!!" Jasmin
umupo sa tabi ko si Jasmin
"May good news ako!"
"Ano naman?" tanong ko. She looks happy.
"May trabaho na ako!" Niyakap ko naman siya agad
"Wow congrats! First ever job mo yan!" Sabi ko naman
Umiling si Leo habang umiinom ng coke float
"I have some good news too actually" ani nito. Huh? kanina pa kami nandito tapos ngayon niya lang sasabihin yung good news?
"Pinapag try out ako sa basketball team nung coach."
"Wow naman Leo yung coach talaga lumapit sayo ha! Congrats!" sabi ko
"Thanks. Nagkataon na kakilala ni kuya yung coach, He already watched us play many times." Tumango naman ako. Nakakainggit naman, sila may good news ako wala.. Hays
"Ikaw Trina?"
"Uhmm, nag-apply ako ng trabaho sa Jollibee malapit sa apartment natin pero tatawagan na lang daw ako."
"Baka tinetesting na nila ang loyalty mo. Hindi ka matatanggap kung nandito ka sa Mcdo! hahahaha" Asar ni Leo at nag-apir sila ni Jasmin. Napatawa din naman ako dun
Since may trabaho nga si Jasmin nagbihis lang siya at dumiretso na sa work niya. Si Leo, nagtatry out na agad. Mga 1 month from now kasi start na agad ng training nila. May pangalan kasi ang Blue Rose sa larangan ng basketball at pakikipaglaban sa iba't ibang school kaya hindi sila pwedeng magpa-disappoint sa mga nanonood.
Sila Michaela naman mamaya pa siguro. Iba naman ang school nila eh. Kaya eto ako ngayon, home alone at titig na titig sa cellphone ko
Sana naman tumawag na si Jollibee. I mean, yung nagha-hire ng tao sakanila.
Natulog na lang ako, alas kuwatro na ng hapon nung magising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko
Ano ba namang buhay to hindi naman ako nag-alarm ah?
Kinuha ko ito sa gilid ng aking kama.
Holy Shit. Mabilis pa sa alas kuwatrong sinagot ko ang tawag
"Hello po?"
"Kakagising mo lang?" Kumunot ang noo ko ng pamilyar ang boses nito
"Uhh hindi naman po sir"
"Good. Be here at 4:30 pm."
Naputol ang tawag at nagmadali ako sa paghahanap ng damit. Nak ng tokwa naman
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Roman d'amourminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017