Chapter 20
'Knock on woods'"Madami bang magagandang resort dun?" tumango ako. Shinoot ko ang balat ng burger na kinain ko sa basurahan.
"Madami bang gwapo?" excited na tanong ni Mina. Umiling na lang ako at tumawa. Simula ng niyaya nila ako dito sa canteen at nalaman nilang hindi ako taga Manila tadtad na sila agad ng kakatanong tungkol sa batangas.
"Madaming gwapo dun na halos nagsipuntahan na dito sa Manila hahaha" sabi ko
Dumaan sa gilid ko si Andoy kasama si Cheska. Nagkukwentuhan sila, hindi ko aakalain na titingin din sakin si Andoy. Yung pakiramdam na gusto ko siyang lapitan, yakapin, kuwentuhan, inisin, sapakin, hawakan ang kamay niya. Lahat ng yun, paulit-ulit ko pa ding nararamdaman pag nakikita ko siya
"Weh? Example nga! Ha-huntingin ko!" Sabi ni Eden
Ngumisi naman ako
"Si Leo."
"OMG! SI LEO?! YUNG KAKLASE NATING POGI! GOSH! TUBONG BATANGAS YUN? HINDI SIYA MUKHANG PROBINSYANO HA? WELL, POGI DIN NAMAN SI COCO MARTIN PERO GRABE BES AMPUTI NI LEO MUKHANG TUBONG AIRCON AT HINDI BATANGAS" Mina
umiling na lang ako at tumawa, nanliliit ang mata nilang tumingin sakin
"May something ba sainyo?" sabay nilang sinabi
"Wala. Magkaibigan lang kami."
"Duh? Girl and boy can never be bestfriends ng walang special feelings noh! Proven and tested yon! Madami akong kakilala" Eden
I smiled bitterly
"Oo nga. May kakilala din ako"
yumuko ako. Nakaramdam ako ng pamilyar na kirot sa puso ko.
"Pero kami ni Leo, friends kami. Uhh Hindi bestfriends" sigurado akong magtatampo yun pag narinig niya to pero para naman to sa ikatatahimik ng kaluluwa ng dalawang kausap ko
"Friends?" Takang tanong ni Mina
tumango ako
"Naging magkaibigan kami ni Leo nung Grade 11 ako"
"Ahhh. Mabait ba siya?" I don't know pero mukhang naging hugis puso ang mata ni Eden
"Hoy keso! Tigil-tigilan mo yang pagtatanong sa Leo na yan. Nakalimutan mo bang may boyfriend ka?"
"Ano ka ba Mina! Hindi masamang magka-crush kahit in a relationship ano" Sabay tawa nito ng malakas. I can see pain in her eyes kahit na tumawa siya ng sobrang lakas. Bakit? Hindi ba siya masaya sa boyfriend niya?
"Ikaw Trina? Nung nagkaboyfriend ka ba nagka-crush ka din sa iba?"
"HA?!"
"Hahaha pagpasensyahan mo na tong si Eden kung makapagtanong parang ang tagal niyo ng magkakilala eh" Binigyan ni mina ng mahinang siko si Eden
"Actually.."
ngumiti ako nang maalala ko noon na nagseselos si Andoy samin dalawa ni Francis.
"Oo."
"Kitams! sabi sayo eh! it's part of growing up na matukso ka sa iba basta ang mahalaga mas mahal mo pa din syota mo!" At tumawa ulit ng wagas si Eden
umiling ako
"Ang totoo nyan, hindi ko namamalayan na sakanya pala talaga ako inlove at hindi sa boyfriend ko at nung na-realize ko huli na ang lahat. Nung na-realize ko, malayong malayo na siya sakin. "
BINABASA MO ANG
But, I Fell Inlove With My Bestfriend
Romanceminsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017