Chapter 24
'Rain'mabilis akong nag-ayos ng gamit papasok sa trabaho
"Ingat girl!!"
"Ingat Trina!!" nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na kumpleto ngayon sa apartment at nanonood ng movie. Gustuhin ko mang sumama na lang sakanila hindi ko magawa nang dahil sa trabaho ko
Humarang si Leo sa pintuan
"Alis dyan Late na ako"
inirapan niya ako at inabutan ako ng kape na galing sa isang vendo machine
"Goodluck today!" sigaw pa niya. Sabado ngayon at pang-umaga na ang shift ko letse lang. 6AM dapat nandun na ako. Bakit ba kasi doon ako nag-apply sa 24 hours open eh
pagdating ko dun diretso bihis na ako, Mabilis dumami ang tao lalo na nung patanghali dahil rin weekend ngayon
Nakita ko si Andoy na may kausap ulit sa taas nung nag-abot ako ng order doon. Nakakapanibago lang kasi hindi katulad dati na mapadaan lang ako saglit tinitignan niya ako, eh kanina sa harap niya na nga ako dumaan hindi manlang ako tinapunan ng tingin
"Miss Ano ba yan! Tignan mo naman yung ginagawa mo!"
"Sorry po mam!" Mabilis akong kumuha ng tissue para punasan ang damit niya pero mukhang beastmode na talaga siya at walang makakapigil sakanya
Tumayo siya sa kinauupuan niya atsaka tinabig ang kamay ko. Halos lahat ng customers ay nakatingin na sa amin
"Ang simple simple ng trabaho mo pumapalpak ka pa? Maghahatid ka lang ng pagkain tapos itatapon mo at worst sa customer pa!"
Pulang pula siya sa galit bakit ba naman hindi eh mukha pa namang mamahalin ang damit niyang natapunan ko ng coke float. Kaltas yun sa sweldo ko at tiyak na mapapagalitan pa ako mamaya
Yumuko na lang ako at tinanggap lahat ng masasakit na sinabi niya sakin. Kesyo ang tanga ko daw, sino bang naghire sakin, at mas mahal pa daw ang damit niya sa sinusweldo ng manager dito
Nakita ko sa peripheral vision ko na bumababa si Andoy mula sa second floor. Naglakad siya papalapit samin at nakahinga ako ng maluwag
"What's happening here?"
"Eto kasing empleyado niyo eh tinapunan ba naman ako ng float sa damit. Mygod, I'm in a hurry right now at ang mahal mahal pa naman ng dress kong to!"
"We're really sorry mam. Hindi na po mauulit ang ganitong pangyayari" Masama akong tinignan ni Andoy
"Dapat lang!" sa huli, binigay na lang na libre yung inorder niya
"it's not my fault--"
"Stop it Trina. Customers are always right" Napairap ako sa kawalan
"That's not true! Yung babae naman kasi--"
"Trina trabaho ito okay? You should be professional at bumalik ka na lang sa trabaho mo"
umalis siya sa harapan ko at nagtrabaho na lang ako ulit
Nang pumatak ang alas kuwatro ng hapon niligpit ko na ang mga gamit ko para umuwi
Ang bigat bigat ng loob ko dahil hindi ko manlang nasabi kay Andoy ang explanation ko he doesn't want to hear it after all
"Trina pinapatawag ka sa taas bago ka umalis" Huminga ako ng malalim tsaka umakyat sa taas
he looks good with maroon long sleeves at black na neck tie. He smells good too. Maganda rin ang pagkakaaayos ng buhok niya at malapad na rin ang kanyang balikat na nagbibigay sakanya ng maskulado at matikas vibes
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romansaminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017