Chapter 39
'Meet again'inilibot ko ang mata ko sa mismong factory na gumagawa ng damit ng brand na pagmamay-ari ni Tita. Pati ang mga tela.
I spend my whole day to the the factory.
"I'll leave tomorrow." ani ni Tita nang sakay ako ng kotse niya at hinahatid ako sa apartment
"Okay Tita. Ihahatid ko po ba kayo sa Airport?" umiling siya at ngumiti
"No. I can manage. May bigating customer bukas na dadating sa shop. Entertain them for me okay?"
tumango ako. Bigatin? ahhh Bigtime!!
"Don't worry. They will just pick up the gown and the suit na gagamitin nila sa kasal. Help them na magsukat. You can do it" tinapik niya ang balikat ko. ngumiti ako sakanya bago ako lumabas ng kotse
humalik ako sa pisngi niya
pagkalabas ko"Bye! Ingat po!" sabi ko at tuluyan na siyang umalis. First ever customer ko pala ang mga 'bigatin' na iyon bukas. Bakit ako kinakabahan? they will just pick up the gown and the suit lang naman.
Ngumiti ako kay 'David Beckham' na nasa counter. He smiled at me too. Omygod! I'm kinikilig!!!
Sumagi sa isip ko na kailangan kong maging loyal. Chill Trina, hahanapin mo pa ang love of the life mo. Natulog ako ng maaga at pumasok ako ng maaga sa trabaho. Ang mga empleyado ay energetic na binati ako.
Hindi ko maitatanggi na ang ganda ng opisina at ng mismong shop. Kulay white ang pintura ng shop at may nakasabit na dim na ilaw tho, hindi pa sila binubuksan kasi umaga palang naman. May shelve na maliit sa gilid. Nandun yung mga magazines na pwedeng basahin kapag nabobored or naghihintay tapos may couch na black sa may halaman malapit sa pinto. And then syempre yung mga clothes na nakadisplay na pa-isaisang piraso lang or dalawa
Nakapunta na ako sa mga may malalaking pangalan ng brand na damit na store at ganito lang talaga sila mag display ng damit. Kakaunti lang. Siguro kasi limited edition? I shrugged at that thought.
Ang opisina ko ay nasa loob. So hindi ko kita mula rito ang shop at hindi rin nila ako kita. The space was okay for me and it's very comfy to work here.
Yung mga ibang empleyado ang nag-eentertain sa mga papasok while me, tatawagin lang nila ako if something happens or kung nandyan na ba ang bigating customer. I've been waiting for the whole damn day. 8:30 kami ng gabi nagsasarado and 7:00 na wala pa din sila
Umiling-iling ako. Huwag nilang sabihin na hindi na nila kukunin? Ang pagkakaalam ko pa naman ay nakapagbigay na sila ng down payment.
Binuksan ko ang pinto ng aking opisina nang may kumatok dito.
"They are here mam" Ani ng Amerikanang nagtatrabaho dito. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Damn, bigla akong kinabahan. Nanlalamig ang kamay ko ngunit hindi ko na lang masyadong pinansin ang pagiging kabado ko at lumabas na ng opisina. Me and my team are waiting for the couple to enter the shop. Ang isa ay malapit sa pinto para pagbuksan sila. Una kong nakita yung girl. May katangkaran siya. Maliit ang bewang, naka braid ng maganda ang long at blonde niyang buhok. Matamis siyang ngumiti sakin nang magtama ang tingin namin. I can't take away my eyes on her blue eyes. She's so beautiful and hot. Kita mo palang sakanya, nag-uumapaw na siya sa confidence. Tinignan ko ang likuran niya ngunit wala na ang kotse at ang lalaking kasama niya. Huh? driver niya yon?
siniko ako ng isang empleyado at doon ako nabalik sa realidad. Nasa harapan ko ang magandang babae.
"You must be Katrina?" tumango ako at inilahad ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Roman d'amourminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017