Chapter 17 'Manila Day 1'

110 3 0
                                    

Chapter 17
'Manila Day 1'

"MANILA BABY!!!" sigaw ni Kel pagkalabas na pagkalabas niya sa kotse.

Lumabas na din ako at tinignan ko ang paligid. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko.

"Goodafternoon!" bati nung babaeng pagrerentahan namin ng apartment.

Malaki yung apartment at kapag malaki ang apartment malaki din ang bayad pero ang maghahati-hati sa bayarin ay ako, si Ferlyn, Michaela at Jasmin. Kami ang magkakasama at katapatan lang naman namin ang tutuluyan ng mga boys.

"Pwede ba magdala ng chix sa apartment natin?" Ngisi ni Chris kay Leo

"Sure. Hahaha" ani ni Leo. Napailing na lang ako. Boys.

"uhh mawalang-galang na pero bawal magdala ng girlfriend at boyfriend" Sabi nung babaeng may-ari ng rerentahan namin

"Ouch." Asar ko sa mga lalaki. Tumawa naman sila

"Tara na at mag-ayos ng gamit. Naka-schedule tayo ng entrance exam mamayang alas tres ng hapon." Sabi ni Ferlyn.

Umakyat na kami. Maganda ang nakuha naming lugar, hindi masikip. Hindi rin madumi, Mukha siyang bahay talaga.

Nag-ayos na kami ng gamit tapos konting pahinga lang at palit ng damit sabay-sabay na kaming sumakay sa sasakyan. Kel's car. Yeah, gusto ng dad niya eh para daw hindi na siya magcommute.

"Kinakabahan ka ba?" Asar sakin ni Leo

"Baka nga di ako pagpawisan sa exam mamaya"

"Ang yabang naman po."

"Simulan mo na magdasal para pumasa ka" sabi ko sabay tingin sa itaas na para bang kukunin na ni Lord.

"Hahahaha let's see."

"Putaena saan ba maganda? Dito? o dito?" Wala sa sariling sabi ni Chris habang titig na titig sa cellphone niya

"Ano yan?" Ferlyn

"Naghahanap na ako ng sunod na school na pageexam-an incase na hindi ako pumasa sa Blue Rose University."

"Hahaha dude. Buti sumagi sa isipan mo na hindi ka papasa" Kel

"Gagu. Seryoso to. Mahirap daw kasi talaga ang exam sa Blue Rose. Pang matatalino lang. Bawal ang bobo kaya wag ka mag-alala Kel sabay tayong mageexam sa ibang school."

Nagtawanan kaming lahat. That's true, Hindi madaling makapasa sa Blue Rose. Kinakabahan din ako pero ayos na din. Kaya ko to.

Nang makarating kami doon lahat kami namangha sa laki ng school. Hindi naman sa hindi kami nakakakakita ng malaking school pero sobrang laki ng BLUE ROSE UNIVERSITY!

Pwede bang magwheelchair na lang papasok sa loob?

Medyo madaming tao dahil enrollment pa din

"Si Cheska!" Turo ni Michaela sa pinsan ni Ferlyn. Hindi ko maipagkakaila na ang ganda ni Cheska. Naka-off shoulder siya na black tapos naka skinny jeans at vans na white. Angat na angat ang beauty niya!

Napatingin naman ako sa kamay nilang magkahawak ni Andoy.

Naka three fourths siya na black tapos black pants at top sider.

Uso ba sa Manila ang naka-black?

"Hi Guys." bati niya saamin. Ngumiti saakin si Cheska. Alam ko kung peke o hindi ang isang ngiti and i can say na totoo yung ngiti niya saakin. Nakasagutan ko pa man din siya nung huli pero hindi ko naman yun intensyon. Ngumiti ako pabalik at nag-'Hi' din

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon