Chapter 30 'His Tears'

86 2 0
                                    

Chapter 30
'His Tears'

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. It's been two days. Weekend ngayon at wala akong trabaho. I mean literal na wala akong trabaho.

Bumangon ako sa kama at hinilamos ang mukha ko. That was so immature Trina! Naiinis ako sa sarili ko, Realizing what i did the other day. Hanggang ngayon, hindi pa din kami nakakapag-usap ni Andoy kasi busy siya

I feel bad. I must be so very hard to handle. Fuck monthly period. Fuck mood swings.

sorry for the word but it's all my monthly period's fault. Naiintindihan naman siguro ng lahat ng babae na hindi madali ang magkaroon ng ganun

Buti na lang tapos na ang period ko kahapon kaya I feel normal again. Hindi na ako kumakain ng pang dalawang linggo and I don't shout anymore, I don't do tantrums, hindi na ako naiinis sa mga taong nasa paligid ko kahit ang tanging ginagawa lang naman nila ay ang huminga

Kaya I'm very sorry to Andoy. I really need to talk to him kaya naman kahit sabado at wala akong klase ngayon pumunta ako ng school para abangan siya

Nang nakita kong nagsisitayuan na ang mga kaklase niya ay lumapit ako sa pintuan

Nagulat si Andoy ng makita niya ako at agad na lumapit sakin

"What are you doing here?" Ngumuso ako ng konti

"Uhh bakit hindi ba pwede?"

"Wala akong sinabi." Ang sungit naman. Gumaganti siguro to

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng school

Lihim naman akong napangiti

sumakay kami sa kotse niya nang walang umimik

Hawak niya pa din ang kamay ko habang nagmamaneho siya

"Galit ka ba sakin?" Tanong ko sakanya

Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang hawak ang kamay ko

"Ah hindi mo ako pinapansin huh" sumandal ako sa upuan ko pero hindi pa din ako bumibitiw sa paghahawak namin ng kamay

"Sorry. Alam kong mali ako--"

"If you're doing this para makabalik sa trabaho--" agad nag-init ang ulo ko sa narinig kaya hindi ko na siya pinatapos

"Stop being a jerk! Hindi ko to ginagawa para makabalik sa trabaho. Ginagawa ko to kasi alam kong mali ako" I rolled my eyes.

I saw him smirked.

"What?" Tanong ko. Umiling siya

"I'm sorry." Tumingin siya sakin at inihinto ang sasakyan

"Ako dapat ang nagsosorry--"

"No. Ako dapat. Dapat inintindi kita at dapat binigyan kita ng time na ipaliwanag ang side mo, I'm sorry. "

Ngumiti ako. He's making me fall deeper for him

"My fault too. I'm such a bitch last time. Sorry. Di na po mauulit." I said.He smiled at me

"Papasok ka na ba sa trabaho mamayang gabi?" tanong niya

Umiling ako

"Hindi na ako magtatrabaho dun"

"Magtatry ako sa iba. Malay mo posible maulit ito. Mag-aaway nanaman tayo. How can i grow kung ang boss ko ay boyfriend ko"

He pat my head

"I'm so proud." Humalakhak siya

Lumabas kami ng kotse at doon ko lang na-realize na nandito kami sa condo niya

Kumportable akong umupo sa couch

"Kumain ka na ba?" tanong niya habang naghahanda sa kusina. Pagtingin ko sa oras, alas dos na din pala. Hindi pa ako nagla-lunch

umiling ako. Ngumiti siya at nagsimula na magluto. I'm just watching him the whole time.

"wag ka masyado ma-inlove sakin" Aniya

"Kapal mo naman. Baka ikaw,"

Ilang sandali pa at niyaya na niya akong kumain sa maliit niyang dining room. Kumain kami ng sabay. I stayed on his pad at napagdesisyunan ko na doon na lang din matulog. I called my friends naman na hindi ako uuwi. I just want to stay with him

Nasa kama niya kami habang nanonood ng John Wick at kumakain ng popcorn

"He's so cool." Bulong ko. Hands down for this action movie!! Sobrang charismatic ni Keane Reeves

"That's not even real," kunot noong sabi ni Andoy at humiga sa kama niya

"Tutulog ka na?" tanong ko habang nanonood pa din. Konting kembot na lang naman at matatapos na tong movie.

Hindi siya sumagot kaya tumingin ako sakanya. Hinila niya ako palapit kaya napahiga na din ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. He bury his face on my neck.

"May problema ba Andoy?" Sa tagal ko ng kilala ang taong to kahit hindi niya sabihin nararamdaman ko kung may problema ba siya o wala. Siguro ganon na talaga pag kilala mo na ang isang tao.

"Anthony..?"

Matagal na natahimik kaming dalawa at ang tunog lang ay ang sounds ng patapos na movie. Lalong humigpit ang yakap niya sakin na para bang mawawala ako. The next thing i knew, he's crying..

"Anthony? Why? May masakit ba sayo? Uhh.. May problema ka ba sa school? Trabaho? Saan?" I tried to let go of his hug para tignan siya pero hindi niya ako hinayaan.

Anong problema? I never saw him cry. Never.. Kahit noong araw na biglang nawala ang tatay niya at kahit pag pinapagalitan siya ng mama niya noong bata pa kami. He never cried.

"Talk to me Andoy, God, Nag-aalala ako"

"J-just.. don't let me go." Namamaos niyang sinabi

"Andoy--"

"Please..."

Naramdaman kong nababasa ang balikat ko ng luha niya. Cry as long as you want Andoy.

Hinigpitan ko ang yakap sakanya atsaka bumulong,

"Nandito lang ako Andoy. I'll listen to whatever you will say. "

Mga tatlong minuto pa kaming nanatiling ganun hanggang sa bumitaw na siya. Pulang pula ang mata niya. That sad and tired eyes again..

"Trina..." aniya na parang nahihirapan. He's trying his very best para pigilan ang luha niya

"May cancer si Mama."

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon