Chapter 4 'Recognition Day, Confession Day?'

123 2 0
                                    

Chapter 4

'Recognition Day, Confession Day?'

nagdaan ang bagong taon at ilang mga natitirang huling araw sa grade 10 ay natapos na din.

Nagsimula ang seremonya ng pagkuha ng diploma. Nakangiting lumapit saakin si Nanay at proud na proud na gumraduate ako with honors.

nag-apir kami ni Trina nang makita ko siya. Lumapit na din ako sa mga iba kong kaibigan, natapos ang Recognition Day at masaya kaming umuwi ni mama pagkatapos kumain sa labas

Alas sais na ng hapon. medyo madilim na sa daan at hindi ako makapaniwalang Grade 11 na ako sa susunod na pasukan. Sa susunod na pasukan, iiwanan ko ang lugar na ito para tumulak ng Maynila.

Naisip kong hindi ko pa nga pala nasasabi ito kay Trina
kaya naman madali akong pumunta ng bahay nila.

"Trina!" tawag ko

lumabas siya ng bahay nila habang nagtatanggal ng pin sa buhok mukhang kararating niya lang din

"May sasabihin ako sayo" Walang paligoy-ligoy kong sinabi. kumunot ang noo niya at tumawa ng kaunti.

"Ano yun? bakit mukhang seryosong seryoso ka?" nakangiting tanong niya at inilagay sa bulsa ng kanyang dress ang mga hair pin na natanggal niya

"S-sa susunod na pasukan..." yumuko ako, parang ayoko ng ituloy

"Huh?" naguguluhan niyang tanong

huminga ako ng malalim at tumingin sakanya

"Sa susunod na pasukan, grade 11. Sa Maynila na ako mag-aaral"

pinagmasdan ko ang reaksyon niya nakangiti ito. Hindi manlang ba siya nalulungkot o ano?

"Alam ko."

nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya? eh bakit hindi manlang niya ako kinausap tungkol dito? wala siguro talaga siyang planong pigilan ako.

"Sige, yun lang naman ang gusto kong sabihin" Tumango ako at nilagay sa bulsa ang aking kamay. Tumalikod ako at naglakad na pero bago pa ako tuluyang makalayo nilingon ko siya at nagulat akong nakaupo na siya sa tapat ng bahay nila habang ang isang kamay ay nakatakip sa bibig at ang isa ay nagpupunas ng luha

shit! mabilis pa sa alas kwatrong bumalik ako sakanya

"Trina.."

"M-ma..M-mamimiss kita."

humagulgol ito at napakapit sa akin

"Mag-iingat ka doon. Kakain ka sa tamang oras. Sasabihin mo saakin kung may nililigawan ka na at kung anong klase siyang babae. Kukwentuhan mo ko Andoy. Kukwentuhan mo pa rin ako gaya ng dati nating ginagawa" basang basa ang mata niya ng luha at parang natutunaw ang puso ko. Umasa akong pipigilan niya akong umalis pero yung mga narinig ko ay sapat na.

tumango ako at ngumiti tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"May isa pa akong gustong sabihin"

"Ano yun?" kunot-noo niyang tanong

"Mahal kita Trina." walang kurap kurap kong sinabi

unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya

"Mahal din kita Andoy. Alam mo yan"

ibang pagmamahal ang nararamdaman ko Trina. Hindi mo pa rin pala talaga makuha.

But, I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon