Chapter 21'Injured'
"Class Dismissed." Mabilis na inayos ko ang gamit ko, ganun din ang mga kaklase ko. Lahat ng estudyante sa gymnasium ang punta. Luckily nakasalubong ko agad si Jasmin
"Takbo tayo baka maubusan tayo ng upuan!" Hinigit ko na siya at buti naman may mauupuan pa kami. Madaming tao, Freshmen, sophomores, juniors at seniors.
Excited kaming mga freshmen na makita ang paglalaro ng mga dati pang mga varsity at syempre ng mga nagtatry out. Nakapasok si Leo. Kinakabahan ako. Pano pa kaya siya? Will he be alright?
"Sinong iche-cheer mo?" Naguluhan ako sa tanong ni Jasmin. Obviously si Leo. Bago pa ako makasagot inalis niya ang tingin sakin at napunta sa court kaya napunta din ang tingin ko dun. My heart skips a beat.
Lumabas si Andoy na nakasuot ng jersey. The crowd. They are insanely cheering for him!
"Varsity siya simula Grade 11 at sa dalawang taon na paglalaro niya. Siya na ang team captain ngayong taon."
Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Jasmin, I don't know parang lalo akong.. lalo akong.. nainlove?
"P-pano mo nalaman?"
"Kaklase ko siya sa isang subject. Lagi siyang laman ng chismisan sa klase."
"So, sinong iche-cheer mo?"
tanong niya ulit.i rolled my eyes.
"I'm here for Leo."
"sure you are."
Nagsimula na ang laro. I'm here for Leo pero i always found myself looking at Andoy. Happy when they got the point. While Leo's side is struggling. I feel so horrible. Bakit? Bakit nasa side ako ni Andoy?
Malaki ang lamang ng mga dating varsity. Halatang nahihirapan ang mga nagtatry out.
"GO LEO! GO BLUE TEAM!!!" I shout.
tumaas ang kilay ni Jasmin
"Wow, Iba ang sinabi ng bibig mo kesa sa puso ha." Ani ni Jasmin
"BLUE TEAM!!! BAWI!!! HOY LEO! GALINGAN MOOOO!!!" She shouts too.
"anong problema mo?" I'm getting pissed.
"Wala naman atleast me, I'm really cheering for Leo's team. Both mind and heart. "
Huminga ako.I need to calm down.
"Ang sarap mong sabunutan." Sabi ko kay Jasmin at nanood na ulit ng laro. She just laugh.
Hindi na ulit ako nagcheer o sumigaw pagkatapos non. si Jasmin na lang ang nagchicheer. Nanonood na lang ako. I decided na wala na lang kampihan sa kanilang dalawa.
Pero i was still hoping for Leo's Team's victory. Sana manalo sila kasi wala naman ng mawawala kung matalo pa ang team ni Andoy kasi Varsity naman na silaTimeout.
Hinanap ng mata ko si Andoy, Mukhang may hinahanap siya sa crowd kasi gumagala ang mata niya habang umiinom ng tubig. Baka si Cheska.
Nagulat ako ng huminto ang tingin niya sakin. His gaze. It's intense. Nagsusumigaw ang mata niya na sinasabing 'watch me' Damn it.
Mainit ang naging palitan ng mga puntos. Nakakalamang na sina Leo pero halatang pagod na siya.
4th quarter
"Anthony for three!!! Beng!" sabi ng commentator. Humiyaw ang lahat ng makashoot siya. Nagkalamang na ulit sila ng tatlong puntos
"As expected for this year's team captain!"
Nagulat ako ng walang tigil siyang nagpaulan ng tres sa loob ng limang minuto ng fourth quarter.
Hanggang sa isang pito ng referee ang nagpatigil sa mainit na laban.
Pati yata hininga ko ay tumigil na din. Nakita ko, Nakita ko kung paano siya bumagsak.
Mabilis na lumapit sakanya ang School Nurse habang nakapikit ang mga mata niya at umiiling sa sakit.
Nadulas siya at bumagsak ang buong katawan niya. Nauna ang siko. Sumunod ang likod niya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan ang mga taong binabangon siya at magdadala sakanya sa clinic
Tinuloy ang laro dahil sa natitira pang oras. Tumakbo ako. please tell me he's alright. Please.. somebody tell me he's alright.
pagkarating ko sa clinic aligagang naabutan ko ang nurse na tumatawag ng ambulansya
Nakita kong nakahiga si Andoy habang iniinda ang sakit
Dumating ang ambulansya at sinakay siya dun
"Ano ba miss, Kita mo namang taranta kami dito tapos nasa daan ka." sabi ng nurse
"Sasama po ako sa Hospital." I felt my eyes watering..
Hindi ako pinansin nung nurse kaya hinawakan ko siya sa braso
"Sige na po please, Parang awa niyo na isama niyo na ko." Hindi ko na napigilan ang mga mata kong nagsimulang lumuha. Nag-aalala ako. Sobrang nag-aalala ako.
tumango ang nurse at mabilis na sumakay sa unahan, sa tabi ng driver.
Hinawakan ko ang kamay ni Andoy, Tumingin siya sakin habang iniinda pa din ang sakit. Sumisigaw siya pero tumigil siya ng nakita niya ako
"M-malapit na tayo sa Hospital. M-masakit ba masyado?" Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin
I saw how he weakly smiled. Nakarating kami sa ospital at sinugod siya sa Emergency Room
Sinarado ang kurtina at hindi ko na siya nakita
"Andoy.."
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Roman d'amourminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017