Chapter 33: Surprised

1.7K 59 8
                                    


DENNISE' POV:

    After a week ay maayos na ang mga negosyo. Pumapasok na ako as one of the directors pero nakafocus ako sa pabrika.bMaliit lang ang opisina kaya't pinaparenovate ko ngayon. I'm thinking now of marketing strategy at nagcommit naman sina Tweety at Sugar na tutulungan nila ako.

     Sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw at hindi pa kami nagkikita ni Alyssa. May isa pa akong negosyo na may mas mataas ang posisyon, sa real estate ng Lolo ko.
Mabuti na lang at naiintindihan ako ni Alyssa.

    Lunes, maaga akong nagising. Sa GOCHING Realty ang punta ko para imeet ang boss ko ro'n. Kasabay kong nagbi-breakfast sina Mom and Dad.

      "Hija, gusto mo bang ipahatid na kita sa driver? Malayu-malayo ang Tanza."
      "Uy thanks Dad, I'm supposed to ask you that."
     "Okay ka lang ba anak? Masyado ka na yatang focused dyan sa mga negosyo na 'yan. Chill lang ah."
      "Haaay Daddy! Okay lang."
      "Anak," sabi ni Mommy. Nakatuon sa bacon ang mukha niya at hindi ako tinitingnan.

      "Hindi na kami bumabata ng Daddy mo. Tutal may asawa ka naman pala na ayaw mong ipakilala, eh pagpapamilya na rin asikasuhin mo."

      "Ano ba talaga My? Darating din 'yun. Nilagay lagay niyo ko sa ganitong sitwasyon tapos pag-aasawa naman ngayon?"

      "Kailan ba namin makilala 'yang sinasabi mong asawa?" Parang may banta sa boses ni Mom at tinignan na ko sa mata.
      "In time Mommy. Busy rin kasi po siya."
      "Siguro naman ay hindi kung sino lang 'yan? May tiwala ako sa taste mo."
      "O naman," sagot ni Dad. "Pipili ba naman si Den ng hindi pogi na gaya ko?"

      Napalunok ako at uminom ng kape. Aryakupo, pogi? Mas pogi ba si Alyssa kay Daddy? Hahaha!

    Hinatid na nga ako ng driver. Mga dalawang oras maximum ang byhae namin malamang.

Tinawagan ko si Alyssa.

   "Hi…"
   "Hi Den."
   "Are you sick? Kumain ka na ba?"
   "Hmmm.. Hindi. Ayos lang ako. May interview kasi ako ngayong umaga, sa Silvercrown. Nakita ko kasi sa Ad na may opening sa HR nila. Training ground na rin. Pero may kakilala rin ako r'on."
    "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Paano ka pupunta ro'n?"
    "Sinabi ko Den. Hindi mo na siguro nadinig kasi biglang may nagcoming sa yo, kinuha mo. Tas bigla ka ng nagbabye."
     "Tsk! Pero kahit na, dapat tinext mo man lang o kaya inulit mo."
     "Den please. Kahit naman sabihin ko rin maririnig mo, masasamahan o hatid mo ba ako?"

   Hindi ako nakasagot. Siyempre hinde dahil 9 am ang appointment ko. Haay!

    "O sige na, text mo na lang ako after. Sa Ortigas 'yan diba?"
    "Oo."
    "Sige, magkita tayo after ko."
    "Hmmmm…. Baka hindi muna kasi baka magbonding muna kami ng kinakapatid ko. Nurse siya sa Silvercrown at siya nagoffer sa akin na pumasok."
    "Bakit kasi hindi ka na lang lumipat sa akin?"
    "Nag-usap na tayo diba? Ayoko ng mga usap-usapan."
    "Eh bakit dyan pumasok ka? Kakilala mo rin naman nagpasok sa  'yo?"
    "Den…. Sagutin mo nga 'yang tanong mo. Co-employee ko siya. Ikaw, ikaw ang may-ari ng kompanya. Puwede huwag na tayo magtalo? Sige na bye."

      Binabaan ako ng cp ni Alyssa di ko na kinulit. Pero teka, may nakalimutan akong itanong. Tinext ko siya.

    "Ano kinakapatid mo?"
    "Ha? Eh di tao."
    "Ly, babae o lalaki?"
    "Hay grabe! Babae po."
    "Baka 'yan pinag-uusapan niyo ni Laura sa reunion ah. Baka common friend niyo 'yan? Magkita kayo at lumapit siya sa 'yo?"
    "Ay grabe ulit. Hahaha, nakabuo ka na ng kuwento po. Galeng! Walang Laurang involve dito. Sige na, sige na."

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon