Chapter 13 'Drunk'

118 3 0
                                    

Chapter 13

'Drunk'

"Inom lang ako ng tubig" paalam ko sakanila at nagtungo sa kusina.

dahil medyo hilo hilo na ako kumapit ako sa bar counter. Naririnig kong umiingay na sila, They are getting along well.

Nakahawak ako sa noo ko dahil hindi ko kayang kumuha ng tubig sa ref

Umangat ang tingin ko nang may naglapag ng isang basong tubig sa harapan ko

Bakit nandito siya? Kaya nga ako umalis doon kasi hindi ko kayang nakikita siya tapos ngayon susunod siya dito?

"Hindi ko alam na umiinom ka na pala" Umirap ako. Hindi mo alam? Of course! Hindi mo talaga malalaman kasi isang taon mo akong iniwasan kaya wala kang alam!

"CR lang." paalam ko pero bago pa ako makaalis hinawakan niya ako sa kamay. Oo, hindi sa braso, hindi sa pulso, sa kamay. naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Bakit kailangan niya akong hawakan?

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya saakin. Tinignan niya yun habang nakabukas ng konti ang kanyang bibig

"Sorry. Kakamustahin lang sana kita" Aniya at nilagay ang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon

"After 1 year ngayon mo lang naisipang mangamusta? Well, I'm fine. I'm very fine." Mariin kong sinabi

"Good to hear" tumango siya at naglakad na pabalik sakanila

I can feel my tears. Fucking shit. Hindi naman ako iyakin pero umiyak na lang ako ng umiyak simula ng nangyari saamin ni Andoy

kakalabas ko lang ng CR nang makatanggap ako ng text kay Ferlyn

Ferlyn:

Naghihinala na kami dito. Siya ba yung kinukwento mong ex bestfriend mo?

Tinago ko ang cellphone ko at bumalik sa sala. Tinanguan ko si Ferlyn na agad niya namang nakuha na iyon ang sagot ko

"So, gaano na kayo katagal ng pinsan ko?" tumingin si Ferlyn kay Andoy

"2 weeks."

"2 weeks?!" Gulat na tanong nila Jas at Michaela

"2 weeks palang kayo pero sinama niyo na siya sa bahay niyo?" Ani ni Michaela na papikit pikit na

"Because he's serious about me" proud na sabi nung Cheska

umirap ako at ininom ang emperador na nakita ko sa gilid ko. Napatingin sakin si Andoy, tinaasan ko siya ng kilay anong tinitingin tingin neto

"Serious talaga? Malay mo sinabay ka lang kasi dito ka tutuloy kina Ferlyn" bulong ko. Tumawa naman si Chris at Leo na nakarinig sakin

Uminom lang ako ng uminom habang nagkkwentuhan sila

Hanggang sa nag-alas dos na ng madaling araw at buhay pa ang mga katawang lupa ng mga lalaking to. Lumabas muna sina Chris, Kel, at Leo para manigarilyo. Kaming mga babae isang pitik na lang tulog na maliban kay Jasmin na buhay pa ang diwa kasi hindi masyadong uminom. Inalalayan ni Andoy si Cheska papunta sa kwarto kahit na inaantok lang yun at hindi lasing habang ako naman si Jasmin ang nag-aalalay saakin

"Kaya mo pa ba?" Bulong sakin ni Jasmin habang inaalalayan ako

"Oo" sabi ko at hinawi ang kamay niya dahil naiihi ako

"CR lang" Paalam ko kahit pagewang-gewang na lakad ko. Umiikot ang lahat sa paningin ko walang katapusan na ikot.

Hihihi Sarah G. pala to. Ikot-ikot lang ikot-ikot-ikot lang! Hhihihi

"Aw!" hawak ko sa noo ko nang maumpog ako sa pinto ng CR. Bakit kasi kailangan may pinto ang lintk na CR na to

nang makapasok na ako sa loob ng CR nagulat ako ng pumasok din si Andoy

"Bastosh ka ah! ji-jingle ako eh! Labash!" tinakpan niya ang bunganga ko infairness ha mabango. Buti malaki tong cr nila Ferlyn. Nagsasayaw siguro yun habang naliligo

"You look wasted." Sabi ni Andoy na panget

"Wasted? Wasted who?" Kumunot ang noo niya

"You."

aniya at hinila ako sa may sink. Binuhusan niya ang mukha ko ng tubig galing sa gripo

"Ang bastos mo talaga!"

pinitik niya ang noo ko

"Wag ka ngang maingay baka kung ano ang isipin nilang ginagawa ko dito sayo sa loob" aniya at pinunasan ang mukha ko ng towel

medyo hindi na ganun kalakas ang ikot ikot ng paligid ko pero ang init. sobrang init.

tinanggal ko ang butones ng aking long sleeves

"What are you doing?"

"Hihihi so hot. Gosh i'm so hot"

Hinawakan ni Andoy ang kamay ko

"Stop it Trina. This is so not you."

"Not me? This is me! " Tinanggal ko ang mga natitirang butones ng sleeves ko. Biglang pinatay ng bwisit na Andoy ang ilaw ng CR

"Yan ba talaga gusto mo? Maghubad? Go ahead. " inis na sabi ni Andoy na kita kong binubuksan na ang pintuan

Naramdaman ko nanaman ang luha ko kaya napaupo ako sa sahig.

"Bakit lagi mo na lang akong iniiwan?" Iyak ko

rinig kong sinarado ulit niya ang pintuan

"Hindi ba pinapaalis mo naman talaga ako?"

"No! Even if i ask you to leave you supposed to stay. You need to stay! kahit pinagtatabuyan kita dapat hindi ka aalis!" Hindi ko alam kung anong lumalabas sa bibig ko pero hinayaan ko na lang

"That's so selfish Trina."

"Hindi! Ikaw ang selfish! Nilayuan mo ako dahil gusto mong maka-move on sakin. Paano naman ako? Ano sa tingin mo ang naramdaman ko noong lumayo ka?" Umaagos ang luha ko

Pinunasan niya ito
at tinignan ako sa mata. Si Andoy ito. Si Andoy na bestfriend ko.

"Hindi mo rin alam ang naramdaman ko noong lumayo ako"

Hinawi ko ang kamay niyang aalalay sana sakin

"Hindi na kita kailangan. Hear me? Wala na akong bestfriend. Doon ka sa Cheska mo." Sabi ko at tumayo na kahit nahihilo pa din ako. pero bago pa ako makalabas sinuot sakin ni Andoy ang hoodie niya

"Nagseselos ka lang" pahabol na sinabi niya bago niya binuksan ang pintuan para makalabas ako.

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon