Chapter 14 'Haggard'

120 3 1
                                    

Chapter 14

'Haggard'

Umagang-umaga isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ko dahil sa sakit ng ulo ko

Ganun ba talaga ako kalasing kagabi? May natatandaan pa naman ako kahit papaano.
Yung nangyari sa CR...

dahan-dahan akong bumangon sa kama. Hindi ko dapat sinabi yun

Nang bumangon si Jasmin at Michaela sumabay na ako sakanilang lumabas ng kwarto. Naghilamos at Bumaba kami. naabutan namin ang mga lalaking naghahanda ng breakfast. Wow, mukhang baliktad ang scenario namin ngayon

"Goodmorning! Kain na" Yaya ni Chris samin habang kumakain ng tinapay na nilagyan niya ng palaman

Nagtama ang paningin namin ni Andoy na naka-apron habang nilalapag sa mesa ang bacon. Agang-aga naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Sinong nagbigay sakanya ng karapatan na mag-apron habang naka-topless? I mean.. Nakita ko na siya noon na topless pero iba kasi ngayon eh.. uhm.. Gumanda na ang katawan niya.. may.. may abs..

"Trina? Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Michaela

tiningnan ako ni Jasmin tapos kay Andoy tapos bumalik ulit sakin

"Bakit namumula ka? Don't tell me lasing ka pa?" Ngisi ni Kel at inabutan ako ng kape

"Thanks." sabi ko na lang

Natapos ang agahan, medyo late na nagising si Cheska at Ferlyn kaya naiwan sila sa dining habang kami nakapila na sa CR para maligo. Dalawang CR ang meron dito sa bahay nila Ferlyn at pumayag naman siya na parehas namin gamitin yon
"Kel! Ang tagal mo naman yata? Kung ano man yang ginagawa mo mamayang gabi mo na ituloy yan" Tumawa si Leo habang kinakatok ang pintuan. Tapos na maligo si Chris at Jasmin habang si Michaela, naliligo na sakabilang CR

Lumabas si Kel at binatukan si Leo

"gago ka. Hindi ka na nahiya nandito si Trina oh"

ngumiti sakin si Leo

"Gusto mo ikaw muna?" tanong niya habang tinuturo ang CR. Sakto namang tanaw ko dito sa taas na pinuntahan na ni Michaela sina Ferlyn at Cheska sa dining. Obviously, tapos na siyang maligo

"Ikaw na. Sa kabila na ako" Tumango siya saakin at bumaba na ako

Bumangga sa balikat ko si Andoy na bagong ligo habang nagce-cellphone. Hindi pa rin ako makatingin sakanya. amoy ko ang pabango niya na gusto ko na lang singhutin forever

"Sorry." tipid kong sinabi at tatakbo na nagpunta sa cr

Natapos kaming maligo lahat, nagre-ready na kaming umalis. Pwera kay Ferlyn na hindi na aalis dahil dito naman ang bahay niya at tinatamad daw siyang gumala.

Habang kinukuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pants nakita ko ang titig na titig na si Jasmin saakin. Kanina pa to ah

"Problem?" tanong ko

umiling siya at tinalikuran ako

Lumabas na lang ako ng bahay para doon mag-intay sa mga lalaking maglalabas ng sasakyan. Kay Leo na lang ako sasabay.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Nakita ko sa tabi ko si Andoy. Pinasadahan kong sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay dahil sa kaba. Anong sasabihin ko? Kailangan ko bang magsalita pagkatapos kong sabihin sakanya na hindi ko siya kailangan?

Nilahad niya ang isang gamot sa harapan ko at isang baso ng tubig

tinanggap ko iyon at wala namang sabi-sabi na tinalikuran niya ako

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon