Chapter 10
'Part of me'
"Trina? Sasama ka ba?" kunot ang noo ni Mama nang nilingon ko siya. Actually, hindi ko alam kung sasama ba ako bukas sa paghatid. Damn, Did i really heard it right? Nagsimula na kaming kumain ng hapunan nang matapos ay niligpit at hinugasan ko na ang pinag-kainan namin tsaka ako nagpunta sa kwarto ko. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto nang tinawag ako ni Mama
"Mukha kang wala sa sarili."
"Pagod lang po siguro"
"Masama ba ang pakiramdam mo? Ayaw mo bang sumama bukas sa paghatid?" Lumunok ako. Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Ngumiti na lang ako kay mama
"Matutulog na po ako." Sabi ko na lang, tumango naman siya kahit halata sa mukha ang pag-aalala
Nang makahiga ako sa kama. naalala ko kaagad ang nangyari kanina
"Yes Trina, May gusto ako sayo" Pumikit ako ng mariin. Seryoso ba siya? At ang nakakainis pa, lumalakas ang tibok ng puso ko sa di malamang kadahilanan. Iniba ko ang pwesto ng aking higa. Tatanungin ko siya kung seryoso ba talaga yun at pag nalaman kong pinagtitripan lang ako malilintikan siya saakin!
akala ko makakatulog na ako pero nakita ko na lang sa orasan na alas dos na ng umaga
WHAT.THE.HELL! kailangan ko ng matulog sasama ako bukas sa paghatid kay Andoy. Bakit ba hindi ako makatulog? Inaantok naman na ako kanina hays.
"Oo. May gusto ako sayo." Omygod. Stop.
"I miss you every damn time and i think it's bad. "
"Say something Trina. Sabihin mong namimiss mo din ako," ginulo ko ang buhok ko. Ayoko na!!
kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng lamp at dire-diretso akong pumunta sa number ni Andoy, isang pindot na lang matatawagan ko na siya. Ano bang ginagawa ko? Bakit ko siya tatawagan? Waaaaaahhhhhh ano baaaa!!
may isang parte saakin na nagsasabi na tawagan ko na may isa namang wag na muna dahil kung totoo ang sinabi niya dapat siya ang unang kocontact saakin pero napindot ko yung call. De joke, pinindot ko talaga.
Kabado ako nang hindi niya sinasagot ang tawag malamang magaalastres na ng madaling araw at aalis siya bukas ng maaga kaya paniguradong tulog na yun. Nakahinga ako ng malalim buti na lang dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kung sakaling sagutin niya ang tawag kaya lang bago ko pa maibaba ang tawag nasagot na ito.
"H-hello?" Nauutal kong sinabi
"Hello? Sino to?"
tinignan ko muli ang number at sure naman akong si Andoy itong natawagan ko eh bakit babae ang sumagot?"I'm Trina. who's this?"
"Yeah, I saw your contact name here sa phone ni Anthony" Tumaas ang kilay ko
"Who's. this.?" mariin kong sinabi
"I'm Cheska."
"Sinong Cheska?"
"Eh sino kang Trina ka?" Aba't! halos suntukin ko ang screen ng cellphone ko. sino ba to? Nabakla na ba si Andoy?
"Give me the phone" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko siya
"Hello?" Si Andoy na ang nagsasalita
"T-tungkol dun sa sinabi mo kanina-"
"If you're bothered about that, We'll talk next time kapag nakauwi na ako ulit."
"Nakauwi na ulit?"
"Nasa Manila na ako." natigilan ako, agad? umalis na siya agad? Gaano ba katagal ang bukas at hindi siya nakapag-antay na makauwi? Dahil ba dun sa Cheska? Bumaba ang tingin ko sa aking kumot.
"Why?" wala sa sarili kong nasabi. Unti-unti ay nakarinig ako ng iba't ibang boses sa kabilang linya. Mukhang dumami ang tao at nakarinig na din ako ng malakas na tugtugan na halos hindi ko na maintindihan ang kanta
"Anong why?" Aniya
"Bakit mo sinabi saakin ang bagay na yun? Did you really mean it? Totoo ba yun Andoy?" Hindi siya nagsalita at ang narinig ko na lang ay mga ingay.
"It was true." napahilamos ko sa aking mukha ang isa kong kamay
"Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw mo saamin ni Francis una palang?"
"Oo. dahil nagseselos ako. Dahil mahal kita ng higit pa sa kaibigan."
kusang pumatak ang luhang hindi ko alam kung saan nanggaling. Bakit hindi ko nahalata? Akala ko bestfriend lang kami. I hurt him. I hurt him.
"W-why me?"
narinig ko ang buntong hininga niya.
"Alam ko. Dapat hindi ko na lang sinabi diba Trina? Dapat hindi na lang dahil masisira ang pagkakaibigan natin pero what can i do? Hindi ko na napigilan because i want you to know! Sinugal ko ang pagkakaibigan natin kahit alam kong wala kang nararamdaman saakin. "
Ramdam ko ang sakit at frustration sa boses niya na lalo lang nagpapaiyak saakin.
"Pero umaasa ako Trina? Alam mo ba yon? Umaasa ako! That's why i will ask you this."
Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone
"Do you feel the same way?" Pumikit ako nang marinig ko iyon at nalaglag ang luha ko. Bakit kailangan niyang itanong yun? I hurt him before and now... I will hurt him again.. because i don't feel the same way.
"I don't. I'm sorry." Umiyak na ako ng tuluyan.
Natahimik ng ilang segundo ang linya at nang magsalita ulit siya ay nanginginig ng konti ang kanyang boses
"Why are you crying? Trina, kung naaawa ka saakin. Huwag. Kasi, I will.. I will move on. I'm sorry too, Kung ako ang sumira sa pagkakaibigan natin and I feel like an asshole kasi sinasabi ko ang lahat ng ito sa tawag I want to talk to you but I can't. I don't know how to look at you anymore as a bestfriend. Sorry if i wanted more. Sorry kasi hindi ko pinigilan ang nararamdaman ko kasi ginusto ko na mahalin ka"
"I will try hard to move on para makabalik ako sayo. para makabalik ako sa pagkakaibigan na binuo nating dalawa sa mahabang panahon. "
Ang sakit dahil nasasaktan ko siya at wala akong magawa. Ang sakit dahil ang ibig-sabihin ng lahat ng ito ay hindi na kami magkaibigan. Natapos ng ganun lang ang lahat lahat sa pagkakaibigan namin at ang sakit sakit malaman na sinaktan ko ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
"Pasensya na kung minahal kita ng higit sa inakala mo" pagkatapos ng mga katagang yun ay pinatay na niya ang tawag. Niyakap ko ang aking unan at walang tigil ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay may nawalang bahagi saakin at alam kong si Andoy yun. He's a part of me. He's always been a part of me. Always...
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romantikminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017