Chapter 11
'It hurts'
"Trina! Sama ka mamaya ha?" Tumango ako at kumaway na sakanila. Pupunta ako ng bahay nina Ferlyn mamaya. Nag-iinvite kasi siya ng overnight sa bahay nila. Tutal, tapos naman na ang finals namin kaya magce-celebrate kami kahit hindi sure kung pasado. Sumakay na ako ng jeep para umuwi muna at kumuha ng damit. Nang makababa na ay nilakad ko na ang daan papunta sa bahay namin
"Excuse me po!" Mabilis akong tumabi sa daan, Lumakas ang hangin nang dumaan ang batang sakay sa bisikleta at mabilis na nagpapatakbo
Kahit mabilis ang kanyang patakbo hindi nakaligtas sa mata ko ang pangalang 'Anthony' na nakaukit sa bike na yon. Pinsan niya yon, Lumipat kasi sa bahay nila ang tita niya kasama ang anak nito para may kasama ang mama niya.
Umiling ako at nagbilang sa mga daliri ko
"1 year and 2 weeks." sabi ko sa sarili at bumuntong hininga, 1 year and 2 weeks nang huli kaming nagkausap. Hindi ko na din nababalitaan kung umuuwi ba siya dito at kung nababalitaan ko naman, Paalis na siya o kaya naman nakaalis na. Umiiwas siya. Syempre, Nasasaktan pa din ako kapag naiisip ko yun. Na dati, Kinukulit niya ako kapag ayaw ko siyang kausap ngayon, siya na mismo ang umiiwas. Nakakamiss. Yung mga kulitan, tawanan, saya, lungkot, tampuhan, at damayan. kung alam ko lang na darating ang araw na hindi ko na sigurado kung mangyayari pa ulit yon edi sana pinahalagahan ko na ang bawat segundo na magkasama kami. Sana hindi ko na siya inaway tungkol sa maliliit na bagay. Sana... hindi niya na lang ako nagustuhan para hindi kami ganito.
"Trina!" Lumingon ako sa tumawag saakin
"Oh bakit Konching?"
"Pinapasabi nga pala ng nanay mo na hindi siya makakauwi ngayon dahil sa dami ng trabaho at kung matutuloy ka daw sa overnight niyo, Wag ka daw malikot matulog at nakakahiya sa mga kaibigan mo" Napatawa si Konching at ako naman ay nahiya. Grabe naman si Mama! pwede namang itext niya na lang saakin yon eh!
Kahit na nahihiya ay nagpasalamat ako kay Konching at umalis na
Alas-siete na ng gabi at papunta na ako sa bahay nila Ferlyn. Habang naglalakad papunta sa sakayan
"Hay sa wakas nandito na kayo! Traffic ba parang ginabi kayo ah?" Boses yun ng nanay ni Andoy. Nasa gilid pala ako ng bahay nila, nakita kong bumaba sa kotse ang isang lalaki at babae. Magkahawak ang kamay. Nagtago ako sa poste sa takot na mapansin nila ako dahil ang lalaking yun ay si Andoy kasama siguro ang girlfriend niya.
Tumangkad si Andoy at mas lalo pang gumaganda ang built ng katawan niyaWow. May girlfriend na pala siya so naka-move na siya? Does it mean pwede na ulit kaming maging magkaibigan? Ganun lang ba yun kadali? Masaya silang binati ng mama niya, tita at yung bata niyang pinsan.
Nakaramdam ako ng kirot, Siguro kung okay kami tumakbo na ako sa kanya para yumakap, mangamusta at kaibiganin ang girlfriend niya pero hindi. Nagtago lang ako sa poste. Bumuntong hininga ako at itinuloy na lang ang paglalakad kahit na madadaanan ko ang tapat ng bahay nila. Hindi ako tumingin. Diretso lang Trina. Diretso lang kahit nakatayo si Andoy sa tapat ng bahay nila.Tila may sariling isip ang mga mata ko at tinignan ko pa din ang bahay nila. I saw him. I saw him standing there. Dati, kayang kaya ko siyang biruin, asarin, yakapin, sapakin. ngayon hindi ko manlang siya malapitan. Sino ba ang naglagay ng pader sa pagitan naming dalawa? Ang sakit mawalan ng kaibigan na pag nakita mo siya maiiyak ka na lang dahil yung mga pinagsamahan niyo noon ay isang alaala na lang. Yumuko ako nang maramdaman ko ang luha ko
I badly want to hug him and I miss him so much it hurts. Damn it.
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017