Chapter 8
'I'm looking at you'
Walang tao sa bahay nila at hindi ko maiwasan ang malungkot. Dati kasi ang sigla ng bahay na to kahit siya at mama niya lang ang nakatira. Mukhang wala din si Tita ngayon sa bahay dahil nakasarado ito
lumapit ako sa bahay nila at nagpunta sa likuran nito, Nakita ko ang bike ni Andoy.
May nakasulat na Anthony sa bakal ng bike niya. Ako ang nag-ukit nun dati
umupo ako sa damuhan at sumandal sa puno roon. Dito kami madalas na nagpupunta ni Andoy at dito rin kami madalas tumingin sa mga bituin sa langit at ang buwan..
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako at madilim na ang paligid. Alas-sais na!
tumayo ako sa pagkakaupo at tumingin sa paligid. Ako lang ba o nararamdaman kong may tao pa dito bukod saakin? Hindi naman sa tinatakot ko ang sarili ko ha! pero paano kung.. paano kung.. may multo?! waaaaaaa anong itsura nila? Mukha ba talaga silang crinkles in real life? yun kasi napapanood ko sa mga horror movies
"Tupa ng ina!" Hiyaw ko nang magring ang cellphone ko.
Si Andoy?
"Hello? miss mo na ko?" bungad ko
"Mangangamusta lang haha nasan ka?"
"Sa likod ng bahay niyo."
"Gawa mo diyan?"
"Inaantay ko yung buwan" tumingala ako sa langit. ngumiti ako nang makita ko ito
"May buwan na ah" Sabi niya naman. mukhang nakatingin kami parehas sa langit
"Naalala kita. Pag nakatingin ako sa buwan pakiramdam ko nakatingin ka din saakin" May halong lungkot na sinabi ko
"It was literally happening right now Trina. I'm looking at you."
lumakas ang tibok ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan, ibinaba ko ang cellphone mula sa tenga ko at tumingin sa paligid,
"Nasaan ka?" salita ko ulit sa linya
pero wala na. pinutol na niya ang tawagNakatanggap agad ako ng text
Andoy:
go home. take my bike.
ngumiti ako at sinakyan na nga ang bike niya pauwi saamin. Imposible naman na nandito siya. Nasa Maynila siya at nag-aaral, tinutupad ang pangarap niya. Una palang ayaw ko na siyang umalis pero kaibigan ko si Andoy sino ba namang kaibigan ang ayaw na maging successful ang bestfriend nila? pero sana lang hindi na siya umalis dahil kung ako tatanungin gusto kong maging successful kasama siya. Dahil nangarap kami ng sabay noong mga bata pa kami pero hindi na kami bata ngayon, Balang araw magkakaroon kami ng asawa at pamilya, hindi na siguro kami magiging ganun ka-close.
Bigla kong naipreno ang bisikleta nang maisip ko iyonBakit ang sakit naman nun isipin? Ang hirap siguro nun. Ayaw ko. Ayaw kong dumating ang panahon na hindi na kami close.
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romansaminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017