Chapter 2
'Sorry'
"pumasa ka sa Unibersidad na gusto mo Andoy! Congrats anak!!"
Nakangiti ko ding niyakap si mama pabalik. Masaya akong nakapasa ako at matutupad ang mga pangarap ko pero ang Unibersidad na gusto ko ay wala dito sa Batangas, nasa Maynila.
nakahiga ako sa aking kama at iniisip ang magiging kalagayan ko doon. Aalis ako sa lugar na kinalakihan ko para mag-aral. Iiwan ko dito si mama, ang ilan sa aking mga kaibigan at si Trina.
Hindi ko pa nasasabi sakanya at natatakot ako na pigilan niya ako sa pag-alis dahil baka hindi ko matiis at hindi nga ako tumuloy. Nalulungkot ako pero kailangan ko ito. Gusto ko iyon. Gusto kong tuparin ang pangarap na gusto para sakin ni papa
mag-aalasdose na, gising pa kaya si Trina? mabilis akong nagtype ng mensahe
Ako: Gising ka pa?
Mabilis siyang nagreply. Aba naman at nagpupuyat pa
Trina: Oo. Bakit gising ka pa?
Ako: Hindi ako makatulog. Ikaw?
mga ilang minuto bago siya nakakapagreply. Baka may katext tong iba
Trina: May katext pa hahaha
Ako: sino naman yan?
Trina: si Francis.
Napabangon ako sa kama.
Ako: tss. nagpupuyat ka para dyan?
Trina: Crush ko to ano ba. suportahan mo na lang ako hahaha
Ako: okay. tulog na ko. pakasaya kayo ng crush mo.
Trina: Haha okay! goodnight.
aba! hindi manlang ako pinigilan
Kinabukasan sinundo ko ulit si Trina sakanila
"Oh bakit nakasimangot ka diyan? agang aga" Ani nito
umangkas na siya sa likod at tahimik kaming dalawa habang papunta sa school. Nagulat ako nang makita si Francis sa may gate
hininto ko ang aking bisikleta at agad nakababa si Trina
"Good morning!"
"Good morning din." narinig ko pa ang batian nila tss. isinandal ko ang bisikleta ko sa may puno at dire-diretso akong naglakad
"Huy Andoy! Maggood morning ka man lang kay Francis" ani ni Trina
palihim kong ikinuyom ang aking kamao at pumunta na sa aming classroom.
kaklase din namin si Francis at matagal na nga siyang crush ni Trina pero ngayon ko lang sila nakitang nagiging ganito kalapit at hindi ko iyon nagugustuhan.
Halos hindi ko pinapansin si Trina at mukhang hindi siya naaapektuhan dahil masyado siyang masaya kasama ang Francis na iyon
"Andoy eto oh ballpen" aniya nang may pinapakopya si mam sa unahan
tinignan ko lamang iyon at bumaling ako kay Gina na isa din naming kaklase
"Gina may extra ballpen ka?" Tanong ko
mabilis naman ako nitong binigyan. Hinarap ko ang notebook ko at nagsimula na magsulat batid kong natigilan si Trina na katabi ko nakita ko pang kumunot ang kanyang noo at binalik ang ballpen sakanyang bag
nang nag-lunch na naisip ko ng pansinin si Trina pero magkausap na sila ni Francis imbes na kumain ay lumabas na lang ako ng room para magpahangin.
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017