Chapter 3 'Merry Christmas'

142 4 1
                                    

Chapter 3

'Merry Christmas'

Mabilis na lumipas ang mga araw pero ganun pa din kami ni Trina. Magbestfriend. Wala akong alam tungkol sakanila ni Francis pero mukha ngang seryoso ito sa panliligaw.

Pasko ngayon at kakatapos lang namin mag noche buena ni Mama. Kami lang dalawa kasama ang iba pa naming kapit-bahay

"Andoy, anak ibigay mo ito kina Trina pakisabi na rin sa nanay niya na sa sumabay na sila satin bukas sa pagsimba" tumayo na ako at kinuha na ang pagkain na  nakalagay sa tupperware. Nang lumabas ako ng bahay ay inilagay ko sa bulsa ng jacket ko ang isa kong kamay.

Damang-dama ang kapaskuhan bawat tao din na dumadaan ay binabati ako ng "Merry Christmas" ganun din naman ang ginagawa ko

Mas pinili kong maglakad kaysa sumakay sa bisikleta ko para mas madama ko ang simoy ng hangin at mas makita ko ang mga christmas lights na nakasabit sa bawat bahay na aaminin kong maganda sa paningin

Ngumisi ako nang nakita ko na ang bahay ni Trina

Patakbo akong lumapit doon ngunit bumagal ang pagtakbo ko nang napagtanto kong nasa labas si Trina at may kausap siya... si Francis

kitang-kita ko ang ngiti sa mukha ni Trina habang kinakausap niya ito. Mukha silang masaya at hindi ko kayang lumapit dahil pakiramdam ko masisira ko ang lahat.

tumungo ako, ganito ka na lang Andoy? laging nasa malayo? bumuntong hininga ako. Ginusto ko naman ito

Dumaan si Konching sa gilid ko, kapitbahay ni Trina at medyo nakakakwentuhan ko din

"Pare," sabi ko sabay hawak sa balikat niya

"Andoy! Merry Christmas Labyou pare!"

"Eew konching pero merry christmas din" sabi ko sabay tawa tumawa din naman siya sa sarili niyang kalokohan

muli kong sinulyapan sina Trina na ganun pa rin ang lagay

"Konching pabigay naman nito sa Mama ni Trina oh. pasabi na rin na sabay kaming sumimba bukas"

"Sige. Bakit hindi na lang ikaw? ilang dipa na lang layo mo eh tamad mo naman"

tinignan ko si Trina  na ngayon ay tumatawa sa sinasabi sakanya nung Francis. umiling ako

"Inaantay na ko ng nanay ko sa bahay eh. Salamat Konching" Sabi ko rito at tumalikod na nang tumingin sa gawi ko si Trina. Mabilis akong naglakad pero naramdaman kong may humawak sa balikat ko agad ko itong nilingon

"Oh Ikaw pala Andoy! Bakit hindi ka tumuloy? tara sa bahay!! Merry Christmas nga pala! I love you!" Umiwas ako ng tingin nang marinig ang huling tatlong salita na iyon. Sana totoo na lang yung 'i love you mo' Sana totoong mahal mo ako. Na higit sa ganito. Higit sa bestfriend.

ginulo ko ang buhok niya at ngumiti

"Regalo ko nga pala" may inabot siya saakin na nakabalot sa kulay pulang gift wrapper

"Regalo ko din" kinuha ko ang maliit na box sa loob ng jacket ko at inabot sakanya

"Merry Christmas Trina"

"Naks naman! Salamat!"

tinanggap niya iyon at nilagay sa bulsa ng kanyang jacket

kumikinang ang kanyang mga mata habang nakatitig saakin. Nilagay ko ang takas na buhok sa likod ng kanyang tenga

"I love you too." Kita kong pumula ang kanyang pisngi dahilan para matawa ako, May epekto pala ako sayo huh? tinapik ko ang kanyang balikat at iniwan ko siyang nakatulala

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon