Alyden 5: Sino'ng Crush Mo?

2.8K 82 2
                                    

DENNISE' POV:

          Bumalik ako ng kuwarto ko. I enjoyed the moment when I'm with Alyssa. Bakit gano'n? Bakit…parang kinikilig ako? 

        Ilang minuto pa ay dumating na  ang boardmate kong si Joanna. Accounting  student siya at majoring na siya, third year. Parang ate ko na. 

     "Wow!!! Curlytops! Penge naman!"
     "Nope! Madamot ako ngayon, hahaha!" 
      "Accchoooos! Bigay ng crush mo no?"
      "Siyempre naman!"
      "Si Myco? Ambilis ng tsimis na gusto ka niya ah. Tas si Kief naman sa friend mong si Alyssa."
       "Ay grabe ba ang tsismis? Nakakahiya naman." 
       "Ang cheap naman ng Myco na 'yan? Curlytops?" 
      "Eh hindi naman siya eh no!  Magbihis ka na nga muna." 
      "Hmmmmm…nakaka-intriga ka ha. Pustahan, itatago mo pa ang kahon niyan tas lalagyan ng mga kung anik-anik." 
      "Secret." 

     Nagbihis si Ate Joan sa banyo. Nilagay ko sa drawer ng study table ko ang curly tops. 'Yung cake naman ise-share ko, pero chocolates akin. :)  Paglabas ni Ate Joan ay umupo siya ng kama niya. Parang malungkot siya. 

       "Te, nag-away ba kayo ng bf mo? Ang sad ng mata mo." 
         "Ang bilis kitang mamimiss Denden."
       "Aalis ka na agad?" 
       "Eh naging maselan kasi pagubuntis ng hipag ko. Nakiusap ang Kuya ko na sa bahay muna nila ako tumira." 
      "Pero sa school ka pa rin?" 
      "O naman at sa kabilang baranggay lang naman ako lilipat." 
      "Ah..kala ko naman sobrang layo. Eh okay lang. Family is family diba?" 
      "Yes I know. Naging buhay ko lang itong dorm ng dalawang taon. Sana yung papalit sa akin alagaan itong kama ko." 
     "Kama talaga te?" 
     "Haahahah!!! Joke lang!" 
     "Kailan ka aalis?" 
     "Next next Friday. O, baka may gusto sa friends mo, alukin mo na. Ireserve na para hindi ka na mahirapan makisama. Sabihin mo muna kay Manang, huwag munang mag-paskil." 

        Lumipas ang isang Linggo na ang routine ko ay sa eskuwelahan at dorm lang. Si Alyssa ay naging abala dahil nakuha na siyang  varsity ng volleyball sa school. Narinig kong gusto rin ni Laura magtry. Si Laura…si Laura na laging kapit-tuko kay  Alyssa. 

        After ng pagdalaw ni Ly sa dorm  ay isang beses lang ulit yun. Naghiram siya ng notes sa akin sa Math. Absent kasi siya no'ng isang araw. Dahil kay Laura, parang nawalan na ako ng chance na mapalapit kay Alyssa kaya't si Bea na lang lagi kong nakakasama. 

        Friday, uwian ay sinabayan ako ni Ly sa paglakad pauwi. 

       "Tired? Dami assignment no?" 
       "Di naman. Ikaw ang pagod kasi may laro ka pa kanina." 
       "Gawa na kaya ako assignment sa dorm niyo? Tama, tara kain muna tayo. Puwede ba?" 
       "Laging puwede. Basta ba walang sisingit na ewan eh." 
       "Ano?" 
      "Wala. Tara sige, mag Jollibee na lang tayo. Miss ko na sundae do'n." 

       Masaya ako na nakasama ko si Alyssa magdinner. Simple moments pero ang saya-saya ko talaga. 

        "Alam mo, magtry out ka rin sa voleyball. Try lang naman." 
       "Naku huwag na. Enough na si Bea, ikaw at si Laura." 
       "Hindi nakapasa si Laura. Kailangan namin ng isa pa eh." 
       "So….this dinner is all about game again?" 
       "Ooops! Hindi ah! Nabanggit ko lang naman. Tingin ko lang kasing mukhang kaya mo eh." 
       "Tingnan na lang natin. Gusto mong fries? Order ako?"
     "Ay oo nga! Sige, sawsaw natin sa icecream, masarap!"

      Pagdating sa dorm ay deretso kami ng kuwarto ko. Sa kama ko kami gumawa ng homeworks. Hindi kami matalinong-matalino at nagpapaka-dalubhasa pero hindi rin naman kami yung slow. Sakto lang, nakaka-catch up ganon.

       "Puwede bang umidlip muna? Sakit na ng mata ko dito sa Literature. Puro English!" reklamo ni Ly sabay sara ng libro at humiga.

     Maaga pa naman kaya't hinayaan ko siyang humiga at yakapin ang unan ko. Tinapos ko ang assignment sa Lit. para kokopyahin na lang niya. Masaya ako na katabi ko si Ly. Tinitigan ko siya. Bakit ang cute ba niya? Biglang pumitlag ang puso ko. Hala! Saan nanggaling 'yon? Highblood na ba ako katulad ng tatay ko? 

        Isang oras din siyang naidlip. Dumating na rin si Ate Joan kasama ang  bf niya. 
        "Oh, may bisita ka pala?" Puna niya.
        "Oo te, nakatulog. Gawa kami assignments. Kumain ka na? Nag Jollibee kami."
       "Oo, kumain na kami ni Liam. Help niya ako maghakot ng ibang gamit ko na para konti na lang next week."

      Umalis din agad si Ate Joan. "Hay salamat! Gising na ang prinsesa," inasar ko si Ly. 

        "Parang narinig kong aalis na si Ate Jo?"
       "Oo next Friday." 
       "Aaaah….ako na lang kaya pumalit? May kapalit na ba?" 
       "Ha? Bakit naman?" 
       "Sinuggest kasi na sana raw malapit lang ang mga varsity sa school. Maghahanap pa lang sana ako." 
        "Eh di tamang-tama! Dito ka na! yehey!!"
        "Naku sana nga. Ipakiusap mo sa may-ari. Baka kasi may bet siyang iba kahit magdown na ako eh." 
        "Kakausapin ko sa Monday. Wala lang kasi pag Friday to Sunday si Manang." 
        "Atend ka ba sa Sunday? Kina Myco?" 
        "Oo diba?"
        "Wala akong damit."
        "Bili tayo bukas."
        "Pati ikaw?"
        "Puwede namang hindi pero additional Sunday dress din. O, kopyahin mo na 'tong Lit. ng makauwi ka na." 
        "Ayaw mo na ako makasama?" 
        "Gusto!"
        "Ako rin. Gusto kitang kasama. Bestfriends tayo no." 
        "Gano'n? Bestfriends tayo pero bestfriends din kayo ni Laura? Ano yon? Dalawang best?" 
        "Di ba puwede 'yon?"
        "Pag sinabing best, isa lang 'yon. Hala, sige na, kopya na." 

        Pag alis ni Alyssa ay hinid ako mapakali. Naeexcite ako na ewan. Kasi nga makakasama ko na lagi si Alyssa, as in!

         Nakahiga na ako para matulog. Niyakap ko ang unan ko at amoy ni Alyssa ang nanunuot doon. Ang bango naman! Para tuloy kayakap ko na rin siya. Psssssh! Bakit ito ang iniisip ko? Kaibigan, bestfriends kami. Hindi tama na ganito ang inaakto sa kanya. Shit, nakakahiya ako!

           Sinubsob ko ang mukha sa unan, sa ulunan ko. Amoy ng shampoo pa rin ni Alyssa, ano ba yan! 
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. 

Convo:
      "Goodnight ^_^" 
      "Uy! Still awake?"
      "Bed na. ikaw ba?" 
      "Kakahiga lang din. Di pa nga ako ina antok kasi nakatulog ako dyan eh!"
       "He, he!"
       "Ikaw matulog na. Baka excited ka lang sa party ha?"
       "Di kaya. Baka ikaw."
       "Aber baket?" 
       "Si Kiefer."
      "Hindi ah! Ayoko sa makapal ang kilay! :) "
       "Dagdag appeal po yun!"
       "Ay naku! Negative. May crush akong iba." 

         Biglang bumilis ang pintig ng puso ko at parang nanlamig ako. Coming straight from her that she admires someone, it affects me. Or my heart? Kasi bumilis ang tibok eh.
 Matagal bago ako nagreply. 

      "Hmmmm….sino?"
      "Tsaka na. Secret muna." 
      "Hindi tayo bati sige. Sino ngaaaaaaaa?"
      "Secret nga. In time, sabihin ko sa u."
      "Arte mo! Bahala ka na! Goodnight!"
     "Haahhhaahah! Ang cute mo talaga Dennise Lazaro!"
     "Wag mo ko paandaran Valdez!"
     "Goodnnaaaaaayttt!!!"

      Hindi tuloy ako nakatulog no'ng gabing 'yon. Hanggang kinabukasan, iniisip ko kyng sino ang crush ni Alyssa.  Hmpf!!! Kakainis! 

 ***********************

 Vote and leave comments.

 Update will be around March 22-24.

 Thanks. 

 Shan 3-17-17

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon