Chapter 23 'Shout'

114 3 0
                                    


Chapter 23
'Shout'

Unti-unti akong gumalaw at minulat ang mga mata ko para tignan si Andoy. Natutulog pa siya. Dahan-dahan akong bumabangon sa kama para hindi siya magising. Aw! Medyo nangalay ako dun ah! Pero napangiti ako nang maalala ko yung kagabi. I said it. Finally. Ang gaan sa pakiramdam

Bumukas ang pintuan ng kwarto akala ko nurse pero si..

"Trina? Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon ang boses niya. Bagay sakanya. Mukha siyang babaeng babae. Mahinhin, Demure na demure.

Doon ko lang naalala na mali ang nagtapat ako kay Andoy at nagpalitan kaming dalawa ng mga salita na hindi dapat. We just cheated behind Cheska's back. I feel horrible. Walang sino mang babae ang deserve na lokohin.

yumuko ako

"Trina?" pumikit ako ng mariin nang marinig kong magsalita si Andoy sa likod ko. Mabilis naman siyang nilapitan ni Cheska

"Are you okay Anthony? Sorry hindi ako agad nakapunta pinatawag ako ni Dad eh"

and blah blah blah blah

lumabas na ako ng kwarto. ang kapal naman siguro ng mukha ko para manatili pa don

Damn.

Leo Calling....

"Hello? Leo?"

"Nasan ka?"

"Nasa Hospital pero pauwi na din ako" Hihintayin ko lang makalabas si Cheska at magpapaalam na din akong umuwi

"Nag-aalala na sila Michaela sayo"

"Alam ko. Sorry nga pala hindi ko natapos yung game."

"Yeah, whatever." At napatay na ang tawag. siguradong nagtatampo si Leo hays

pagkalabas ni Cheska lumapit agad ako sakanya

"Uhm.. Uuwi na muna ako. Ikaw na dito?"

Nang tumingin siya saakin naramdaman ko agad na galit siya sakin. Alam niya na kaya?
"Salamat sa pagbantay sa BOYFRIEND KO." Umirap ng palihim ang mga mata ko. Hindi dapat siya nagpapasalamat kasi in the first place dapat siya ang nagbantay kay Andoy.

"Walang anuman." Ngumiti ako sakanya

papasok na sana ako ulit para kunin ang gamit ko

"Trina."

"Cheska."

"Mahal ko si Andoy." Hindi ko alam pero nagsimulang mangilid ang mga luha niya

Bumuntong hininga ako

"Mahal ka ba niya?" tanong ko. nanlaki ang mga mata nito at akmang sasampalin ako

"How dare you!" See? Kahit na mahinhin ang ibang mga babae may tinatago pa din yan sa loob nila. All women are bitch and crazy.

ibinaba niya ang kamay niya nang pagtinginan siya ng mga taong nadaan

"You know Cheska, itong mga scene na ito napapanood at nababasa ko na to eh. What? you'll tell me to fuck off? Layuan si Andoy?"

tumaas ang kilay niya

"Hindi ko na yun dapat sabihin kung alam mo na mali landiin ang taong may girlfriend na!"

"Sagutin mo ang tanong ko, Mahal ka ba niya? Mahal ka ba ni Andoy?" Nagsimulang tumulo ang luha niya

"you can't just stay in a relationship na alam mong ikaw na lang ang kumakapit." Sabi ko sakanya, dahil napagdaanan ko na rin yung ako na lang mag-isa ang naghihintay at nakakapit samantalang yung isa nakabitaw na pala

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon