EPILOGUEa big thank you to all of you! kung may nakaabot man hehe
"OMYGOD!! ANTHONY!!!" sabay hawak ko sa balikat niya. Tila nabulabog ang buong pagkatao niya. Nanlalaki ang mata niya akong tinignan
"Hold on baby" bulong niya sakin bago tumayo sa kama namin at kumuha ng hoodie na pinasuot niya sakin. Akay akay niya ako hanggang sa makasakay kami ng kotse. Ang sakit sakit na
"ANTHONY BILISAN MO MAG-DRIVE AAARAAAYYY!! ANG SAKITTT!!" Hiyaw ko sa loob ng sasakyan. Kahit ako ay narindi sa lakas ng boses ko
"Mahal, kapit lang okay? malapit na tayo sa hospital" hinawakan niya ang kamay ko. Nanginginig ang kamay naming dalawa
Ilang beses akong nag-inhale exhale para irelax ang sarili ko ngunit pakiramdam ko ay masyado ng matagal at hindi pa din kami nakakapunta sa Hospital
Pinagpapawisan na ako ng malamig at sobrang alala na ang mukha ni Andoy habang nagmamaneho siya.
"we're here" Aniya. Nasa harap kami ng emergency room. Mabilis na nagsilapitan sa sasakyan ang mga nurse
umiling ako nang isasakay na dapat nila ako sa wheelchair papasok ng emergency room
"T-the baby is coming out" sabi ko nang maramdaman kong nakalabas na ang ulo ng bata
lumapit ang isang doktora at pinabukaka na ako sa loob ng kotse at doon ako umiri para mailabas ang bata. Nilingon ko si Andoy na titig na titig sa paghihirap ko
"Mahal, Kaya mo yan. Mahal na mahal kita. Oh God, You can do this."
I scream at the top of my lungs. Sobrang sakit ng aking nararamdaman at nang makita kong nakangiti na si Doktora habang hawak ang isang sanggol na umiiyak.
Our baby..
hindi ko na napigilan ang pag-iyak sa bisig ni Anthony
nang lingunin ko siya ay umiiyak na din siya.
"Mahal, Ang anak natin. Ang ganda ganda niya." Umiiyak na sabi niya. Umagos ng walang tigil ang mga luha ko. I just gave birth to our child i'm so happy to the point that i want to jump but i can't. Unti-unting nagdilim ang paningin ko.
**
Sa New York na kami tumira ni Andoy nang maikasal kami sa Pinas. Dito na rin kami nag honeymoon at syempre ang pagsilang sa baby girl naming si Athena.
4 months na siya ngayon.
Nakangiti kong tinignan ang mag-ama ko. Tuwang-tuwa si Andoy kay Athena. Nakuha ni Athena ang mata at labi ni Andoy. Kaya siguro ganun siya kaganda at syempre hindi rin naman papahuli ang features ko. Namana niya ang ilong ko ano!
pinapatulog ni Andoy si Athena at nang mailagay na ni Andoy si Athena sa duyan, lumingon siya sakin at ngumiti.
hinawakan niya ang kamay ko
"Thank you for making me a father."
hinalikan niya ako sa labi
"Thank you for being you. Thank you for being Trina." Hindi ko maiwasan na hindi matouch sa sinabi niya
I wrap my hands around his neck at hinalikan ko siya ng matagal.
"Thank you for being Andoy and being my bestfriend. Mahal na mahal kita." Sabi ko naman. Wala na nga yata akong mahihiling pa. Noon, pangarap ko lang ang magkapamilya. Sabay kaming nangarap nung mga bata pa kami ni Andoy at kami din pala ang tutupad sa pangarap namin sa isa't isa. He's my partner after all. My other half.
Kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtog siya sa katamtamang lakas dahil baka magising si Athena. Napangiti ako nang maring ko ang pamilyar na kanta.
Settle down with me
Cover me up
Cuddle me inLie down with me
And hold me in your arms"Can i?" aniya at nag-alok siya ng kamay. Tinanggap ko iyon at marahan kaming nagsayaw
And your heart's against my chest, your lips pressed in my neck
I'm falling for your eyes, but they don't know me yet
And with a feeling I'll forget, I'm in love nownaalala ko bigla ang lahat. Simula sa pinaka-unang pagkikita namin ni Andoy nung mga bata pa kami, sa pagiging matalik na magkaibigan, paghihiwalay namin ng landas dahil sa pagpunta niya ng Maynila, yung pag-amin niya, yung pag-amin ko, yung naging kami tapos nagkahiwalay at ang pagkikita namin ulit. Pagpapakasal, pagkakaroon ng anak. Hindi ko maiwasan na hindi maiyak.
Kiss me like you wanna be loved
You wanna be loved
You wanna be loved
This feels like falling in love
Falling in love
We're falling in love
Ang layo layo na ng natahak namin. Hindi ko namamalayan na hindi na pala kami mga batang naglalaro lang ng salagubang. Mga magulang na kami ngayon, Mag-asawa.
"Madaming pagsubok ang dadating sa atin Trina pero tatandaan mo lagi sa tuwing mag-aaway tayo na mahal na mahal kita. At kahit ano pang mangyari ay tatanggapin kita sa kabila ng lahat ng pag-aawayan natin. Ikaw, kayong dalawa ni Athena at ang future babies natin ang buhay ko" Natawa ako ng kaunti sa sinabi niyang future babies
"Mahal na mahal din kita Andoy. Hindi sapat ang salita pero sobrang mahal kita. " niyakap niya ako ng mahigpit at sa pagtatapos ng kanta ay lumapit siya at hinagkan ang mga labi ko
-End-
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017