Chapter 36 'Congratulation Graduates!'

88 2 0
                                    

Chapter 36
'Congratulation Graduates!'

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto habang suot ang aking toga.

"Oh damn!" hiyaw ni Kel nang magsapatos siya pero nakalimutan niyang mag medyas. Lahat kami ay aligaga sa paghahanda. Ito ang bunga ng ilang taon naming paghihirap. Ngumiti ako nang tignan ko ang sarili sa aking salamin

I've become stronger and more matured these past few years. Masaya ako. Sobrang masaya ako.

Nang natapos kaming lahat sa paghahanda we congratulate each other in advance.  hindi kami parehas ng school nila Kel, Chris,
Michaela at Ferlyn pero sabay kami ng Graduation Day

"Okay! Picture!" ani ni Chris at humarap kaming lahat sa naka-timer niyang dslr. Ilang shots pa bago kami lumabas ng apartment.

Napatigil kaming lahat nang makitang umiiyak si Ferlyn

"Hoy masisira make up mo wag kang umiyak!" Bulyaw ni Michaela na siyang nag-ayos saming lahat.

"Hindi ko lang kasi ma-imagine na nakatapos at nakasurvive tayo. I don't know kung bakit umiiyak ako, maybe the emotions or the hormones" Napatawa kaming lahat sa sinabi niya. Hormones na pinagsasasabi nito

Sa huli ay nag group hug kami. nagteary eyed na din ang iba. napailing na lang ako at tumawa

We both part ways at pumunta na sa mga respected schools namin bago pa kami mahuli sa ceremony.

I hug Mom nang makita ko siya. Ganun din ang mga ermats at erpats ni Leo at Jasmin

Pumunta na kami sa kanya kanya naming upuan nang nag-uumpisa na ang program. Kinuha ko ang cellphone ko, Hinaplos ko ang screen atsaka ngumiti. Sana lang nandito ka, Sana nakikita mo ako. I'm proud of myself  at alam kong ganun ka din. I miss you Andoy...
kumunot ang noo ko nang biglang mag-appear nanaman ang isang number na roaming sa ibang bansa ang tumatawag sakin. I declined the call. That creeps me out. Kaninang umaga pa niya ako tinatawagan.

Anyway, everyone seems so happy. Sino ba namang hindi, may mga magulang na umiiyak na sa gilid.

"And now for the speech of Leo Garcia, our Magna Cum Laude" Malakas na palakpakan at hiyawan dahil sa mga kabarkada niya at syempre samin ni Jasmin

Umakyat siya sa stage at matamang tumingin saming lahat

"Actually may kodigo ako dito ng sasabihin ko pero ito hindi ko yata magagamit ito ngayon. Sayang naman" tumawa kami sa sinabi niya. Leo have become more of what he already is. I think, we all are.

"Ang totoo niyan, Hindi ko aakalain na magiging Magna Cum Laude ako. Naalala ko yung mga panahon na gusto ko na lang magsunog ng libro at mga notes pero tuwing hawak ko na ang posporo naiisip ko ang mga magulang ko," ngumiti siya at hinanap ng mga mata niya ang mama at papa niya

"Bakit nga ba ako nandito? Bakit nga ba ako nag-aaral?oh right  I'm doing this for my parents. Kaya kahit napipilitan makinig at mag-exam ginawa ko ang best ko hanggang sa isang araw namalayan ko na lang na hindi ko lang ito ginagawa para sa magulang ko kundi para na din sa sarili ko. Sa ilang taon kong nanatili sa Blue Rose madami akong natutunan. Alam kong gasgas na ang linyang iyon pero totoo, madami akong natutunan. natutunan kong masaktan, maghirap, magmahal at sumuko" tumingin siya sakin. We smiled to each other.

"madapa at bumangon ulit. Madaming tukso ang lumapit sakin," kumaway siya sa parte na madaming babae

"Hi girls" tumawa kaming muli. Kahit kailan talaga.

"Madaming masasamang gawain. alak, sigarilyo, cutting, minsan pa ay hindi na napasok, katamaran. Lahat na pero Mama, Papa hindi po ako kailanman nagdamo o nagbato" everyone laugh again

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon