LY'S POV:
NANDITO ako sa kuwarto ko ngayon. Nagnilay-nilay sa mga naganap kanina. Lahat ba ay coincidence lang? Kami ba ni Denden ay ginagamit ng mga Lola namin para maisakatuparan ang naudlot nilang
pag-iibigan? Napaka-makapangyarihan naman talaga kung gano'n? Pero iba sila, iba kami. Kung magiging kami man ni Den, 'yon ay dahil sa pinili naming dalawa at hindi dahil sa kagustuhan nila.Napailing ako. Totoo nga bang sa isang iglap ay ako ang biglang na-engage at sa babeng mahal ko pa? Di ko tuloy alam kung dapat ko ba itong ikatuwa. Sa pagkakaintindi ko, marriage for convenience lang ang sa kanila ni Lucio. Hanggang saan kaya sila umabot bilang mag-boyfriend? Parang may kumurot sa puso ko sa isiping nahawakan, nahalikan o nayakap siya ng iba. Mas lalong masakit dahil ako ang napili niyang panakip-butas para maisakatuparan ang nasa testamento na 'yon.
Pero bakit ako? Umecho sa tainga ko ang sinabi niyang "Eh di magmahalan tayo?". Malinaw na hindi niya ako gusto, hindi pagmamahal ang pundasyon ng kasalang magaganap.Sumakit ang ulo ko kakaisip. Napapayag naman ako dahil parang napakadali lang na isikreto ang lahat. Madali naman sa akin ang pumunta ng ibang bansa. My family travels a lot. Siguro, papayag na akong magtrabaho sa company ng Tito ko doon. Then what? Doon kami magpapakasal ni Denden? Titira ba kami sa isang bahay?
Nakiliti naman ako bigla sa thought na 'yon. Umasa ako noon na sana ay mahalin din ako ni Denden pero di pa rin ako makapaniwalang sa ganito kami magtatapos…. as partners? As a couple legally? Whoah! Ang sabi niya ay isang taon lang naman ang hinihingi nya. Bakit hindi? Kung sa paraan na 'yon kahit papaano ay makasama ko siyang muli.
Di ko tuloy mafeel na magalit sa mga lola namin. Panaginip lang ang lahat kaya't hindi naman pagtataksil ito kay Prudencia? Ibang tao kami, ibang kaluluwa at gagawa ako ng sarili naming kasaysayan.
Before I close my eyes, umecho ulit ang insinuation ni Den tungkol kay Laura. Pilit kong inalala sa memory ko ang huling memories ko sa school.
Then I remembered the kiss. Nakita kaya kami Den when Laura kissed me sa dorm niya? Pero pa'no? Hindi kaya dahil do'n kaya niya tinatanong kung kami pa ni Laura? Inisip nilang naging kami ni Laura? Ano ba ang totoo?Nagring ang cellphone ko, si Denden. "Hi…"
Kumabog ang puso ko pagkarinig ng boses niya. Parang bumalik ako sa panahong okay pa kami noong college.
"Den…."
"I'm sorry a while ago if I had somewhat pressured you."
"Somewhat? You really pressured me."
"I'm sorry Ly. You can change your mind and reject my offer. Hindi mo naman solely fault ang lahat. Dahil kung wala ka naman at gusto talaga ni Lucio na huwag tumupad ay kaya naman niyang gawin. Naging madali lang sa kanilang gawin 'yon sa tulong mo. So… I guess this is goodbye?"
"Alam mo Den? Ikaw, kahit kailan ang gulo mo no?! Ginugulo mo ang lahat," medyo nainis ako. Hindi ko puwedeng igive up lang ng ganito ang pagkikita namin.
"I know it's wrong Ly."
"We're engaged now Den. Itutuloy natin ang kasal. One year lang diba? One year and it's over. Carry ko."
"You sure?"
"As sure as I'm talking to you right now."
"Okay let's meet tomorrow and talk. Goodnight."
"Goodnight."Kinabukasan ay kinausap ako ng Daddy ko habang nag-aagahan.
"Alyssa, ano'ng nangyari kagabi?"
"Po?"
"Hindi ba kayo sabay ni Ynnahng umuwi? Wala pa raw sa bahay nila eh."
"Sabay po kaming umuwi D-dad." Shete. Series of Lie will begin, :(
"Saan kaya nag-suot ang batang 'yon?"
"Baka may dinaanan lang po kasi nakita ko ho siyang may kausap sa cellphone pagbaba sa ga-gate nila."
"Sige, hintayin na lang natin ang balita. Saan ka nga pala ngayon?"
"I'm going to meet a friend."
"Uy! Bago 'yan ah. Buti naman at maglalalabas ka naman. Sino naman 'yun?"
"Si Denden Dad."
"Lazaro?"
"Opo."
"Wow! An old friend indeed. Sige, text mo na lang ako later at nag-aaya ang Mom mo magdinner sa labas."
"Okay Dad."
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanficA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018