Chapter 34 'Mistake'

93 2 0
                                    


Chapter 34
'Mistake'

hindi ko masasabi na balik na kami sa normal ni Andoy pero hindi kagaya last week, Nag-uusap na kami ng konti. Lagi na din akong busy kaya kung dati araw-araw ako nakakapunta sa hospital ngayon, 2 or 3 days a week na lang

sabi ni Mama babalik na daw siya ng Batangas next week dahil nandun ang trabaho niya.

habang naglalakad pauwi ng apartment iniisip ko kung pupunta ako ngayon ng hospital. 9:00 na kasi ng gabi baka nagpapahinga na si Andoy at Tita.

"Trina?" Inangat ko ang tingin ko. I smiled.

"Leo ikaw pala"

"Ayos ka lang? You look tired"

"Hmm.. medyo. Busy na kasi sa school eh"

nilingon ko ang gitarang nakasukbit sa likod niya

"Galing kang jam?" Tanong ko.

"Yup. Dapat sumama ka sakin para may maayos na vocalist kami haha"

"Hoy grabe hindi nga ako marunong kumanta" That's true. Kahit gustong gusto ko ang makinig ng music. I can't sing. Well it's not that i can't sing, i can pero hindi maganda sa pandinig

Nang malapit na kami sa apartment bigla niya akong hinila. Maybe i'm too tired to even shout and fight with him

malamig ang hangin ngayong gabi. Nakangiti akong pumikit at dinama yon. I felt the peace i never feel these past few weeks.

Nakaupo kami sa isang bench at isang poste ang nasa harap namin ngayon.

Nilabas ni Leo ang gitara niya at nagsimulang magstrum

"Gravity is working against me.. and gravity wants to bring me down...oh, I'll never known what makes this man with all the love that his heart can stand...dream of ways to throw it all away

Sumandal ako sa balikat ni Leo. I closed my eyes.

"Leo?"

"Hmm?" aniya sa gitna ng pagkanta

"Wala lang." I miss him. I miss Andoy. God, hanggang kailam ko ba ito mararamdaman? Hindi ba dapat mas matatag kami ngayon dahil sa kalagayan ng mama niya pero bakit ganito? Why? Hindi manlang kami nag-uusap ng maayos

"Are you happy with him?" Nagulat ako sa tanong ni Leo kaya hindi ako agad nakasagot and i hate myself for thinking twice to answer yes

"Oo naman. I'm just..."

"Pero yung nararamdaman mo ngayon. Masaya ka ba?" nagtagpo ang mga mata namin ni Leo

I feel a lump in my throat.

"Hindi ko na alam." Mabilis niya akong niyakap.

"Pero mahal ko pa din si Andoy. Mahal na mahal. "

niyakap ko din siya pabalik at pumikit

"I love him so much.. I don't know what to do"

"Gusto ko siyang tulungan. I want to be there for him but he won't let me. Pakiramdam ko tinutulak niya ako palayo. I want to be with him. I don't care if it's good or bad. I want to be with him but his pride is eating his whole fucking system."

Leo chuckled, "Bakit ba kasi hindi ako ang minahal mo" I don't know how to react. Umalis siya sa pagkakayakap at tumingin sakin. Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.

He kissed me. bago ko pa siya maitulak ay siya na ang naglayo sa sarili niya.

Tumungo ako. This is wrong. So wrong. Tumayo ako sa pagkakaupo at walang imik na tumakbo. Oh Damn it Trina! What are you doing?!

[-]

"Trina Ano bang pwedeng ipasalubong kay tita na pwede niyang kainin?" tanong ni Ferlyn habang nagtitingin ng mga prutas.

"Prutas na lang ulit mas makakatulong sakanya yan. Uhh favorite niya yung apple kaya damihan mo na lang" tumango naman siya at kinausap na yung tindero. Kumapit sakin si Jasmin

"Okay ka lang girl?"

"Guys nasa gilid lang nakapark yung sasakyan" sabi ni Kel mula sa di kalayuan na kasama si Leo at Chris. Tumango si Jasmin. Nakayuko lang ako. Pakiramdam ko wala akong karapatan na magpunta ng hospital at magpakita kay Andoy. Wala din akong mukhang maiharap kay Leo

I hate myself.

Saglit lang naman ang byahe papuntang hospital kaya hindi ako masyadong nagdusa sa loob ng sasakyan.

Pagdating namin doon lumapit agad kami kay Tita. She smiled at me. Lumapit naman ako at hinalikan siya sa noo. I flinched nang wala ng available na upuan kung hindi sa tabi ni Leo. Imbes na umupo ay tumayo na lang ako. Teka nasan nga ba si Andoy?

"Tita Gumaganda kayo lalo ah. May ka-lablayp ba kayo dito sa hospital?" Chris

binato siya ng ubas ni Michaela

"Nako Tita wag niyo ng pansinin tong si Chris puro lablayp ang nasa isip."

"Haha hindi ako gumaganda sadyang ganito na talaga itsura ko dati pa" tumawa kaming lahat dahil sa pakikipagkulitan din ni Tita

"Kailan po ba kayo lalabas? We can't wait to hang out with the coolest mother i've ever met. well, next to my mom" ani ni Leo

ngumiti si Tita

"Malapit na ko lumabas. " ngumiti ako sa pagiging positive niya. Hindi katulad ng ibang cancer patient na wala ng pag-asa, iba si Tita. Alam niyang gagaling siya.

inabot ni Ferlyn ang binalatan niyang mansanas kay Tita at nagsimula ulit ang masayang kwentuhan.

Lumapit ako sa dispenser para kumuha ng tubig nang hawakan ni Leo ang kamay ko

"We need to talk."

tatanggi sana ako pero hinigit na niya ako palabas ng kwarto. Huminga ako ng malalim

"Wala tayong dapat na pag-usapan Leo. Let's just forget what was happened." prente kong sinabi

"Well, I can't forget Trina. Hear me? I can't forget you" seryoso ang mukha niya. Hindi pa din pala natuldukan ang feelings sakin ni Leo. I have to hurt him again and again at ipamukha na si Andoy talaga ang mahal ko. I don't want to hurt him but that's the only thing i can do

"Then try again Leo! What we did is a mistake. Isang pagkakamali. It doesn't change the fact na si Andoy ang mahal ko"

"But that night. Kung hindi mo talaga gusto iyon dapat tinulak mo ko. Dapat nagalit ka sakin pero hindi mo ginawa kasi ginusto mo iyon!" Pinigilan ko ang sarili kong sampalin siya

"Hindi ko ginusto iyon!  gago ka ba?"

"Anong nangyayari dito?" my body froze nang tignan ko ang nagmamay-ari ng boses na yun. Hindi ako agad nakapagsalita. Nag flash sa utak ko ang imahe naming dalawa ni Leo habang magkadikit ang mga labi

"Bestfriend fight" Ani ni Leo

tinignan siya ni Andoy bago nilipat ang tingin sakin. Hinatak niya ako palapit sakanya

"Well, I'm gonna take my girl. You can fight with yourself then," Hinila ako ni Andoy sa isang kainan sa loob ng hospital

I don't know what say. I'm guilty. So guilty.

"I'm running out of money" napatingin ako sakanya nang sabihin niya iyon

"Mahigit dalawang buwan ng naka-confine si Mama. Malapit ng maubos ang perang nakuha ko sa pagbenta ng condo at ng kotse."

Is he opening up? Hihingin niya na ba ang tulong ko?

Magsasalita sana ako nang walang emosyon niya akong tinignan

"But, I still don't ask for your help. Focus on yourself and study hard" Lumapit siya sakin at hinalikan ang noo ko

"I love you Trina" Bulong niya. Pumikit ako ng mariin.

Damn. May kasalanan ako sayo Andoy.

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon